Chapter Nineteen
Her POV
Naging usap-usapan ang nangyari kahapon dito sa kumpanya. Pumasok pa rin ako ngayong araw sa kabila ng lahat ng nangyari kahapon. Wala naman silang magagawa dahil hindi ko rin naman ginustong makulong sa elevator, well, aside na nandon si Thunder at nagkaaminan na, gusto ko na rin.
Kanina bago ako lumabas ng kwarto ko ay binasa ko muna ang text na galing kay Thunder. Nakatulugan ko na kasi siya habang kausap ko pa, hindi ko naman alam na magte-telebabad pala kami. Inabot kami ng alas-tres ng umaga at hindi naman pwedeng pumasok ako ng walang tulog. Baka dumoble-doble pa ang kaparusahan na makukuha ko ngayong araw.
From: 090597643**
Wintz, hindi mo naman ako in-inform na tutulugan mo ako. Well, anyway, I know you're tired and you have to sleep. I hope when you wake up, I'm the first thought you'll think today, all right? I know, what happened between you and your dad is my fault. I'm sorry for that but I will assure you that I'll make it up for this. I won't let you down because I will pull you with me, higher. I will explain everything for you, soon. I never left you, I never did. I just have to clarify things and I need to refresh myself, I have to be completely complete for you, babe. See you later? I love you. <3
Halos magpigil ako ng hininga nang mabasa ko 'to kanina, hindi ko na nga pinalitan ang pangalan niya sa contacts kasi hindi ko rin naman 'to cellphone, bibili na lang ulit ako ng bago. Gahd, kahit alam ko na may nangyaring masama sa akin kahapon, there's always a rainbow after the rain, right? Even his name is Thunder, he's still my rainbow after the rain.
Nag-reply na lang ako sa kanya na magkita kami mamaya, hindi naman ako nagmamadali na ipaliwanag niya sa akin ang lahat ngayon, at least, alam ko na siya na si Thunder, 'yun lang naman ang gusto kong malaman. Kasi gusto ko na may panghahawakan akong isang bagay.
And now, I have to deal the consequences I've made yesterday. Or should I say, those feeling karma na gusto lang akong parusahan. Ang sakit na nga ng mga mata ko sa kakapansin sa mga empleyado rito sa loob ng kumpanya. Paano ba naman kasi, pagkapasok ko pa lang kanina sa parking lot, may mga iilan na napatingin agad sa akin. Kahit hindi naman kami madalas magkita sa loob ng building, tinititigan nila ako at sinusuri. Parang lahat sila pinandidirihan ako, e hindi naman nila ako kilala. Kahit 'yung guard ay parang nailang pa sa akin at nagtaka pa ata na pumasok ako sa loob. Hindi rin nakalampas ang ilang empleyado sa loob ng cafeteria ng mapadaan ako, kahit ang cook doon ay tumingin din sa akin ng mapanghusga, ay nakakainis na! Ano ba gusto nila? 'Wag akong pumasok ngayong araw?
Kahit ano namang gawin kong pagpapaliwanag, hinding-hindi nila ako maiintindihan dahil 'yung mga bagay na gusto lang nilang paniwalaan ang pipiliin nila. Nasaan ang hustisya?
Kung tinatanong niyo ang nangyari sa amin ng tatay ko, ay wala. Hindi ako sumabay sa kanya ng almusal at ng pagpasok dito. Hindi siya kumatok sa kwarto ko, walang paalalang naganap. Dahil paglabas ko ng kwarto ko ay nagpaalam na ako agad kay mommy na aalis na. Kahit na alam kong nandon si daddy na nag-aalmusal ay inunahan ko na siya. I just need to distance myself to him, masyado niya akong sinasakal.
Pero hanggang dito ba naman sa kumpanya ay hindi mawala-wala ang mga chismoso at chismosa. Hindi na lang nila pagdiskitahan lahat ng trabaho nila at nakuha pa nila akong pag-usapan, wala naman silang mga alam, leche.
NANG makarating ako sa opisina ko ay nagulat ako na dahan-dahan na nililigpit ni Julia ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa ko. Sa sobrang dahan-dahan ng kilos niya ay napansin ko ang mga iilang pagtulo ng tubig mula sa kanyang mukha. Hindi niya ako napansin na nasa likuran niya ako, pero pansin na pansin ko ang mga luhang nanggagaling sa mata niya dahil panay din ang punas niya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Weather You Like it or Not Book Two
General FictionSometimes, leaving and letting go is way better than to stay and feel the pain.