A/N: Sorry, tagal ng update. Super busy and sorry if maigsi 'to. Hehe.
Chapter Thirteen
Her POVHindi ako agad umuwi sa bahay kahit alas-otso na ngayon ng gabi. Ayokong umuwi dahil alam kong nandoon na si daddy. He kept on calling me pero hindi ko sinasagot. Masyado akong nasaktan sa nangyari dahil hindi man lang niya ako nagawang ipaglaban.
Ano ba ang pinangako ko sa kanya, diba? I told him that I wouldn't do anything. Ilang beses niya akong binilinan at halos makabisa ko 'yon dahil sa kakaulit niya. Wala naman akong ginawa sa mga paratang nila, diba?
I know, Shella has something to do with the picture and I know that she told her father about the scene we had. That I walked out. I walked out because I wanted to end the conversation at wala naman na rin akong balak makipag-kwentuhan sa kanya. That's why I went to that place under the tree.
Hindi ako ang may kasalanan dito, e! Si Mateo talaga, e! Siya ang lapit ng lapit sa akin at kausap ng kausap, e! Kahit alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko siya alam ko naman ang ginagawa ko, e. I never insisted anything! He was the one who did all of these. And that was accused to me and that's bullshit!
Nandito ako sa labas ng condo ni Summer sa Rockwell. Siya na lang kasi ang taong malapit sa akin na pwede kong lapitan.
Tumawag ako sa kanya habang nakasakay ako sa kotse ko.
"H-hello?" Parang may iba na naman sa boses niya.
"Summer, are you busy? Nandito ako sa baba ng condo mo. I just..."
"W-what?! Anong gagawin mo dito?" Narinig ko ang pagmamadali niya sa kabilang linya. "San-sandali! Sandali!" Nawala siya sa linya pero naririnig ko ang pagtunog ng bakal at ang parang mga naghahabulang hininga. Napasapo ako sa ulo ko. Naistorbo ko ba siya? Or SILA?
Pumasok na ako sa lobby ng condo niya sa baba at doon na naghintay sa kanya. Nang makita ko siya na kumakaripas ng takbo papunta sa akin ay agad ko rin napansin na pawis na pawis siya at parang galing siya sa karera. Sinasabe ko na nga ba!
"A-ano... Halika sa taas." Sambit niya. Natawa na lamang ako sa aking sarili. Huling-huli ko siya at ang right timing ko palagi.
"Hindi ba kita naistorbo? Ay, rephrase. Hindi ko ba KAYO naistorbo?" Tinawanan ko siya nang mapasabunot siya ng kanyang ulo.
"Huwag mo nga akong pag-isipan nang kung ano." Bulong-bulong niya habang naglalakad kami pasakay ng elevator.
Hindi na lang ako nagsalita at nanahimik sa gilid niya sa loob ng elevator kahit na natatawa na ako sa isip ko. Mukhang na-badtrip ko kasi siya kasi nabitin ko SILA.
Nang makarating sa harapan ng kanyang unit ay nagkatinginan pa kaming dalawa. Na para bang pinag-iisipan pa niya kung bubuksan niya ito o hindi. Nang mag-pout ako ay saka niya lang binuksan. Natawa ako, 'di niya pa rin ako natitiis.
Sa loob ng kanyang unit ay kitang-kita ang linis at amoy na amoy ang bango ng loob. Masyadong iba para sa lalaki ang ganitong kalinis na condo. Malamig dahil centralized air condition ang kanyang gamit. Sinipat-sipat ko pa ang ilang mga kagamitan sa loob at may isa akong nakita sa kanyang grand piano. May litrato roon ng kanyang mukha at ng isang batang lalaki. Tinitigan ko pa itong mabuti at napagtanto ko na si Thunder ito.
Ang cute, sobrang cute nilang dalawa kung titignan. Parang mag-best friend lang na ayaw maghiwalay dahil magkaakbay sila pareho. Nakangiti sila na para silang walang iniindi na problema noong mga bata sila.
May isa pang picture na kasunod ang litrato nila. Isang picture ng babae na may subong lollipop at naka-tali ng dalawang pusod ang kanyang buhok. Maputi ito at makinis. Luma na ang litrato pero alam kong ako 'to. AKO ANG NASA LITRATO.
BINABASA MO ANG
Weather You Like it or Not Book Two
Narrativa generaleSometimes, leaving and letting go is way better than to stay and feel the pain.