Chapter Five
Her POVTamad na tamad akong bumangon sa kinahihigaan ko dahil kulang na kulang ako sa tulog. Ala-sais na ng umaga at kailangan ko na talaga bumangon para sa paghahanda sa trabaho ko. Baka mapagalitan na naman ako ni daddy dahil nagbabagal na naman ako.
Nakakainis naman kasi! Alas-kwatro na ako nakatulog kakaisip sa mga nangyayari.
Ngayon na lang ulit 'to nangyari. Dati, ang mga pinagpupuyatan ko lang ay ang mga papel na tinatrabaho ko. Ngayon naman ay ang nangyari kahapon at ang mga conversation namin ni Mateo.
Ang hirap naman kasi! Ang hirap ng may nakabantay sa lahat ng gagawin mo. Ang hirap gawin ng isang bagay lalo na kapag nasasakal ka. Ang hirap dahil ang dami kong kalaban na kailangan talunin kahit alam ko naman nang talo ako.
I will never win his heart, ever.
"Winter, your dad is waiting for you. Mag-almusal ka na raw. Baka ma-late kayo sa byahe." Sabi ni mommy sa labas ng kwarto ko.
"I'm coming, mom."
Naging mabilis ang kilos ko sa mga oras na 'yon at kahit ako ay nagulat sa sarili ko na hindi kami na-late ni daddy sa opisina. Masyadong mabilis ang byahe at ang bilis ng kilos ko kaninang umaga.
Buhay na buhay ang diwa at kaluluwa ko kahit na antok na antok ako at kulang na kulang sa tulog. And I really don't know why.
Bago makapasok sa sarili kong opisina ay nakita kong naghihintay ang sekretarya ko na si Julia sa labas. Sa pagsisimula ko sa trabahong 'to, ay naging close kami ni Julia. Hindi ko siya tinuring na utusan ko lang, I considered her as one of my close friends here. Secretary ko nga lang talaga siya at kailangan niyang mag-trabaho ng maayos. Never ko naman siyang tinarayan at pinagalitan kasi kapag gusto ko rin naman mag-unwind, sinasama ko siya. Kaya minsan, sa labas na lang namin pinag-uusapan ang trabaho. Nakapag-unwind na, nagawa pa ang trabaho. Inabot niya sa akin ang mga papeles na aasikasuhin ko sa araw na 'to.
"Saka nga pala, ma'am. Mayroon po palang pinapasabi si boss. Summer na raw po, may summer getaway po ata tayong lahat. Napag-meet-ingan na po ng heads and secretaries, i-update ko na lang daw po kayo. Tomorrow daw po 'yon agad. Two nights and three days. Sa Bataan po." Dire-diretso niyang sabi. Pinagsabihan ko na siya na 'wag niya akong i-po dahil hindi naman kami nagkakalayo ng edad. Mas matanda lang ako ng dalawang taon sa kanya. Bata pa siya, mabait naman, e.
"Bukas agad? Edi haggard much pala?" Sabi ko at tumango na lang siya. I pouted. "Napaka-biglaan naman ng getaway na 'yan." Dagdag ko.
"Biglaan po kasi plano raw po 'to ni Ma'am Shella." Napataas ako ng kilay at napabuka ng bunganga. Agad ko rin 'tong sinara nang makita ko ang pagtataka sa mukha ni Julia.
"O-okay. Sige." Ganoon na lang ang naging sagot ko at iniwan ko siya sa labas. Hindi na naman ako nakapag-isip ng matino.
Edi ibig sabihin, nandoon din si Mateo?! Malamang, Winter. Magiging asawa niya ang nag-plano nito kaya malamang kasama si Mateo.
Gahd! Why am I so distracted?!
Naisip ko agad ang mga susuotin ko para sa araw ng getaway. My God! Hindi pa naman ako nakakabili ng swimsuits! Ayoko naman gamitin pa 'yung dati ko dahil laos na 'yon. Iba na ang fashion style ngayon.
Paano ako makakabili kung buong araw akong nandito sa loob ng office ko at nagbibilang ng pera ng kumpanyang 'to?!
"Ma'am!" Pasigaw na tawag sa akin ni Julia.
"Pasok." Hingal na hingal siya ng makapasok siya sa loob. "O, bakit? Hinabol ka ba ng kabayo, ha?"
Natawa naman siya. "Hindi naman po! Ano po kasi... Ano..." Pa-utal-utal niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Weather You Like it or Not Book Two
General FictionSometimes, leaving and letting go is way better than to stay and feel the pain.