Chapter Two
Her POVMaaga akong nagising dahil Lunes ngayon at may pasok ako sa kumpanyang pinapasukan ni Daddy. Hindi na ako nahirapan maghanap ng trabaho noon pagtapos ko ng college dahil nakaabang na ang company nila daddy. Noong una ayoko kasi masyado namang pinadali lang sakin, hindi ko man lang na-experience na mahirapan pero okay na rin pala 'yon since first timer lang ako noon.
Inayos ko ang sarili ko, magmula sa mukha hanggang sa paa bago ako lumabas ng kwarto ko.
Naabutan ko na naghahain si mommy ng almusal namin ni daddy. Si daddy naman ay nagbabasa ng dyaryo at may kape sa harapan niya.
"Good morning, mom and dad." I greeted them before I pulled the chair and sat on it.
"Sasabay ka ba sa akin?" Tanong ni daddy at nag-isip ako. Pero sa huli tumango na lang ako. Makakalibre na ako sa pamasahe kapag sumabay ako kay daddy.
Kumain kami ng tahimik at mabilis na kumilos dahil baka maabutan kami ng traffic.
NANG makarating kami sa company ay nagpaalam na ako kay daddy na mauuna na akong umakyat sa loob dahil may mga aayusin pa pala akong papel.
Naka-assigned ako sa mga balance sheet ng company. Hindi madali pero kaya naman.
Sinalubong ako ng mga co-workers ko sa loob ng may ngiti sa labi at tinanguan ko naman sila. Masaya naman ako rito dahil lahat kami ay magkakasundo.
Nang makapasok ako sa office ko ay agad akong umupo. Tinignan ko ang mga papel na nakalagay sa ibabaw ng mesa ko. Mukhang marami at mapapagod na naman akong mag-compute ng lahat.
I glanced on my wrist watch and it's already 7:40 in the morning. Masyado pang maaga pero kailangan ko na 'tong matapos. Kaya umayos na ako ng upo at binuklat ko na ang folder na nasa unahan.
Alas-onse ng umaga ako natapos mag-compute at mag-balance ng lahat at nakaramdam na rin ako ng gutom. Nakapag-desisyon ako na ayusin ko muna ang mga papel sa ibabaw ng mesa ko at nag-isip ng kung anong kakainin.
Lumabas na ako ng office ko at dumiretso sa elevator nang may marinig akong nag-uusap-usap na mga empleyado.
"Ang ganda talaga ng anak ng boss natin, ano? Tapos yung mapapangasawa niya, grabe! Ang gwapo! Ang swerte nila sa isa't-isa." Sabi nung babaeng nasa edad thirty siguro. Ayoko sanang makinig pero hindi ko alam kung bakit ako na-curious.
May anak na pala ang boss namin? Nang mismong kumpanya? Hindi ko alam at hindi rin naman nabanggit sa akin ni daddy. Baka kasi siguro alam niyang hindi rin naman ako interesado.
"Oo nga, ang tagal nilang magkasama sa New York last time at buti naisipan nilang dito nalang gawin ang kasal na pinagpa-planuhan nila. Ang swerte nila sa isa't-isa." Sagot naman ng sa tingin ko ay dalagang babae.
Mukhang may magaganap na party about doon sa pinag-uusapan nila since kada may okasyon ay nagpapahanda talaga ang boss namin.
"Ano nga ulit name ng anak ni boss? She--."
"Shella kasi girl." Sabi nung bakla at napatango at napa-oo silang lahat.
Shella? Parang narinig ko na 'yon dati? Never mind, maraming may pangalan na Shella.
"Eh 'yung fiancé? Ano ulit ang pangalan?" Tanong ulit ng babae.
"Si ano... Gwapo 'yon, e." Sabat ng bakla. Hinihintay ko ang magiging sagot nang kung sinoman pero bigla silang napatingin sa akin at ngumiti. Nginitian ko na lamang din sila at nag-martsa na papuntang elevator. Nakakahiya naman na makiki-chismis pa ako sa kanila. After all, wala rin naman akong pakialam.
BINABASA MO ANG
Weather You Like it or Not Book Two
Ficción GeneralSometimes, leaving and letting go is way better than to stay and feel the pain.