Chapter Twenty

77 3 5
                                    

Chapter Twenty

Her POV

Minsan may mga pangyayari sa buhay na bibiglain ka, tipong masasaktan ka, minsan masaya, minsan mahirap, minsan nakakatakot, minsan parang wala lang. 'Yung tipong hindi ka handa kasi hindi ka pa sigurado. Gusto mong gawin, pero natatakot ka. Ayaw mong makita pero kailangan. Labag man sa kalooban pero dapat tanggapin. Mahirap, pero dapat kayanin.

Tao lang naman ako, nagkakamali, may kagustuhan na gustong mangyari, natatakot, nasasaktan at napapagod. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong masamang bagay na ginawang malala nitong mga nakaraang araw para maranasan ko 'to.

Sa pagsama ko kay Thunder sa araw na 'to, hindi ko na alam kung ano pang mukha ang ihaharap k okay daddy. Hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko, malamang, titignan na naman nila ako na sobrang sama ng ginawa ko. Ikakahiya na naman niya ako sa lahat, sa totoo lang, ang pinaka-masakit na bagay na nangyari talaga ay 'yung makita mong kinahihiya at kinamumuhian ka ng sarili mong ama. Sino ba may gusto non? Sarili mong kadugo, kaya kang itakwil dahil lang sa nagmamahal ka?

"Hey, eat your food." I was back in senses when he snapped his fingers in front of me. "Wintz, pwede bang pumasok sa utak mo?"

Napakunot naman ako ng noo sa kanya, "bakit?" tanong ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko at nag-lip bite sa harapan ko, "para naman malaman ko kung ano ang nasa utak mo, baka naman kasi ako na 'yan, baka hinahalay mo na ako." Natatawa niyang sabi pero inikutan ko lang siya ng mata kaya tumigil siya.

"Lamest joke ever." Sabi ko at tinusok-tusok ko ang chicken na nasa harapan ko. Nandito kasi kami ngayon sa isang fast food at nananghalian. Dito kami dumiretso pagkagaling naming sa opisina kanina, tinamaan ako ng gutom dahil sa stress at pagod. Naalala ko kasing hindi ako nag-dinner kagabi sa bahay at hindi rin ako nag-almusal kanina. Pinagalitan pa nga ako ni Thunder nang malaman niya 'yon habang nasa byahe kami. Paano na lang daw kapag nahilo ako o sumakit ang tiyan, edi wala na raw siyang pakakasalan na babae.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o maiinis sa tuwa. Nakakainis talaga pala, kinikilig kasi ako.

At ayan, we ended up here. Pero hindi ko makain-kain ang in-order kong pagkain dahil sa kakaisip ng mga bagay na pwedeng mangyari. Maaga pa, may ilang oras pa ako para mag-isip pero sa kada isip ko, wala naman akong maisip. Nakakapagod lang na panay ang isip tapos wala namang maisip. Ay jusko! Nakakaloka!

"Lamest agad? Pinag-isipan ko pa naman ng matagal 'yung joke." He pouted and I rolled my eyes again on him, seriously? Ang cute, nakakagigil ka!

"Pinag-isipan mo na 'yon? Wow ah?" Sarkastiko kong sabi, natawa na lang kami pareho at binalik ulit ang tingin ko sa kinakain ko. Kawawa naman 'yung manok, hindi niya naman gustong mapagbuntunan ng galit.

"Babe."

Napatingin ako at napangiti, hindi ako makapaghunos dili. Guto kong tumili pero nakakahiya kaya tumingin na lang ako ng diretso sa mga mata niya habang nagpipigil ng tili gamit ang pagkagat sa aking mga labi. Ngumisi siya sa akin at umiling-iling.

"Bakit?" Tanong ko.

"What's really bothering you? Please, kumain ka na. Kagabi ka pa walang kinakain, sasapakin kita riyan."

Ngumuso ako at tumunghay. "I wonder if this world will ever make sense to me, if I will ever truly understand anything . . . and if there's really anything to understand at all."

"Everything will make sense when the right time comes. Sa ngayon, kumain ka muna. Maiintindihan mo ang lahat, dahil ipapaliwanag ko sa'yo. Ngayong araw na rin na 'to."

Weather You Like it or Not Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon