Chapter Nine

66 4 2
                                    

Chapter Nine
Her POV

"Oh? Bakit nandito ka na?" Takang-takang tanong ni mommy sa akin. "May dalawang araw pa kayo, ah? Bakit umuwi ka na? May sakit ka ba?"

"Wala po, ayoko naman po talagang sumama roon and I have to do my works." Sagot ko.

"Akala ko kung napano ka na. Kumain ka na ba?" Tumango ako.

"Akyat lang po ako." Sabi ko at dumiretso na sa kwarto ko. Sinalampak ko ang sarili ko sa kama at pumikit.

Oo, umuwi na ako agad pagsikat ng araw. Alas-nueve pa lang ngayon ng umaga, naging mabilis ang byahe ko pauwi. Nakapag-paalam naman ako kay daddy at sa boss. Mabuti na lang at naintindihan nila ang alibi ko.

Nag-iwan na lang ako ng sulat kay Summer at Julia na iniwan kong magkatabi sa kama na natutulog. Sa pagkakaalam ko, naalipungatan ako dahil may narinig na naman akong ungol galing sa kanilang dalawa. Ganoon ba 'yon? Kapag di mapigilan? Kahit may ibang tao, push na push lang?

Umalis ako roon nang hindi ko nasilayan si Mateo at Shella. Mabuti na rin siguro 'yon para hindi na sila magtanong pa.

Ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko. Kasi, hindi naman totoong marami akong paperworks dahil bago kami pumunta sa Bataan ay natapos ko naman agad lahat ng trabaho ko. Ayoko naman na magmukmok lang dito sa kwarto ko at baka mabaliw lang ako sa kakaisip.

Nagising ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Tumatawag si Summer sa akin pero bago ko sagutin 'yon ay tinignan ko muna ang oras. Alas-tres na ng hapon at ang haba ng tulog ko. Sobrang kulang kasi ako sa tulog at sobrang pagod.

"Hello?" Kinusot-kusot ko pa ang mata ko.

"Wintz, how are you?"

"I'm fine, why?" I saw a hint of nervousness on his voice. "Kayo ba? Okay pa diyan?"

"Uh-yeah. Not until..." He paused.

"Until?"

"Until Mateo came into our room and asked where the hell are you? Hindi ka raw niya kasi nakita buong maghapon."

Bakit na naman niya ako hinahanap? Ano ba talaga gusto non sa akin? Bwisit talaga! Hindi na ako natutuwa sa kanya.

"Bakit daw ba?" Pagalit kong tanong.

"He said sorry. Ano ba nangyari sa inyo?"

Bakit ba kailangan niyang ipahalata sa iba na may concern siya sa akin na hindi naman na dapat niya ginagawa dahil maling-mali lahat ng 'yon. Napaupo ako sa inis at sinapak ang unan na katabi ko.

Minsan, gusto ko siyang bawiin pero dahil hindi pwede bakit hindi na lang siya makisama. Buti sana kung siya ang masisira, e, hindi naman. Ako ang empleyado kaya nasa akin ibabagsak lahat ng sisi.

"Nothing, Summer. Hayaan mo na lang 'yang kapatid mo. If you want, talk to him. 'Wag niyo na lang akong pag-usapan at baka mag-hysterical si Shella." I joked.

"Hindi mo pa nga naku-kwento ang lahat ng nangyari, e. Tapos, gusto mo ng kausapin ko siya. Let's take this slow, he will remember us soon... Ugh, J-julia." Nagulat ako ng biglang makarinig ako ng ungol. Are they having something again?! I was the one who ended the call because I heard a loud moan from them. Gahd!

They just met there and I don't know how many climaxes they had.

I shrugged my thought as I get up myself from bed. I washed my face before I decided to go downstairs. Wala akong nakitang bakas ng kahit sino sa sala at sa kusina. Patay din ang ilaw ng kwarto nila mommy at daddy. Malamang, iniwan ako ni mommy dito.

Weather You Like it or Not Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon