Chapter Twenty Four

75 4 0
                                    

Chapter Twenty Four

Her POV

Dalawang araw na akong nakikitira sa condo ni Thunder at alam ko sa sarili ko na nakakahiya 'tong ginagawa ko pero ayaw niya akong paalisin na lang ng basta. Nagpapaalam nga ako sa kanya na kung pwede mag-hahanap ako ng ibang hotel na lang muna, wala pa rin kasi talaga sa isip ko ang umuwi sa mismong bahay ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako handang kausapin si Daddy.

Hindi ko pa mahanap ang tamang salita para makipag-usap kay Daddy dahil nandito pa rin 'yung galit sa puso ko.

Dalawang araw din akong balisa sa kakaisip kung ano na ang pwedeng mangyari sa aming dalawa ni Thunder. Hindi naman niya ako pinababayaan dito sa condo niya, pumapasok pa rin naman siya sa trabaho niya at umuuwi rin naman siya ng may pasalubong para sa akin.

Para lang kaming mag-asawa ngayon, kinikilig ako.

Pero nahihiya talaga ako sa kanya, kaya lang ayaw niya talaga akong paalisin dito kung hindi rin naman daw ako uuwi sa bahay ay manatili na lamang daw ako rito, at least alam niyang safe ako at wala siyang aalahanin.

So, I stayed.

"Hello? How is she? Is she okay? Please, take good care of her, she's really fragile." Narinig ko si Thunder na may sinasabi sa loob ng kwarto niya, nandito kasi ako sa sala at nanunuod habang nakapatong ang paa sa center table at kumakain ng pagkaing dala-dala niya sa akin ngayong gabi. Nawala ang pokus ko sa panunuod dahil sa mga sinabi niya, sino kaya ang inaalala niya?

"Sino 'yun?" Tanong ko nang saktong palabas na siya ng kwarto niya.

"'Yung sa hospital, kay Shella. Tinawagan ako, medyo umaayos na rin naman daw ang lagay niya pero may paminsan-minsan daw na hinahanap ako." Tugon niya.

Tumango ako, "bakit hindi mo kaya puntahan?" tanong ko sa kanya na siyang nagpagulat sa kanya, huminga siya ng malalim bago tumabi sa akin at inakbayan ako. Hinalikan niya muna ang ulunan ko bago nagsalita.

"Hindi pwede, sigurado na kapag nakita ako 'non, baka magwala na naman. Kailangan niyang kumalma, baka kapag lumala, hindi na siya maging maayos pa. Saka, alaga naman siya ni James doon, siya ang pinagkakatiwalaan ko kay Shella." Sagot niya sa akin.

"Sino si James? 'Yung lalaking nagpunta rito noon? 'Yung tinanong ko ba, 'yung maputi? 'Yung gwapo? 'Yung matangos ilong? 'Yung kissable lips?" Sunod-sunod kong tanong na siyang kinagulat niya.

"What?" Parang nagulat pa siya sa mga sinabi ko, tinanggal niya ang pagkaka-akbay niya sa akin at tinitigan ako ng seryoso. "Anong sinabi mo? Ano 'yun, chineck-out mo talaga siya?" Mukhang magagalit pa siya, dahil nanlilisik ang mga mata niya at kulang na lang ay umusok ang ilong niya.

May masama ba sa tinanong ko? Mukhang nakuha niya naman ang reaksyon ko, takang-taka talaga ako. Wala namang masama sa sinabi ko.

Umiling-iling siya at isinuklay ang kanyang kamay sa kanyang buhok at muling tumingin sa akin na nakataas ang kilay. "What?" I asked, "what is happening to you? Why are you staring me like that? May nasabi ba akong mali?"

Nag-igiting ang kanyang panga, "oo, mayroon."

"Ano? Hindi ko alam." Sagot ko.

"Nagseselos ako."

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya kaya naman napainom ako ng tubig na nasa center table at huminga ng maayos. "Nagseselos? Saan?" Nanlalaki na ang mga mata ko sa pagtanong dahil hindi ko maintindihan kung saan parte siya nagselos.

"Inilarawan mo lang naman 'yung itsura ni James sa harapan ko, Winter." Irita niyang sabi kaya halos matawa ako sa sinabi niya. "Sige, tawanan mo pa ako, akala mo nakakatuwa ka."

Weather You Like it or Not Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon