Chapter Eighteen
Her POV
Kung may inihinto na ang oras ko kanina sa pagsasama namin ni Thunder sa loob ng elevator na 'to, may mas ihihinto pa pala ang oras ko dahil may mga nagpa-panic na tao ang nakaabang sa labas ng elevator. Hindi ko maitatanggi ang mga usap-usapan na nabuo dahil alam ko sa utak ko ang mga nakita nilang posisyon naming dalawa.
Nakahawak ako sa kanyang leeg at nakahawak naman siya sa bewyang ko. Magkayakap kaming dalawa na para bang sumasayaw kami sa promenade at alam kong hindi magandang litrato ang mga nabubuo sa utak ng mga taong nakakakita sa aming dalawa ngayon.
Kinakabahan man ay dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko galing sa kanyang leeg. Narinig ko ang pag-ngisi niya bago niya rin tanggalin ang pagkakahawak sa bewyang ko. Para kaming tangang nakangiti kahit na alam kong may mangyayari na naman sa aking hindi maganda pagtapos nito.
"O-okay lang ho kayo, sir?" Tanong ng isang nag-ayos ng elevator para mabuksan 'to. Nakaigting lang ang panga ko habang nakatingin kay Thun.
He nodded his head and said, "Okay lang." then after that, he looked at me with again. Ako na lang din ang umiwas dahil baka pag-isipan na naman kami ng kung anu-ano. Pero alam kong hindi na ako muling makakatakas sa mga mata nilang mapanlinlang. Nang tumingin kasi ako sa labas ay may iilang empleyado ang nakatingin at napapatingin sa aming dalawa. Tapos magbubulungan sila na akala mo hindi ko naririnig.
"OMG. Bakit sila magkasama?"
"Parang noon ko pa talagang napapansin na may something sa kanila, e."
"Look, magkayakap pa sila kanina. Hindi kaya sila nag-ano? Gets mo?"
"Yari na naman 'yan kay boss, susulitin niya pa fiancé ng anak. Naku!"
Ilan sa mga salitang narinig ko na ipinasok ko sa kanang tainga ko pero nilabas ko rin sa kaliwang tainga ko. Wala silang karapatan na i-judge ako dahil unang-una, wala silang alam, pangalawa, hindi nila nakita kung ano ang nangyari. Bakit? Hindi ba nila alam na kaya kami magkasama rito ngayon ay dahil aksidente lang? Tanga ba sila dahil hindi nila nakita na nasiraan kami ng elevator?
Hirap sa mga tao, e. Ang dali-dali sa kanilang mag-judge ng isang bagay na wala naman silang kinalaman magmula sa umpisa ng kwento. Kung ano lang ang makita, 'yun lang ang paniniwalaan.
People nowadays are so judgmental. They didn't know the whole story yet they're still doing what they want to do. Well, that's nature. Hindi siguro magkakaroon ng thrill ang buhay ng bawat tao kung walang kontrabida at mga epal ang manggugulo sa buhay ng bawat isa. Right?
Dahan-dahan kong inakyat ang sarili ko dahil na-trapped nga kaming dalawa. Naramdaman ko ang pag-alalay sa akin ni Thunder sa beywang ko. Napangiti ako pero itinago ko 'yon. He's back and he cares for me again. I love that. Nang makalabas kami pareho sa elevator ay panay ang ngisi naming dalawa kaya feel ko tuloy ay gulong-gulo na ang mga taong napapatingin sa amin. May mga taong nag-aalala sa amin kung paano at ano raw ang nangyari sa aming dalawa. Sinabi ko ang totoo, na nasira ang elevator nang hindi inaasahan. Pero hindi ko sinabi na nagka-aminan na kaming dalawa, of course, that's private and that was all for me.
"Hey." He whispered kahit mahina 'yon ay napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay. Hindi ko pinapansin ang mga tinginan na binibigay ng iba o ang mga bulungan nilang walang kwenta. "I can feel the hotness between us; we're both on a hot seat even though we're not sitting." He joked and I rolled my eyes at him at natawa na naman sa kanya, mahina lang ang ginawa kong pagtawa dahil baka mas lalong maging iba ang pag-iisip ng mga tao rito.
"Hayaan na natin sila, they're all judgmental, you know?" I answered back and he just shrugged it off.
Habang nagtatawanan kami ni Thunder sa hindi ko malaman na dahilan ay narinig ko ang seryosong boses na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Huminga ako ng malalim at umikot para tignan ang taong tumawag sa buo kong pangalan.
BINABASA MO ANG
Weather You Like it or Not Book Two
General FictionSometimes, leaving and letting go is way better than to stay and feel the pain.