Chapter Twenty Three

68 3 2
                                    

Chapter Twenty Three

Her POV

I was busy walking back and forth herein Thunder's room, because my Dad keeps on calling me. Nakaka-ilang missed calls na siya sa akin, hindi ko lang sinasagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya at hindi pa ako handang ikumpronta siya sa lahat ng nangyari.

Naalala ko 'yung mga panahong nagka-away kami ni Thun tapos pinilit ko siya na balikan niya ako noon sa playground pero iniwan niya lang ako sa ilalim ng malakas na ulan. Tapos umuwi akong basang-basa sa bahay at alalang-alala sa akin si Mommy at Daddy. Sinabi ko sa kanila na wala na kaming pag-asa ni Thunder kasi sinaktan at iniwan na niya talaga ako. Tapos ang naalala kong sinabi ni Daddy sa akin, "I love you, Princess. No one could ever hurt you. Isa pang pagpapaiyak ang gawin niya sa'yo o kung sino man, ako na ang makakalaban nila."

Halos magpasalamat ako ng buong-buo sa kaniya noong mga panahon na 'yon dahil alam kong siya na lang 'yung kaisa-isang lalaking hindi mananakit sa damdamin ko. Pero hindi, nagkamali ako. Siguro kaya niya nasabi 'yon dahil ganito ang balak niyang gawin sa amin ni Thunder. Bakit ang galing lang niyang magtago sa akin ng lahat ng kasinungalingan niya? Naitago niya sa akin ang lahat ng napag-usapan nila ni Thunder. Wala ngang nakasakit na ibang lalaki sa akin, pero siya pala ang gagawa noon and that's really something I shouldn't be proud of.

Nandito ako sa kwarto ngayon ni Thunder, sinadya ko talagang iwan silang dalawa ni Shella sa sala para makapag-usap sila, gusto ko ng ipalinaw kay Shella na wala na siyang karapatan pa kay Thunder. Magalit man ang lahat sa pagmamahalan naming dalawa, hindi na ako magpapatalo. I've been through a lot, at nabigyan na ako muli ng pagkakataon para lumaban, hindi ko na sasayanin ang oportunidad na 'to.

Nang tumunog ulit ang cellphone ko which is 'yung kay Mommy na hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasauli, nakita kong si Daddy na naman ang tumatawag sa akin. Pang-dalawampu't siyam na 'tong tawag sa akin at ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na sagutin ang tawag niya. Hindi ako ready pero kailangan talaga.

"Winter!" He shouted, nailayo ko nga bigla sa tainga ko ang cellphone sa sobrang lakas ng pagtawag niya sa pangalan ko. Siguro, oo, galit na galit na naman siya sa akin. Ramdam ko naman sa pagtawag niya sa pangalan ko, hindi ako sumagot bagkus hinayaan ko lamang siya na magpatuloy sa mga sasabihin niya. Ayokong magsalita nang kahit na ano, gusto ko lang siyang marinig. Kasi alam ko naman na alam na niyang magkasama kami ngayon ni Thunder. ". . .anak." Bigla niyang sambit na siyang nagpalambot sa buo kong pagkatao. Isang salita lang 'yon pero nandoon 'yung pagiging ama niya ulit sa akin, nandoon 'yung pagtawag ng pagmamahal niya. Parang biglang bumalik 'yung Daddy na kinagisnan ko.

The way he said the word 'anak' makes my heart melt. Oo, punong-puno ng hinanakit ang puso ko sa lahat ng nagawa ni Daddy pero hindi ko naman mababago ang mundo na siya ang tunay kong ama.

"D-dad." Tawag ko, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Oo, galit na galit na galit talaga ako sa kanya, sobrang naiinis ako pero sa sobrang pagmamahal ko kay Daddy, nanlalambot pa rin ang puso ko sa kanya.

"Anak, Winter. Nasaan ka?" Mahinahon ang kanyang boses, wala na 'yung galit. Parang nagsusumamo lang siya. Parang nag-aalala lang siya sa akin katulad ng mga pag-aalala niya sa akin noong nakalipas ang mga taon. I didn't answer him, ayokong sabihin ko na kasama ko ngayon si Thunder na alam ko naman na alam niya na ngayon. He has connections and I know, he already checked this condominium of Thunder.

". . .alam kong galit sa akin, pero. . .pwede ba tayong mag-usap na dalawa?" Dagdag niyang tanong.

I cleared my throat, parang may nakabara sa lalamuna ko sa sobrang pagpipigil ko sa paghinga ko. Should I answer him or not? What should I do?

Weather You Like it or Not Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon