Chapter Seven

64 5 10
                                    

Chapter Seven
Her POV

Feeling ko lulubog na ako ng wala sa oras dahil sa mga sinabi niya na patuloy kong binibigyan ng kahulugan na hindi naman dapat.

"A-alam niya kung saan mo gusto? What do you mean?" Gusto kong malaman 'yung naiisip niya. Gusto kong maintindihan lahat ng sasabihin niya.

"Gusto ko rito. Sa pwestong 'to. Every time kasi na lalangoy ako, gusto ko sa malalim na parte rin. Hindi ko alam na gusto mo rin pala sa ganito. Si Shella kasi matatakutin, e. Kahit gusto ko siyang alalayan, ayaw niya pa rin. Kaya alam niya kung saan ko gusto." Paliwanag niya na siya namang ikanasakit ng puso ko.

Umasa na naman ako, ayan, sakit ang hanap ko.

Tumango ako sa kanya at hindi na nagsalita. Dumistansya ako sa kanya dahil baka may makakita sa aming dalawa, mahirap na. Napansin niya ata na lumalayo ako kaya lumalapit naman siya sa akin.

Jusko naman 'tong lalaking 'to. Kapag gusto kong lumayo, lapit ng lapit. Kapag ako naman ang lalapit, layo ng layo. Ano ba talaga gusto nito? Kasi ayokong maguluhan. Ayokong may magulo. At ayokong manggulo!

"Galit ka ba sa akin, ha?" Sambit niya ng maramdamang kada lapit niya ay ang paglayo ko naman ng dahan-dahan sa kanya.

"Ha?" Sabi ko. Hindi ko mahanap ang tamang isasagot ko sa kanya.

"Bakit ka layo ng layo? Galit ka ba sa akin, ha?" Hindi ko namalayan na magkatapat na pala kami. Nararamdaman ko na tumatama na ang mga paa ko sa kanyang binti dahil sa sariling alon ng dagat.

Kinakabahan ako pero sobrang saya ko. Gusto kong maiyak dahil nabigyan ako ng Diyos ng oras para makasama ang taong mahal ko.

Hindi ako makapagsalita ng tama dahil mas malakas ang tibok ng puso ko. Sana marinig niya 'yon. Umiling ako bilang sagot ko sa kanya saka umiwas ng tingin sa kanya. Masyado niya akong nilulunod sa titig niya.

Tila may kuryenteng dumaan sa buong katawan ko at parang nanlamig ang katawan ko kahit na ang init dahil sa paghawak niya sa baba ko para iharap ang mukha ko sa kanya. Nanigas ang buong katawan ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi na ako makahinga.

Hindi niya binitawan ang pagkakahawak niya sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi ko siya mapigilan. Alam kong maraming makakakita sa amin kahit malayo kami. Sana hindi kami makita ng mga kasamahan ko. This is really wrong.

"Then why are you so distance?" He huskily asked. He looked straight in my eyes and his lips were lining straight. His face is so serious.

"I'm not and I just have to. Hindi pwedeng ganito tayo kalapit sa isa't-isa dahil baka may makakita sa ating kilala tayo at bigyan ng malisya ang lahat. At baka mag-away pa kayo ni Shella." Pagpapaliwanag ko.

Binitiwan niya na rin ang pagkakahawak niya sa akin at huminga siya ng malalim. Tila ang lalim ng iniisip niya at bigla na lang siya napailing.

What's wrong?

"Hindi naman siguro sila manghuhusga agad, bawal na bang makipag-kaibigan sa'yo?"

Bawal lalo na kapag ikaw.

"H-hindi. Ayos lang naman. Pero dahil babae ako at lalaki ka, baka magselos ang magiging asawa mo." Sabi ko kahit na nasasaktan na ako. Nandito siya kasi gusto niya akong maging kaibigan. Nandito siya at nakikipag-usap sa akin dahil gusto niya lang akong maging kaibigan.

"Hindi 'yon magseselos. I can explain it to her." He said. "So, you don't have to distance yourself to me. I'm here to be your friend. Baka naman ayaw mo kaya layo ka ng layo?" Pabiro niyang sabi.

Weather You Like it or Not Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon