Chapter Twenty Five

60 5 9
                                    

Hi guys! I'm really sorry for not updating this one for like two months? Had a writer's block and my heart wasn't okay to feel to update, no inspiration and super stressed lately. Sorry for waiting! Hope this update can bring back those feels again. THANK YOU! Here you go!

Chapter Twenty Five
Her POV

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at naisip ko na makipagkita na kay daddy at makausap na siya. Siguro, sa paraang ito baka maayos na ang dapat maayos. Kasi kung hindi ko sisimulan, walang mangyayari. At alam kong ako lang ang hinihintay ni daddy dahil ako ang galit sa kanya, at aaminin ko, namimiss ko na sila ni mommy.

Yung gigising ako sa umaga na nakahanda na ang almusal ko at ang mga paalala nila sa akin. Days had passed but I miss them already. Siguro ganoon nga, kahit anong galit mo sa taong mahal mo, hindi mo talaga sila matitiis dahil mahal mo sila at hindi na mawawala 'yon.

Sana pagtapos ng plano kong 'to may mapala ako, at kapag naging maayos ang usapan namin, isusunod ko naman ang problema ni Thunder kay Shella.

Kasalukuyan akong nasa coffee shop at naghihintay sa dalawa kong kaibigan na sina Julia at Summer na hindi man lang ako binalitaan na nagkakamabutihan na pala sila. Well, noon palang naman na.

Nasa trabaho pa pala si Thunder at mamaya pa niya ako susunduin dito para dumiretso sa bahay ko talaga.

"Boo!" Kinunotan ko lang ng noo si Summer. "Hindi ka man lang nagulat?" Tanong niya.

"Duuh, asa ka pa." I replied and chuckled. Umupo na siya sa harapan ko, luminga-linga ako. "Oh, nasaan si Julia?"

Nginuso niya naman ang counter, "ayun oh, umo-order." Sagot niya at nag-slouched na sa kinauupuan niya, parang tamad na tamad lang.

"Eh bakit ganyan mukha mo? Hindi ba kayo okay?" Tanong ko naman.

Umiling-iling siya, "we're okay, pero naiinis lang ako."

"Bakit?"

Tumingin siya sa direksyon ni Julia at ganoon din ang ginawa ko, tumingin ako sa likuran ko at sinulyapan si Julia. Naghihintay siya ng order niya sa gilid habang hawak-hawak ang cellphone niya at panay ang ngiti, nagtaka naman ako.

"Napansin mo ba? Mukha siyang baliw diba? Pagpapalit pa ata ako sa cellphone niya na yan!" Inis na sabi niya. "Hindi ko makausap ng matino minsan, sobrang seryoso kapag hawak ang cellphone, feeling ko may tinatago, e. May iba ata 'tong gusto at naging fuck buddy lang kami!" Dagdag pa niya.

Parang tama na ang naiisip ko, tumingin akong muli kay Summer at nagtaas ng kilay. "Natanong mo na ba siya about diyan sa kinaiinisan mo?" Ngumisi ako.

"Oo, tinanong ko kung mas mahalaga ba ang cellphone niya at ang ginagawa niya doon kaysa sakin, aba ang sabi sa akin, 'wag ko raw siya pakialaman! Ano sa tingin mo reaksyon ko? Matutuwa? Nakakabadtrip!" Huminga siya ng malalim at pumangalumbaba habang pinagmamasdan lang si Julia.

"Eh, bakit hindi mo matiis? Bakit nag-stay ka pa rin sa kanya?" Pang-aasar ko.

"Mahal ko na, e." Diretsong sagot naman niya kaya nahampas ko siya bigla sa braso. "Aray ko naman!" Singhal niya at sabay himas sa parte kung saan ko siya nahampas.

"Kinikilig ako, sorry!" Humagikgik ako roon habang tinutusok-tusok si Summer at inaasar. "Pero, seryoso. Feeling ko mali ka lang ng hinala." Sabi ko.

"Bakit? Sa tingin mo? May iba ba siyang gusto?"

I was about to answer him pero nakita kong nilapag na ni Julia ang tray ng order nila at tumabi siya sa akin. Nakita ko naman na umiling si Summer, sure ako na gusto niyang katabi si Julia pero tinawanan ko na lang siya. Napansin ko naman kay Julia na nagtataka siya sa aming dalawa kaya nag-peace sign ako.

Weather You Like it or Not Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon