Chapter Sixteen

57 4 5
                                    

A/N: I know this is bitin. Sabaw update. Hehe

Chapter Sixteen
Her POV

Lumipas ang ilang araw, linggo, buwan ng ganoon lang kabilis. Sa tagal ng panahon, hindi ko nalamayan na marami na pala ang nangyari. Bukod sa mga papel ko na lumalago at patuloy kong kinu-kwenta, ay papalapit at papalapit na rin pala ang kasalan nila Mateo at Shella.

Wala na sana akong pakialam kung hindi ko lang narinig kanina ang usap-usapan sa rest room.

Dalawang buwan ang lumipas at narinig ko rin sa usapan na ang site raw na ginagawa sa school ko dati ay malapit ng matapos. Hindi ko alam kung ano ang purpose ng site na 'yon kung bakit siya tinatayo ngayon.

Hindi ko na rin naman nabisita 'yun matapos ng araw na binuklat ko ang sketch pad niya. Wala na talaga akong balita dahil madalas akong nagsosolo lang sa kwarto ko o sa opisina ko. Tanging si Julia at Summer lang ang madalas kong kausap kapag lumalabas ako minsan.

At sa pagtagal ng panahon, halos nakalimutan ko na rin talaga si Mateo at Shella. Mabuti na rin 'yon, diba? Madali na lang sa akin ang salitang "move on".

Hindi ko masabi na okay na rin kami ni daddy. Dahil minsan awkward kaming dalawa. Ang tagal na rin ng panahon pero hindi ko pa rin makalimutan 'yung araw na parang tinrato niya akong iba. Minsan naman, kakausapin niya ako pero tungkol sa trabaho lang. Minsan hindi. Minsan wala talaga.

Okay lang sa akin. Kahit mahirap dahil nasa iisang bubong lang kami ay nakakaya ko naman dahil nandyan naman si mommy for me. And I know, kung matagal ng walang pakialam sa akin si daddy ay matagal na niya akong pinalayas dito. I'm still holding to his care.

Si Shella ay hindi ko alam kung natakot ba siya sa akin noong araw na nagkasagutan kami. Hindi na niya ako pinakialaman o baka busy lang siya dahil malapit na ang kasal nila.

Dalawang buwan na lang ata at magiging Racal na rin siya.

Natawa ako. Okay lang talaga sa akin.

Okay lang.

Ano pa bang magagawa ko? Kailangan ko na rin naman tanggapin na hindi lahat ng bagay na gusto ko makukuha ko.

There are times na magkakasalubong kami ni Mateo at minsan ay magsasabay sa iisang elevator. Para lang kaming nagbalik sa strangers. Hindi ko naman siya kinakausap, at ganoon din siya sa akin. Hindi na rin kasi ako ang naka-toka sa site na ginagawa, so minsanan na lang din talaga kami magkita ni Mateo. Madalas siya roon na nakatambay kasama raw ang kanyang mapapang-asawa.

Paano ko nalaman? Kung hindi kay Summer, kay Julia. Sila lang dalawa ang nagsasabe ng kung ano-anong updates tungkol sa dalawa na sa totoo lang halos hindi ko na bigyan ng pansin ang ibang balita. Nawalan na kasi ako ng pakialam.

Yung boss ko naman ay hindi rin naman ako kinikibo kapag nagkakasalubong kami pero binabati ko pa rin siya sa kagalang-galang na paraan. He was just too clouded with uncertain thoughts between me and Mateo kaya siguro siya ganoon kailag sa akin. At saka, anak niya kasi si Shella kaya protective siya sa relasyon ng dalawa. Hindi ko naman pinipilit ang sarili ko na kausapin nila ako. Mas okay ng tahimik ang mundo ko.

Bumalik ang huwisyo ko nang kumatok si Julia sa pinto ko.

"Girl, kailangan na rin daw natin maghanda sa isusuot natin sa nalalapit na kasal ni Sir Mateo at Ma'am Shella."

Nag-ikot naman ako ng mata. "Ano ba motif?"

"Pink and white raw, e."

"Okay." Sagot ko na lang at nag-isip kung san magpapaayos ng isusuot ko.

"Saan ka magpapagawa?" Tanong niya.

"Aba malay ko! Bakit pa kasi kailangan na invited tayo riyan! Hindi ko naman priority yan dapat." I expelled a heavy breath.

Kung kasal siguro namin 'yan ni Thun baka nga i-prioritize ko pa 'yon ng bongga. E, sa totoo lang, hindi naman na talaga namin kailangan sumama rito, e.

Lumabas na rin si Julia after that conversation. Wala talaga akong gana na sa mga buhay-buhay nila. Ayoko na ngang makita sila, e. Pero minsan, hindi maiiwasan.

Lalo na 'yung gabing nagka-ayaan mag-party sa rooftop ng building na 'to. Kami-kaming employees lang talaga dapat pero umakyat din si Mateo at nakiupo sa table namin. Hindi ko siya pinapansin kasi ayoko nang pag-isipan pa nila ako ng masama.

Hindi naman ako umiinom, juice lang ako. Tapos nagulat kami ng umakyat din si Shella sa taas. Napairap nga ako noon. Akala mo talaga aagawin asawa niya. Paano, kumandong ba naman agad sa hita ni Mateo at pinulupot ang mga kamay sa leeg nito sabay tingin sa akin.

As if naman na maiinis niya ako ng tuluyan. E, pinandidirihan ko na siya sa utak ko. Ang landi, e!

LUMIPAS ang oras ng ganoon-ganoon lang. Ang bilis na para sa akin. Nang lumabas ako ay wala akong masyadong nakitang tao sa hallway, okay, nasaan sila?

Nagmadali akong pumunta papasok sa elevator. Pero bago pa mangyari 'yon ay may narinig akong humihikbi sa di kalayuan. Dinig na dinig ko dahil tahimik ang hallway.

Dahan-dahan akong tumungo sa lugar kung saan ko naririnig ang hikbing 'yon.

Shock all over my faces when I saw Shella crying with all her heart. Mag-isa lang siya sa loob at panay lang ang iyak niya. Hindi ko malaman kung ano ang pwede kong gawin dahil baka may masakit sa kanya or ano. I can't decide.

"Bakit!" Galit na galit niyang sambit! "Bakit ako nasasaktan! Bakit!" Dagdag niya pa. "Hindi ko na kaya!"

What's her problem? Tungkol ba 'to sa kanila ni Mateo?

"I gave up everything just to have you, T-hun." She said in a soft voice and blood rushed through my veins.

She called Mateo as Thun. What?!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What is happening? Ano 'tong mga naririnig ko?

Umatras ako papalayo sa kanya at dumiretso sa elevator. Oh my god, I cannot.

After everything... They all knew? She knew? Are they just pretending or what?

What?! Paano ang kasal nila? Ano na lahat ng plano nila?!

I ran towards the elevator and pressed the first number. Nasa 4th floor pa lang ay bumukas na ito at dali-daling sumakay si Mateo. Gulat na gulat ako dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari.

Nang magsara ito ay saka niya lang naramdaman na may kasama pala siya sa loob. Kahit siya ay nagulat sa akin bago yumuko. I don't know what to say after hearing those things from Shella.

When the number started to go down, it's suddenly stopped at the number two. Then before I knew it, the lights turned off.

Holy shit!

I heard him groan in frustration. "Bullshit!" I saw him opened his cellphone and checked if he has a signal. "Wala pang signal! Tangina." Kumalma siya saglit bago ko nakita na tumingin siya sa akin.

Takot ako sa dilim... I had a nightmare with lights. Hindi na ako sanay katulad dati. Kasi kapag natutulog naman ako sa kwarto ko, nakabukas ang ilaw ng verandah ko.

"M-mateo." I stammered.

"I know you're afraid of dark, come closer. Shhh. Let's calm together." He said before I felt his arms wrapped my shoulders.

I felt safe.

But how does he know that I am afraid of dark?

Ayoko muna isipin ang mga narinig ko kanina, ayoko munang magtanong sa kanya. Ayoko munang manggulo.

But I have to know the issue behind that scene of Shella as soon as possible.

Weather You Like it or Not Book TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon