Ipinarada ni Logan ang sasakyan na partikular niyang ginagamit kapag pumupunta sa bahay ng kliyente o sa kahit saang meeting place na ni-request ng mga ito. Ginabi na siya ng uwi dahil malayo SDS base sa bahay niya.
Ang mga sasakyan na ginagamit nila sa trabaho ay nakarehistro sa fake identity ni Shan. Kaya kahit maisipan ng kliyente na ipa-trace iyon, mawawalan lamang iyon ng silbi. Shan had already planned everything even before the Services was established. Sa pagkakatanda niya, kinse anyos pa lamang si Shan nang pagplanuhan nito ang pagtatayo sa SDS. At nagkakilala silang dalawa, dalawampu't isang gulang na ito, samantala siya naman ay magbe-bente anyos pa lamang. Which exactly means six years of Shan's life was dedicated to plan out everything.
Their main goal? Money, of course. Bonus na lamang ang s*x doon. Lahat silang miyembro ng SDS ay minsang nasadlak sa lusak at kinailangang kumapit sa patalim. However, Shan was a different case. Galing na ito sa mayamang pamilya. Hindi ito nakatikim na mapunta sa laylayan miski isang beses sa buhay nito, kaya hindi niya alam ang dahilan kung bakit nito naisipang buuin ang SDS.
Ngunit kung ano man ang dahilan ng lalaki, wala nang pakialam si Logan doon. Because of the Services, he was able to get to where he is right now. Although he was years late, he was still able to finish his studies. And of course, he was able to save his sister... Kung hindi siya napunta sa Services, malamang ay hindi siya nakatakas sa mahigpit na hawak ng kahirapan sa kaniyang leeg.
Kaya kung sinuman ang nagsabi na hindi kayang bilhin ng pera ang lahat nang bagay sa mundo... kung sinuman ang nagsabi na madaling kitain ang pera, sana ay sumama na kay satanas sa impyerno. Lahat ay kayang bilhin ng pera-material things? S*x? Money can give you a whole damn life. Kayang-kayang baliktarin ng pera buong buhay isang tao. At iyon ang nangyari sa kaniya.
Now, he is building his own empire. Gamit ang lahat ng naipon niya sa Services ay nakabili siya ng sariling bahay at lupa. He was able to buy his own car; na ngayon ay umabot na sa lima. Nagtayo siya ng negosyo, at sa tulong ng koneksyon ni Shan sa industriya at ng iba pang miyembro ng SDS, nakilala iyon. His wine business rose to fame. Ngayon, maraming bigatin na personalidad na ang kumilala, nag-promote, at gustong maging partner ng negosyo niya.
With no doubt, maganda na ang buhay niya. He can buy whatever the hell he wants, and go to wherever on earth anytime he wants.
So why is he still in the Services, if you will ask? It is simply because of his loyalty to Shan and to the other members whom he called friends. Maaari ngang hindi maganda ang pananalita niya o ang malaking parte ng kaniyang pag-uugali, alam niya kung paana maging tapat at mabait sa mga taong tapat at mabait rin sa kaniya.
"Good evening ho, Sir Logan." Bati sa kaniya ni Manang Alberta. Ito ang nag-iisa nilang kasambahay.
"Good evening, Nang Alberta," bati niya habang inaalis ang kaniyang neck tie. "Where's Clarylaine and Claude?"
"Tulog na ho si Claude, Sir. Excited nga ho sa pagpasok bukas." Unang araw kasi sa high school ng pamangkin niya. Malamang ay excited itong makakilala ng ibang tao. Afterall, high school is the happiest part of a student's life.
"Really? Ang Ma'am Laine mo?"
"Nasa opisina niya ho, Sir. Doon na nga ho kumain dahil tambak daw ho ang trabaho niya." Saglit siyang natigilan. His sister is overworking herself again.
"Ipaghahain ko po ba kayo, Sir?"
Umiling-iling siya. "No need, Manang. I'm tired already. Magpapahinga na ako. Pakisabi mo kay Tatay Omeng na bukas na ihatid sundo niya si Claude ah." Si Tatay Omeng ang asawa ng matandang babae at ang driver nila. Stay-in sa kanila ang mag-asawang ito at umuuwi lamang tuwing day-off. Malaki na rin ang naitulong ng mga ito sa kanila, lalo na kapag pareho sila ni Clarylaine na wala sa bahay.
BINABASA MO ANG
Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)
RomanceLogan Johnston learned life the hard way. He was born out of unwanted pregnancy and his mother despised him so much. Kaka-graduate pa lamang niya noon ng highschool ng iwan silang dalawa ng kapatid niya ng kanilang ina. Kinailangan niyang pumasok sa...