Tumila na ang ulan nang magising si Logan kinabukasan. Ang tanging saplot lamang niya ay ang naiwang kumot, mula sa mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Rebecca.
Agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang dalaga, ngunit wala na ito sa kaniyang tabi. Wala ito sa kahit saang sulok ng kaniyang kuwarto. Bumangon siya, hinagilap ang kaniyang pajama at sweater at saka naghilamos.
"Rebecca?" Pagtawag niya sa dalaga habang pababa ng hagdan. "Becca? Where are you?"
Panay ang pagtawag niya sa pangalan ng dalaga ngunit wala ito sa kahit saang sulok ng bahay. Wala ang dalaga sa living room. Wala rin ito sa kusina o sa banyo. Kumunot ang kaniyang noo. Wala rin kasi ito sa library na madalas nitong pagtambayan sa umaga. That's really unusual.
Pinuntahan niya ang kuwarto nito, at akmang kakatok pa lamang nang mapansing nakaawang lamang iyon at hindi naka-lock.
"Becca?" Unti-unti niyang binuksan ang pinto nang walang marinig na sagot. "Are you here?"
Unti-unting nabura ang ngiti sa kaniyang labi nang makitang kahit sa sarili nitong kuwarto ay wala ang dalaga.
Hindi niya maipaliwanag ang kaba na sumalakay sa kaniyang dibdib. Where is she?
Mabilis ang kabog ng kaniyang puso. Tinakbo niya ang labas ng tahanan, ang mga mata ay hindi mapakali; nagbabaka-sakaling makikita ang dalaga sa labas; sa hardin, sa likod-bahay. Panay ang pagtawag niya sa pangalan nito. Ngunit kahit saan niya ituon ang tingin, ang asul na dagat lamang ang nakikita niya.
"REBECCA!" Halos umalingawngaw ang sigaw niya sa paligid.
May sumasagi nang hindi magagandang ideya sa kaniyang isip, ngunit pinipilit niya iyong burahin.
Did she left him?
No. No, that can't be.
For all he know, Rebecca does not leave the island ever since she was five, six years old. Halos buong buhay nito, nasa isla na ito, kaya hindi siya naniniwalang bigla na lamang itong umalis.
"Rebecca!" Hindi kaya may nangyari nang hindi maganda rito? Hindi siya magkandaugaga. Hindi niya alam kung dapat ba niyang hanapin ang dalaga sa gubatan sa likod ng bahay. Wala sa sariling tinakbo niya ang dagat, at nagpatuloy sa pagtawag sa dalaga hanggang sa mapagod siya.
Napaupo na lamang siya sa buhanginan at naibulong ang pangalan ng dalaga sa hangin. "Where are you...?" Anas niya.
Buong magdamag siyang naghintay sa labas. Magmula pagsikat, hanggang sa paglubog ng araw, nakatanaw lamang siya sa dagat. Ni hindi siya nakaramdam ng gutom. Parang siyang tanga na naghihintay habang nakaupo sa buhanginan, na basa pa dahil sa nagdaang ulan. Ang mga mata ay nakatutok sa dagat, tinitingnan kung may bangka na paparating.
Hinihintay niya si Rebecca. Even though Rebecca clearly left him.
But why? Why did she left him? Did he do something wrong? Hindi ba nito nagustuhan ang nangyari sa pagitan nilang dalawa kagabi?
But she does not need to leave him for that. Hihingi naman siya ng tawad, at mangangako na hindi na uulitin.
Kahit gunggong siya, masama ang ugali ay may isang salita siya. Ugali niyang gawin kung anuman ang ipinangako niya.
He thought that what happened between them last night is concensual. He thought that she loved it as much as he did.
He loved it.
"Dāmn it!" Kumuyom ang kamao niya. Galit ang sumalakay sa dibdib niya. How can she just leave him without saying anything?
She's just the same as his mother.
BINABASA MO ANG
Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)
RomanceLogan Johnston learned life the hard way. He was born out of unwanted pregnancy and his mother despised him so much. Kaka-graduate pa lamang niya noon ng highschool ng iwan silang dalawa ng kapatid niya ng kanilang ina. Kinailangan niyang pumasok sa...