LSO 22

211 11 1
                                    

Content Advisory!
This chapter contains depictions of child abūse. Please read at your own risk.

***

Sa pag-alis ng mag-asawang Marita at Saul sa tahanan ng mga Watkins, ang naging kakampi ng magkakapatid ay ang kanilang mga sarili... At si Shan, ang tahimik na bunso ni Andy. Ibang-iba ang ugali nito sa dalawa nitong kapatid. Mabait ito, at sa tuwing inaalila ng nina Mac at Monique sina Rubia at Ravena ay ito ang nag-aalaga sa apat na taong gulang na si Rebecca. Si Shan lamang ang itinuring nilang kapatid.

Hindi kaagad nakahanap ng kapalit nina Nanay Marita si Regina, dahil na rin sa pangit na reputasyon ng pamilya, at sa bali-balitang naging mapagmalupit ang babae kahit sa sarili nitong mga anak.

At dahil homeschooled sila pare-pareho— kahit sina Mac at Monique dahil walang eskwelahan ang gustong tumanggap sa mga ito— at palaging nasa kumpanya ang kanilang ina at ang bago nitong asawa, ang dalawa ang napag-utusan na magbantay sa mas mga nakababatang kapatid; na ginawa ng mga itong dahilan upang maghari-harian sa kanilang tahanan.

Tiniis ng apat na bata ang ugali ng dalawa at sa isang iglap ay naging mga alila. At kahit gustuhin mang magsumbong sa mga magulang ay hindi naman ito pinakikinggan o pinaniniwalaan. Talagang tuluyang nagayuma ni Andy si Regina. Kaya naman sa tuwing pinagtatakpan nito ang dalawang nakatatandang anak ay agad itong pinaniniwalaan ng babae.

Isama pa sa nangyayari ang mga pagbabanta ni Andy kahit sa guro ng mga bata, kaya naman kahit ito ay hindi makapagsumbong kay Regina sa tunay na nangyayari sa loob ng tahanang iyon.

Lahat sila, sa isang iglap ay naging pipi.

Hindi nagtagal, dinapuan ng hindi matukoy na karamdaman si Regina. Sa una ay nagpabalik-balik ito sa ospital, hanggang sa ma-bedridden ito, at ang mga doktor na lamang ang dumadalaw sa kanilang tahanan. Iyon nga lamang, kahit ilang buwan nang sinusubok tukuyin ang eksaktong sakit nito, hindi iyon lubusang maipaliwanag ng mga doktor.

Ngunit alam nina Rubia at Rebecca na may kinalaman ang Uncle Andy nila sa nangyayari, dahil nakita ng dalawa ang lalaki na palihim na kinakausap ang mga doktor. Hindi lamang iyon masabi ng dalawa sa sariling ina dahil nabulag na ito sa pag-ibig.

Nilason ito ng pag-ibig, ngayon, ang pag-ibig na rin na iyon ang lumalason sa katawan mismo nito.

Dahil sa pagkakasakit ng kanilang ina, hindi na ito lumalabas ng kuwarto, at sa isang iglap, si Andy na ang nagpapatakbo ng kumpanya at ng kanilang tahanan.

Hindi na nagkaroon ng kapalit sina Nanay Marita at Tatay Saul, dahil ayon kay Andy, dapat na raw silang matutong tumayo sa kanilang mga paa.

Pinalitan din ng lalaki ang guro nila. Mas istrikta ang bago nilang guro at tulad ng kanilang ina at ni Andy, mas kinakampihan din nito sina Mac at Monique. Basically, nagdagdag lamang si Andy ng panibagong demonyo sa kanilang tahanan.

Walang pasensya ang kanilang bagong guro, at sa tuwing nagkakamali ang magkapatid na Rubia at Ravena sa mga ipinagagawa nitong activity, nauuwi iyon sa punishment. Pisikal na pananakit. Nauuwi iyon sa panghahampas nito ng mahabang patpat sa palad ng dalawang bata, pati na rin sa paa at sa likurang bahagi ng hita ng mga ito. Kung hindi pamamalo ng patpat ay hinahatak nito ang patilya ng dalawang bata hanggang sa halos mabunot na ang buhok ng mga ito. And those kinds of sight are what Mac and Monique enjoyed the most.

That kind of setting had continued for more than a year. At habang palala nang palala ang nagiging trato sa magkakapatid sa tahanang iyon ay palala rin nang palala ang sakit ni Regina.

Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon