LSO 25

185 6 1
                                    

Content Advisory!
This chapter contains child abuse. Please read at your own risk.

***

"Wala ka talagang kuwenta! Kaparehas na kaparehas ka ng ama mo!"

Muntik nang tamaan ng bote ng alak ang mukha ng sampung taong gulang na batang Logan. Yakap niya ang limang taong gulang na si Clarylaine sa kaniyang bisig.

"Mama, tama na po," garalgal ang kaniyang tinig. Tigmak ang luha sa mga mata habang patuloy na nagmamakaawa sa sariling ina na tigilan na nito ang pagwawala.

Hindi naman ganito ang kaniyang ina noon. Oo, hindi ito ang perpekto at mabait na ina, ngunit hindi rin naman ito nananakit. Hindi rin naman ganito ang buhay nila noon. Miyembro sila ng maykayang pamilya sa Scotland, pero heto sila ngayon, araw-araw isang kahig, isang tuka.

Logan was born out of unwanted pregnancy. Si Clara, ang kaniyang ina, ay isang Filipina, samantala, Scottish naman ang kaniyang ama si Duncan. Pinanganak siya sa Glasgow, ang hometown ng kaniyang ama at doon nag-aral hanggang sa magpitong taong gulang siya.

Hindi sila close ng kaniyang ina. Ngumingiti lamang ito sa kaniya sa tuwing ibinibida siya nito sa kaniyang ama, at ang pangbibida nito ay may obvious din na dahilan: upang makuha ang pabor ng kaniyang ama. Pero kahit na ganoon, kakaibang saya ang tila bumabalot sa puso ng batang Logan, makita lang ang ngiti nito.

Naiintindihan naman niya kung bakit ganoon ang pakikitungo nito sa kaniya. Marami itong pinagdadaanan sa kanilang tahanan. Dahil nasa iisa lamang na mansiyon, madalas niyang marinig noon ang mga patagong pag-uusap ng mga tiyahin niya sa side ng kaniyang ama. Ayon sa mga ito, hindi raw talaga gustong magkaanak ng kaniyang ina, at napilitan lang upang pakasalan ito ng kaniyang ama.

Marami ang nagsasabi na nagpabuntis lamang ang ina niya sa kaniyang ama upang makapagpakasal ang dalawa. At dahil galing sa konserbatibong pamilya ang ama niya at upang maiwasan na rin ang mga chismis, nang malaman ng mga magulang nito na nabuntis ang kaniyang ina ay nagpakasal pa rin ang dalawa, kahit hindi ito boto roon. Isa pa, malayo ang agwat sa edad ng ama niya sa kaniyang ina, at bukod sa nahihirapan na itong makahanap ng ibang mapapang-asawa, talagang mahal na mahal nito ang babae.

Hindi raw maikakaila na pinikot ni Clara si Duncan para sa pera nito, at dahil magkakasama lamang sila sa iisang mansiyon ng buong pamilya ni Duncan,  madalas itong makakuha ng hindi magagandang tingin mula sa mga magulang at mga kapatid ni Duncan. At kahit siya, na ang kasalanan lamang ay ang ipanganak na may dumadaloy na dugo ni Clara sa kaniyang ugat, hindi nakaligtas sa mapanghusga na trato ng pamilya ng sariling ama.

Ngunit kahit ano pa mang masasamang bagay ang sabihin ng pamilya ng kaniyang ama ay hindi siya naniwala roon. Kung walang kakampi ang ina niya sa tahanang iyon, nangako siya sa sarili na siya ang nag-iisa nitong kakampi.

At a young age, he already understood the indifference of their mother. That is why he grave her attention. He did everything for her to recognize and trust him. He excel in school and become more mature than most children of his age. Pero kahit ano pa man ang gawin niya, hindi nagbago ang pakikitungo sa kanila ng sariling ina.

Nang tumuntong siya ng pitong taon ay lumala ang sitwasyon sa mansiyon. Biglaan ang naging pagkamatay ng kanilang ama dahil sa atake sa puso. Nagkagulo ang mga tao sa mansiyon; mga magkakamag-anak ngunit nag-aaway-away sa pera. Ang perang iniwan ng kaniyang ama para sana sa kaniya, na anak nito.

Masyado pa siyang bata noon, para maintindihan na inalis sa pangalan niya ang lahat ng mga lupain na kaniya dapat mamanahin. Bagkus, pinaghati-hatian iyon ng mga kapatid ng kaniyang ama at siniguradong walang makukuha miski isang kusing ang kaniyang ina. Sinigurado rin ng mga ito na mabubura sila sa landas ng mga ito sa pamamagitan ng pagpapatapon sa kanila pabalik sa Pilipinas, ang bansa ng kaniyang ina.

Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon