Rebecca's heart is beating fast. Why is that? She clutched her chest, trying to slow down her heart, but doing so did not help. It is the first time that it happened to her just because of someone's smile.
At talagang dahil pa iyon sa ngiti ng Logan na iyon. Nababaliw na ba siya?
"Becca, anak?" Napaigtad siya sa pagtawag ni Nanay Marita sa kaniyang pangalan. Kumunot ang noo nito. "Anong ginagawa mo riyan sa may pinto?"
Isinenyas niya ang mga kamay upang sabihing 'wala.' Sinabayan pa niya iyon ng sunud-sunod na pag-iling.
Lumapit sa kaniya ang ginang, pagkatapos ay saglit na sumilip sa bintana. Nakita nito si Logan na nakaupo pa rin sa may bangkito at nakatalikod sa kanilang direksyon.
"May nangyari ba?" Muli nitong tanong sa kaniya. "Aba'y pulang-pula iyang mukha mo ah. May sakit ka ba? May masakit ba sa iyo?"
"I-It's really n-nothing, N-Nay..."
Nakita ni Rebecca kung paano saglit na matigilan ang ginang. Pero sigurado siyang hindi iyon dahil sa pagsasalita niya. Halos ito na at ang asawa nitong si Tatay Saul ang nagpalaki sa kaniya. Bago ang aksidente, orihinal na nagtratrabaho para sa pamilya ng pinsan niya sa England ang mag-asawa. At nang maaksidente nga siya noong magli-limang taong gulang pa lamang, na siya ring naging dahilan ng hirap niya sa pagsasalita ngayon, saka pa lamang niya nakilala sina Nanay Marita at Tatay Saul. Dalawampu't siyam na taong gulang na siya ngayon, at masasabi niyang talagang napakatagal nang naninilbihan sa kaniya ng mag-asawa.
Ibinibigay ng mag-asawa ang lahat ng gusto at kailangan niya. Ito na ang tumayong mga magulang niya sa nakalipas na halos tatlumpung dekada. Naalala pa niya ang mga paghihirap nito, lalo na noong hinahanap siya ng mga ito ng guro na magtuturo sa kaniya, at talaga namang hindi iyon naging madali. She was entirely homeschooled. Dahil sa layo ng kanilang isla, at dahil sa hirap niyang pagsasalita, walang mga guro ang nagtatagal sa kaniya, kahit na gaano pa kalaki ang kanilang ibayad.
Hindi na niya mabilang sa kaniyang daliri kung ilang beses siyang nagpapalit-palit ng mga guro na walang tiyaga sa pagtuturo, lalo na noong highschool. Mabuti na nga lamang at noong kolehiyo ay nakahanap sila ng professor na magaling at matiyaga.
"W-Wala ho talaga."
"Ang tagal na noong huli kitang marinig magsalita ng Tagalog. Akala ko nga'y nalimutan mo na e." Nakangiting sabi nito.
"H-Hindi ho."
Hindi naman talaga niya nakalimutan. But she often struggles speaking the language that's why she only use it sometimes. Mas sanay pa rin siya sa wikang ingles. Pero dahil palaging Tagalog ang pagsasalita ng mag-asawa, mabilis na sa kaniyang maintindihan iyon.
"Nagkausap na ba kayo ni Sir Logan?"
Sunud-sunod na tango ang isinagot niya.
"Ano? Paaalisin mo pa ba siya?" Muling tanong nito.
Hindi siya nakasagot kaagad doon. Bagkus, muli siyang napasulyap sa binata sa labas. Nakita niyang tumayo ito, saglit na tinignan ang mga bulaklak niya, at pagkatapos ay nagtungo sa pinakamalapit na puno ng niyog. Sumandal ito roon, at tingin niya ay nakatitig na sa mga hampas ng dagat sa dalampasigan. Napatingin na lamang siya sa mapuputi nitong mga paa na walang sapin. Tumataas na ang sikat ng araw. Maya-maya lamang ay iinit na ang buhangin, at kapag hindi pa pumasok ang binata sa loob ng bahay, paniguradong mapapaso ang mga paa nito.
Ngunit ano ba ang pakialam niya roon? Hindi dapat siya nag-aalala sa mga ganoong bagay. Ni hindi nga dapat niya ito inaalala.
Nagmamadali niyang tinalikuran ang ginang, at akmang aalis na sana nang may maalala. Ngunit kaagad din siya nitong pinigilan.
BINABASA MO ANG
Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)
RomanceLogan Johnston learned life the hard way. He was born out of unwanted pregnancy and his mother despised him so much. Kaka-graduate pa lamang niya noon ng highschool ng iwan silang dalawa ng kapatid niya ng kanilang ina. Kinailangan niyang pumasok sa...