Sabi ni Logan, susunod daw ito. Napatingin si Rebecca sa nakasabit na orasan. Ngunit lagpas isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ito bumababa mula sa kuwarto. Hindi niya alam kung nakatulog na ba ito at nakalimutan ang cake, o talagang malaki lamang ang problema na kinakaharap nito.
Wala sa sariling napatingin siya sa dalawang slice ng cake na nasa magkaibang platito. Kanina pa siya nakaupo sa may sofa at pakiramdam niya, nangangalay na rin ang pang upo niya sa kakahintay. Napabuntong-hininga na lamang siya. Kung bakit ba kasi hinintay pa niya ito.
"Anak, gusto mo bang katukin ko na siya sa kuwarto niya?"
Kinuha niya ang whiteboard na nakapatong din sa mababang mesa at nagsulat doon.
No need, Nanay. Magpahinga na ho kayo.
Kita na niya ang pagod sa mukha ng mag-asawa. Paano'y buong araw na ring nagtratrabaho ang mga ito.
"Ha? E paano ka, anak?"
Binura ang isinulat niya sa whiteboard gamit mismo ang sleeve ng dress niya. Wala na siyang pakialam kahit na nangitim na ang maliit na parte niyon dahil sa tinta.
Magpapahinga na rin ho ako maya-maya.
"Sigurado ka ha?" May paninigurado sa tono ng ginang. Tumango-tango naman siya at binigyan ito ng maliit na ngiti.
"O sige. Matulog ka na ha? Anong oras na rin e," sabi sa kaniya ni Nanay Marita.
"Good night, Rebecca." Iyon naman ang sabi ni Tatay Saul.
Kapwa nginitian na lamang niya ang mga iyon. Tuluyan na siyang tinalikuran ng mga ito at tinungo ang direksyon ng quarters pagkatapos. Isang maliit na bahay iyon sa likod ng main house na para lamang talaga sa mag-asawa. Nang makaalis ang mag-asawa ay nanatili siyang nakaupo sa may sofa. Ngunit matapos lamang ang ilang minuto ay muli siyang napatingin sa cake sa mababang mesa.
Ah, bahala na nga.
Binitbit niya ang platito at nagtungo sa kuwarto ni Logan. Kumatok siya ng ilang ulit sa pinto ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa loob ng kuwarto. Nagtaka siya, bahagyang kumunot ang noo. Nakatulog na ba ito? Tanong niya sa kaniyang sarili.
"L... Logan?"
Muli siyang kumatok. At nang wala uling sumagot sa ikalawang pagkakataon ay hindi na niya napigilan ang sarili. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob. Ang to her surprise, bukas iyon; hindi naka-lock.
Pumasok siya sa loob ng kuwarto ng binata. And to her surprise, it is pretty neat. Nanay Marita told her that most guys are untidy when it comes to their rooms. But Logan's room isn't untidy at all. Hindi nito pinakialaman ang disenyo ng kuwarto, maliban na lamang sa inusod nito ang isa sa mga single seater na sofa at ang center table malapit sa bintana. May mga patung-patong na libro sa ibabaw ng table na iyon na tingin niya ay hiniram nitong lahat mula sa study hall. Maayos na nakahanay ang ilang sapatos nito sa ilalim ng kama. Ang ilang gamit nito na hindi na nito inalis sa nakabukas na maleta malapit sa paanan ng kama ay organisado rin.
Lumapit siya sa mga libro. Nakita niyang tungkol iyon sa mga wine. There are books about the different kinds of wines, the process of making wine, and even books about the history of wines. He is clearly into wines. At bahagya siyang namangha roon. Sa unang tingin ay hindi mahahalata sa binata na mahilig ito sa mga ganoong klase ng libro. Isa pa, sa tinagal-tagal niyang nakatira sa bahay na iyon, ni hindi niya maalala na may ganitong klase pala siya ng mga libro sa study hall.
Logan is such a mysterious man.
"What are you doing here, Rebecca?"
Napaigtad siya nang marinig ang boses nito mula sa kaniyang likuran. Muntik pa niyang mabitawan ang platito na may slice ng cake. Mabuti na lamang at mahigpit ang hawak niya roon.
BINABASA MO ANG
Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)
RomanceLogan Johnston learned life the hard way. He was born out of unwanted pregnancy and his mother despised him so much. Kaka-graduate pa lamang niya noon ng highschool ng iwan silang dalawa ng kapatid niya ng kanilang ina. Kinailangan niyang pumasok sa...