England, 13 hours later.
"Becca, anak."
Natigilan si Rebecca sa matagal na pagkakatitig sa galaw ng apoy mula sa natutupok na kahoy sa tsimineya. Magmula nang makarating siya sa England kaninang umaga ay iyon lamang ang ginawa niya. Kung hindi pa nga siya pipilitin kumain ni Nanay Marita ay talagang hindi siya aalis mula sa kaniyang kinauupuan.
Kasalukuyan siya nasa isa sa mga property niya sa London. Lahat nang naiwan niyang property sa kabuuan ng England at sa iba pang parte ng kontinente ay nakalagay sa ilalim ng pangalan ni Shan. Si Shan ang nagsuhestiyon niyon at ito na rin ang nag-asikaso ng paglilipat sa pangalan nito. They did that to erase her trace. Para hindi siya mahanap ng kaniyang pamilya.
Her fake family who stole everything from her. It is time for her to claim what is rightfully hers. Hindi niya mapapatawad ang ginawa ng mga ito sa kaniyang mga magulang. Kaya naman hindi niya hahayaan na mabulilyaso ang kaniyang mga plano. Hindi niya hahayaan ang kahit na sinuman na sirain ang mga pinahirapan niya.
Even Logan? Bigla na lamang tanong ng kaniyang isip. Hindi na naman siya mapalagay.
Hindi mawala-wala sa isip niya ang ginawa niyang pag-iwan kay Logan sa isla.
Ano na kaya ang ginagawa ng binata? Bumalik na kaya ito sa Maynila? O naghihintay pa rin kaya sa kaniya? She hope he did the former. She hate to think that he might still be waiting for her. Dahil hindi na magbabago ang isip niya. She'll be staying in England from now on... To be able to execute her plans.
Panahon na para unti-unti niyang singilin ang pamilyang nagpatapon sa kaniya sa islang iyon.
Panahon na para bawiin niya kung ano ang nararapat sa kaniya.
"W-What is it, Nanay?"
"Nandito na iyong pinapahanap niyong tao. Si Sir Shan daw ang nagpapunta sa kaniya."
"...And what did S-Shan say?"
"E galit ang boses niya noong tumawag kanina. Pupunta raw siya ngayon dito, kaya lang hindi naman sinabi sa akin kung anong oras siya makakarating."
Malamang ay pupunta lamang doon ang binata upang pagalitan siya, at upang pabalikin siya sa Pilipinas.
"Paniguradong pababalikin tayo ni Shan sa Palawan." Para bang narinig ni Nanay Marita ang nasa isip niya. "Hindi matatapos ang pag-aalala niyon hangga't naririto tayo. Isa pa, nag-aalala ako kay Sir Logan, iniwan na lang natin siya bigla sa isla. Baka nag-aalala na rin iyon at hinahanap tayo. Hindi man lamang tayo nagpaalam."
Nanay Marita is right. Sigurado siyang hindi mapakali si Shan ngayon. But what can she do? Hindi rin naman siya maaaring magtagal sa tabi ni Logan.
Dahil kung magtatagal siya sa tabi ng binata, sigurado siyang hindi siya magdadalawang isip na iwan ang lahat ng plano niya para sa binata.
Nang hindi siya sumagot ay binali ng ginang ang katahimikan.
"Nasa living room na si Miss Jill, ipinaghanda ni Saul ng tsaa. Hinihintay ka na niya roon."
"T... T-Tell her I'll be there in a minute. T-Thanks, N-Nanay Marita."
"Walang problema, anak," nginitian lamang siya ng ginang bago siya tinalikuran.
***
"Ms. Watkins, I am Jilliana Brookner." Napatayo ang babae nang makita siya.
"P-Please call me Becca." Kinamayan niya ito.
"Becca, please call me Jill." Halos sabay silang naupo matapos iyon. Magkatapat lamang sila sa isa't isa. "Mr. Xanders already explained the situation, and I will be your speech therapist from now on."
BINABASA MO ANG
Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)
RomanceLogan Johnston learned life the hard way. He was born out of unwanted pregnancy and his mother despised him so much. Kaka-graduate pa lamang niya noon ng highschool ng iwan silang dalawa ng kapatid niya ng kanilang ina. Kinailangan niyang pumasok sa...