LSO 21

226 8 3
                                    

"How could you?!"

Tigmak ang luha sa mga mata ni Rubia, ito ang sampung taong gulang at panganay sa kanilang magkakapatid. Iyon ang kauna-unahang beses na nasagot ng bata ang sarili nitong ina, dahil sa sobrang sama ng loob.

"You can't do this to us, Mom! When you married him on Dad's birthday, you didn't hear anything from us, your own daughters! You did not even discuss to us you marriage!"

Biglaan ang naging pagkamatay ng kanilang ama. Natagpuan na lamang ang bangkay nito malapit sa testing area ng kanilang factory. Sabi ng mga doktor ruptured brain aneurysm daw ang ikinamatay nito. Sa una, lahat sila ay hindi makapaniwala roon dahil bukod sa bata pa ang kanilang ama, wala itong nababanggit na sakit o iniinda na kahit ano. Isa pa, bata pa ang kanilang ama. To die at thirty-eight is unacceptable for them.

Ngunit sa huli, naintindihan nilang lahat na kaya hindi sila makapaniwala ay dahil ayaw lang nilang maniwala. Rhodes Watkins was considered by many as an angel walking on Earth. Walang kasingbait ang kanilang ama, kaya naman hindi nakakapagtaka ang pagiging 'daddy's girl' nilang tatlo, at kaya rin hindi nakapagtataka na sa pagkawala ng kanilang ama ay ang pagkawala rin ng sigla ng kanilang ina.

Para bang namatay rin ang kanilang ina. Buhay ang katawang-lupa nito ngunit ang puso at kaluluwa nito ay sumama sa hukay. Unti-unti itong nalugmok; nilamon ng kalungkutan. Wala itong ginawa kundi ang magkulong at umiyak sa loob ng silid nito.

At dahil parehong only child ang kanilang mga magulang, si Rubia ang nagsimulang dumalo sa mga meeting sa kumpanya, isnag bagay na hindi dapat nito ginagawa sa murang edad. Sinasamahan at tinutulungan naman ito ng kanilang family lawyer, ngunit hindi iyon naging sapat. Dahil sa malaking pagbabago sa market at isa-isang pagsulpot ng mga competitor, unti-unting humarap sa pagkalugi ang kumpanya ng kanilang pamilya.

Nang mabalitaan ng Uncle Andy nila ang nangyayari ay kaagad itong nagtungo sa kanilang tahanan. Mabait naman ang Uncle Andy nila kahit na minsan lamang itong nakakadalaw sa tahanan nila noon dahil sa kabilang parte ng Europa nakabase ang trabaho nito. Nakakadalaw lamang ito sa tuwing mayroong selebrasyon ng kaarawan sa kanilang pamilya. Paminsan-minsan ay sinasama pa nito ang dalawang anak: sina Mac at Monique; na di hamak na mas matatanda kaysa sa kanilang tatlong magkakapatid.

The three sisters may not be close to the guy, but their parents were. Mula high school ay ito na ang best friend ng kanilang yumaong ama. At mabait naman ito sa tuwing dumadalaw. Well, that's until he showed his true colors...

When Andy came into their house, he snapped some sense into their mother's mind, which ended onto her crying away all her sadness while being enveloped by his arms. The two became close. So close. Maybe because they shared the same fate. Maaga rin kasing kinuha ng Panginoon ang mga dating kabiyak ni Andy. Dalawa na ang naging asawa nito na parehas namatay sa sakit. Malas ito sa pag-ibig. Mula ng mamatay ang ikalawa nitong asawa ay hindi na ito nakapag-asawa dahil naiwan dito ang dalawang anak na lalaki at isang anak na babae. Kaya naman mas naging magkasundo ang dalawa dahil nadadamayan nito ang isa't isa.

With Andy being their mother's right hand man, bumalik ang sigla ng kumpanya. Sa katunayan, hindi lamang ang sigla ng kumpanya; kundi pati na rin ng kanilang ina. Unti-unting bumalik sa normal ang lahat.

Ngunit iyon ang kanilang akala.

Dahil hindi nagtagal, ang pagiging malapit ng kaniyang ina sa lalaki ay nauwi sa pagkakaroon ng mga ito ng relasyon, at hindi man lamang iyon sinubukang itago ng kanilang ina mula sa media. Bagkus, harapan pa nito iyong inanunsiyo sa publiko at dahil doon, ang dati na nilang maingay na pangalan sa media, ay mas umingay pa. Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi sa magandang paraan, lalo pa at iilang buwan pa lamang mula nang mamatay si Rhodes.

Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon