LSO 4

257 10 0
                                    

Isinara ni Logan ang kaniyang maleta matapos mailagay roon ang mahahalaga niyang gamit at mga damit na aabot ng tatlong linggo. Mamayang gabi na ang flight niya patungong El Nido. Nasabi na rin sa kaniya ni Shan na na-inform na nito ang magiging kliyente niya tungkol doon.

He made sure not to bring anything that is personally related to him, especially identification cards. He only brought the company phone and pocket money in cash.

Sinigurado na rin ni Shan na hindi siya makatatanggi. Paano ay idineposito na nito sa bank account niya ang kalahating milyon. Palibhasa, alam na alam na nito ang ugali niya; na kapag nasa bank account na niya ang pera, gagawin niya ang lahat upang hindi na iyon maalis doon. That's what you'll learn when you experience hell since childhood; you'll learn how valuable money is... and how it rules the world.

This is going to be his last client. At pagkatapos nito, he will leave SDS. Iyon ang pangako niya sa kaniyang sarili. He will settle down after this. Hopefully, makanap siya ng babaeng tatanggapin siya kahit ano pa ang nakaraan niya. That might not be easy, pero hindi siya mawawalan ng pag-asa. Afterall, there 7.753 billion people in the world. Hindi naman siguro ganoon kalabo makahanap ng mapapang-asawa na tatanggapin ang buong pagkatao niya.

Today's Saturday morning. Dahil wala namang kliyente kahapon ay buong araw siyang natulog. At ngayong araw, sisiguraduhin niyang makikipag-bonding siya sa pamangkin niya bago siya umalis. Matagal-tagal rin kasi siyang hindi makakauwi. Malulungkutin pa naman ang pamangkin niya. Gusto nito palaging may kalaro at kasama.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng banyo at nag-asikaso ng sarili. Saktong katatapos lamang niya maligo nang maramdaman niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura. Oo nga pala, buong araw din siyang hindi nakakain kahapon. Kaya naman pagkatapos na pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya mula sa kuwarto upang magtungo sa kusina.

Doon niya nakita si Manang Alberta na nakatayo sa gitna ng hallway at mukhang hindi mapakali.

"Manang Alberta?" Pagtawag niya sa atensiyon ng aligagang ginang.

"Sir Logan!" Halos mapatalon ito, parang gulat na gulat na makita siya.

"What's wrong?" Natatawang tanong niya. "You are pretty jumpy today."

"Ah kasi ho, sir..." Nang mapatingin siya sa direksyon na tiningnan nito ay saka unti-unting nabura ang ngiti niya. Tinungo niya ang teresa.

Kumunot ang noo niya nang makita niya mula roon si Clarylaine. Nasa labas ito ng bahay, hindi kalayuan sa gate, at mukhang nakikipagtalo sa isang lalaki. May pinag-aagawan ang dalawa na kung ano.

Who the fvcking hell is that?

Nagmamadali siyang bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay. He clenched his fist so hard. Paano nakapasok ang lalaking iyon sa bakuran niya? Nagmamadali rin naman si Manang Alberta habang nakasunod sa kaniya.

"You!" Dinuro niya ang lalaki. "Who the hell are you?" Sigaw niya habang papalapit sa mga ito. Nakita niya kung paano natigilan ang kapatid niya.

"Kuya!" Clarylaine gasped.

"Laine, who is this man?" Teka, bakit parang nakita na niya sa kung saan ang lalaking ito.

Mas lalong lumalim ang gatla sa noo niya nang makitang isang may kalakihang karatula pala ang pinag-aagawan ng mga ito. 'Kilos-protesta para kay Ms. Clarylaine Cruz! Tumututol ako sa hindi mo pagpansin sa akin.' Iyon ang nakasulat doon. Ang kumag, mukhang nagra-rally pa yata mag-isa sa labas ng bahay niya.

Baliw yata ang lalaking ito.

"Tatay Omeng, bakit nakapasok ang lalaking ito rito?" Tanong niya sa matandang lalaki na tahimik na nakatayo sa may gate.

Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon