LSO 15

259 11 1
                                    

Sunud-sunod na katok ang gumising kay Logan. Napabalikwas siya ng bangon, dahil kasabay ng mga katok na iyon ay malalakas na kulog. Mas lumakas pa ang ulan, at sinamahan pa iyon ng mga nagngangalit na kidlat. Hinagilap niya ang sweater niya at agad na sinuot iyon.

Anong nangyari? Bakit kaya napakadilim ng buong kuwarto niya?

Nagmamadali niyang tinungo ang pinto dahil iisang tao lamang naman ang kakatok doon nang ganitong oras. At hindi nga siya nagkamali. Nakatayo roon si Rebecca bitbit ang lampara nito Bahagya pang pinasasayaw ng malakas na hangin na nagmumula sa labas ang napakahaba nitong bestidang pantulog. At hindi lamang pala sa kuwarto niya walang ilaw, kundi sa buong kabahayan.

Kahit mumunti lamang ang liwanag na nanggagaling sa lampara ay kitang-kita niya ang stress at takot sa maganda nitong mukha.

"Hey..." Malumanay na sabi niya.

"L-Logan... it's d-dark-" saglit itong natigilan nang gumuhit ang kidlat. Mas nadagdagan pa ang takot nito nang saglit na magliwanag ang paligid dahil doon.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay tila nangungusap ang mga mata ng dalaga. Alam na kaagad niya ang gusto nitong sabihin. Walang salita ang kailangan pang mamutawi.

"Come inside."

Nilakihan niya ang bukas ng kaniyang pintuan, at wala namang pagdadalawang-isip na pumasok doon ang dalaga.

"Mukhang nawalan ng kuryente." Bulong niya sa sarili pagkasara ng pintuan ngunit narinig pala iyon ni Rebecca.

"T-The g-generator's down," anito. Ibinaba nito ang lampara sa mababang center table. Hindi nito alam ang gagawin kaya naman nanatili lamang itong nakatayo malapit sa mababang mesa.

Nilagpasan niya ang dalaga. Pinagpagan niya ang kama kahit na wala namang dumi roon, saka inayos ang mga gusot sa kumot at unan.

"You can sleep on the bed. I'll sleep on the couch," aniya kapagkuwan.

"But-"

Hindi niya hinayaan na makapagreklamo pa o makapagsuhestiyon ang dalaga na ito na lamang ang matutulog sa upuan. Nagdire-diretso siya, nilagpasan muli ang dalaga at nagtungo sa sofa. Sa unang tingin pa lamang ay halata namang hindi siya magkakasya sa sofa dahil sa tangkad niya. Ngunit pinagsiksikan pa rin niya ang sarili roon.

Patalikod siyang humiga, ang likod niya ang nakaharap sa dalaga kaya naman hindi niya alam kung nakatayo pa ba ito o nahiga na sa kama. At makalipas nga lamang ang ilang segundo ay narinig na niya ang mahinang langitngit ng kama, tanda na humiga na roon si Rebecca.

Ipinikit na niya ang mga mata at pinagpilitan ang sarili na makatulog. Ngunit sadyang kay-ilap na ng antok ngayong nasa iisang silid na lamang sila ng dalaga. Ilang minuto lamang ang lumipas ay muli niyang narinig ang langitngit sa kama, tanda na muli itong bumaba mula roon. Nang imulat niya ang mga mata ay maliwanag na ang buo niyang kwarto, ngunit hindi iyon dahil sa bumalik na ang ilaw, kundi dahil sinindihan pala ni Rebecca ang fireplace.

He could hear the crackling sound of burning woods.

Muling lumangitngit ang kama. At nang ibaling niya ang mga mata sa direksyon ng dalaga, nakita niyang ibinababa nito ang mga unan at kumot sa lapag. Ibinalot nito ang sarili sa kumot na gamit niya kanina, at saka nahiga sa carpeted na sahig. Nakaharap ang dalaga sa fireplace, at ang likod nito ang nasa direksyon niya. Tumayo siya, kumuha ng comforter mula sa pinakailalim na drawer ng cabinet.

"Here. Use this. Malamig ang sahig."

Agad na napabangon ang dalaga nang marinig ang boses niya. Dama niya ang titig nito. Pinulot niya ang dalawang unan na nasa sahig.

Logan's Secret Obsession (THE SDS SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon