CHAPTER 9

3K 111 11
                                    

=== C H A E L ===

I was sitting on one of the bar stools in Drunk and Sober bar. It has been days since I last saw Amara.

"Bakit ganyan mukha niyo Sir Chael?" Tabi was wiping some glasses on the bar.

"Sobrang gwapo ba?" Biro ko rito.

"Hay naku Sir. Tigil-tigilan niyo na iyang pagbabanat niyo baka kayo ang banatan ko diyan."

Nangalumbaba ako habang nilalaro ang laman ng baso ko. "Am I unattractive?"

"Alam niyo naman na may lamang kayo sa department na iyan. Saka beauty is in the eye of the beholder. Pwedeng pangit ka sa iba."

"Baka pangit ako sa mata niya."

Kumunot ang noo ni Tabi. "Na-reject ba kayo nung Valentine's Sir?"

"Parang ganoon. Every time we meet. Every damn time we talk. Mas lalo niyang dinudurog iyung pagkatao ko."

"Ay grabe ka naman, Sir."

"It is true! I don't know why I'm letting her do that to me."

"Bakit niyo ba pinapahirapan ang sarili niyo? Kung ayaw niyong paghirapan ang isang babae, eh di maghanap kayo ng iba. Iyung madaling makuha. Bakit nasa babae ang mali kapag hindi kayo gusto?"

Tinignan ko ito at tinaas ang dalawang kamay ko. "Who hurt you lady? Chill!"

She breathed in and out as if calming herself. "Sorry. Pero kasi Sir, ang magagawa niyo lang sa ngayon ay suyuin, ligawan siya. Hindi dahil sanay na kayo na laging napagbibigyan, laging pinagkakaguluhan, laging hinahabol, hindi niyo na matututunan kung paano paghirapan ang mga babae."

"Ang deep mo naman."

"Tumagos ba?"

I exhaled. She was right. I'm such a dick. Sanay naman ako sa atensiyon ng mga babae. Wherever I go, someone will come up to me to ask for my name or number or to have dinner with me.

"Alam ko na kung anong nangyayari. Na-cha-challenge ka at iyong putanginang pride niyong mga lalake ay basag na basag na." Umiling-iling ito. "Sana iyung mga lalaking nahu-hurt ang pride dahil sa ganyang rason eh sumasabay sa pagkabasag ng mga betlog nila."

"Iyung totoo? Sino ba nanakit sa iyo?"

She stopped wiping the glasses and looked at me. "If you're just bored and playing around, look for someone who looks for that."

"I just came here to drink, Tabi."

"Fine...just saying. Alam ko ang karakas niyo Sir Chael."

"Just say it. He's a man-whore."

Nilingon ko si Winter na tumabi sa akin. "Harsh, man."

"You haven't had a date in a while."

"Who are you, my mother?"

"Andito na mga kasama mong malungkot ang Valentine's."

Pumasok sa bar si Jarvis at Iñigo. 

They ordered their drinks but I can't help but notice Tabi who was smirking.

"Why are you enjoying the sight of miserable men?" Sita ko rito.

"I can't help! Sorry! Ito na ba ang paghuhukom ng mga fuckboys?! Like damn, look at you three. Young, wealthy, handsome bachelors who are alone, sad, and nursing a bruised ego. You should be at the clinic though baka sakaling mapagaling mga nasaling na pride niyo."

Versailles Series Book 6: The Florist [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon