CHAPTER 44

3.8K 133 6
                                    

=== A M A R A ===

I untied my bathrobe to put some clothes on. Nasa bahay ako ngayon habang si Chael naman ay uuwi pa lamang galing Maynila. I haven't seen my husband in two weeks.

Napatigil ako sa pag-suot ng shorts ko kasi parang medyo masikip. Napasimangot ako. Mukhang tumaba na nga ako. Eh paano naman kasi, ang sarap magluto ni Chael. Ang hirap mag-diet.

Kumunot ang noo ko habang nakaharap sa salamin. Tumagilid ako. Alam ko ang hitsura ng bilbil pero iba ang hitsura ng tiyan ko.

Tumakbo ako papunta sa kwarto namin para hanapin ang phone ko. I checked my period tracker. I did not have my period for the past three months.

Mabilis ako nagbihis at bumili ng pregnancy test kit sa pharmacy sa club.

I bought 3 para sure. Sabay-sabay kong pinatakan iyon at inantay na lumabas ang resulta. After a few minutes ay lumitaw na ang result na hinihintay ko. Tulala kong tinawagan si Luna.

"Heyya."

"I think I'm pregnant."

Lumipas ang ilang segundong katahimikan bago ito nagsalita. "Come to the clinic."

She performed some blood tests on me to check if I am pregnant.

"Calm down, okay? We'll know soon if you are. And may ultrasound dito so we can also check how far you are."

I just nodded.

"Does Chael know?"

Umiling ako. "He isn't here at the moment. Baka bukas pa siya makauwi kung hindi niya ma-book ang chopper ngayon."

"Okay. I'm here. Don't be nervous okay?"

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ang resulta na hinihintay namin. Luna was nodding at me.

"Positive. You are pregnant."

"Oh my God."

"Would you like to do the ultrasound now?"

I nodded.

"Wala ka bang ginawang kakaiba for the past weeks? Drink? Smoke?"

I shook my head. "Didn't smoke or drink for the past months. I totally quit smoking ages ago."

"Good. No morning sickness I assume because if you did, you would have come here earlier."

Pinahiga ako sa kama at hinanda ang ultrasound machine.

I saw the familiar black and white screen. Napatingin ako kay Luna dahil napasipol ito.

"Chael is one sharp shooter. I see two babies." Itinuro nito ang mga babies sa screen. "May lahi ba kayo ng twins?"

"I don't know..."

Luna nodded. She wiped my tummy and help me get up.

Binigay nito sa akin ang ultrasound results. "I'm sure he'll be thrilled."

"I know. I know..."

Our wedding anniversary is coming up. Maybe I can tell him during our celebration. For now, it's just gonna be Mommy and my babies.

I went home and fixed the house. Umupo rin ako sa garden para mag-relax pagkatapos. Hindi gaanong ma-foggy kaya tama lamang ang lamig.

Hindi ko namalayang nakatulog na ako. Nang magising ako ay may kumot na ako. Nang lingunin ko ang bahay ay nakailaw na iyon. I smiled. My husband's home.

Versailles Series Book 6: The Florist [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon