=== A M A R A ===
Nakabalik na rin kami sa wakas sa club. It was one hella week.
Nasa cafe ako ngayon para bumili ng tinapay at kape. Napatingin ako sa tabi ko nang may maramdaman akong presensiya roon.
"Morning."
"Morning."
Pareho kaming walang energy ni Chael ng araw na iyon. We arrived in the wee hours of the morning at nakailang oras na tulog lang kami.
Susunod na kami kaya lumapit na kami sa cashier. Tabi was behind it and as usual, her nosy self was awake.
"Good morning guys! Bakit parang lowbatt kayong dalawa? Wait....may napapansin ako sa inyo..." Tila nagising ang diwa ko sa sinabi nito. Mukhang pati si Chael ay nagising din. "Pareho kayong umitim. Nag-beach ba kayo?"
"Pag umitim nag-beach agad? Saka ibig ba sabihin magkasama kami dahil lang pareho kaming umitim? Grabe naman ang assumption mo Tabi!"
"Whoa there, sister! Nagtatanong lang. Malay ko ba kung may kanya-kaniya kayong beach outing. Chill..."
"Sorry..." I murmured. Bakit ba ang defensive ko.
"Alam mo, mag-tea ka muna. Meron akong bago rito. Para kumalma ka ate no."
"I'll go ahead. I have a meeting." Paalam ni Chael sa amin. He kissed my forehead and both of us instantly froze in place.
Tabi was looking at us like we grew three heads.
Bumawi naman agad si Chael at lumapit kay Tabi. To my disbelief, he kissed her forehead too. "Bye, Tabi. See you later."
"What. The. Hell. Was. That." Sabi ni Tabi sa akin.
I shrugged. "Baka ganoon na siya magpaalam ngayon...?"
Kinilig naman ito. "Ay grabe naman si Sir Chael. Sana bumili ulit siya mamaya para may kiss ulit ako."
"Kanino ka hihingi ng kiss?"
Napalingon kami kay Calhoun na kakapasok lang. He had that dead-ass look on his face.
"Kay Sir Chael. He kissed me kanina."
"Did he now?"
Tumikhim ako. "Ako rin."
"Hmm..."
"Kung pwede sanang breakfast ang tsismis nabusog na ako."
Sabay-sabay kaming napatingin kay Vanity na mukhang kanina pa nasa likuran ko.
"Sige na madam sorry na po."
Tumabi na ako at kinuha ang mga inorder ko.
"Wait, Amara! I'll buy some flowers from your shop."
At iyon na nga inantay ko si Vanity na makabili. She's a renowned singer songwriter who as she calls it, "hibernating", in the club. Tumatambay ako sa cafe kapag ito ang tumutugtog.
"Naisipan mo yatang bumili ng bulaklak?"
"I need some color in my house girl. Parang hindi bahay ng babae ang bahay ko."
I shrugged. "Walang bahay ang panlalaki o pambabae. Kung saan ka kumportable, iyon ang magiging hitsura ng bahay mo."
"Tama ka rin naman. But really, I want to see something else in the house. I need some spark and color in my life. Alam mo ba kung bakit kinukulong ko ang sarili ko sa club? I have no motivation to write songs anymore."
BINABASA MO ANG
Versailles Series Book 6: The Florist [COMPLETED]
RomanceAmara Plants and flowers is her life She thought of staying forever in Netherlands until she receives an irresistible offer Chael makes her stay interesting...too interesting in fact Good looks and annoying attitude is the perfect combination to wea...