CHAPTER 32

3.2K 120 6
                                    

=== A M A R A ===

Nasa Greenhouse ako ngayon para tignan ang mga pagkaing ise-serve sa Valentine's slash 10th year anniversary ball.

I noticed some new plants inside. Sayang naman ito kung igi-give up lang ni Chael. Where would the plants go? I tucked my hair behind my ear to smell one of the flowers nearby.

Isa-isang nilabas ang mga pagkain at natakam ako sa amoy pa lang ng mga iyon. Tinignan ko ang mga nakahain sa harap ko ngayon.

Naging alerto nanaman ako nang makita si Chael na papalapit sa kinaroroonan ko. Mula noong una kaming nagkita ulit, sobrang pormal na ito makitungo sa akin. Kinakausap lang ako kapag tungkol sa trabaho namin.

I glanced at the damn ring. Magiging ganito pa rin kaya ito kung wala akong singsing? And why am I acting this way? Naka-move on na ako 'di ba?

"Amara?"

Napatingin ako rito. Mukhang kanina pa pala ito nagsasalita at lumilipad nanaman ang isip ko.

"Yeah?"

"Are you okay?"

Tumango ako. "Yeah sorry. Ang bango kasi ng pagkain kaya nagutom ako bigla inaantay na lang kitang matapos magsalita para makatikim na ako." Palusot ko.

"Sorry. Sure go ahead."

I started tasting each dish kahit ilang na ilang ako rito. Halos mapapikit ako sa unang subo ko ng pagkain. I have to admit that I missed this. Not the food per se. His cooking.

"I think these are perfect."

"That's good. Kailangan din ma-order ng mas maaga ang mga ingredients."

I nodded. "Uhm...thanks for these."

I feel the need to go to the bathroom kaya iniwan ko muna ang mga gamit ko sa mesa at nagpaalam. After relieving myself, bumalik na ako agad para magpasalamat at nang makaalis na.

"Uhm, I'll get going."

Chael was nodding. "Ingat ka." He had a soft smile for me when I left him. Anong nakain kaya niyon? Well any body who has eaten his cooking will be one happy guy.

I got myself busy for the remaining preparations. I even picked the gown that Marceline got for me. She looked better now and I am happy that she'll actually attend the ball.

I decided to drop by the cafe to get myself some tea before I head to my room.

"Amara! You're back!"

Nalingunan ko si Sir Jarvis, Sir Damon, Sir Enteng, at Chael. Sir Enteng was waving merrily at me. Inakbayan pa ako nito palapit sa mesa ng mga ito.

"Come here. Naghahanap kasi kami ng mga first dance namin sa ball."

"Wala ba kayong mga date?"

"Nah. We decided not to. For a change."

"Okay...?"

"You see, we're playing cards here. Slapjack. Kung sino ang manalo sa bawat round, magiging date niya ang mahihila namin sa mesa namin."

"Oh. That means me." Turo ko sa sarili ko.

"Game!"

I rolled my eyes. "I don't even have plans on dancing."

"Not anymore." Nakakalokong sabi ni Sir Enteng.

The game was obviously a coy. Halata namang nagpapatalo ang mga ito. Naglolokohan lang silang apat.

"O iyan si Chael na panalo. Sa kanya na first dance mo ha."

Versailles Series Book 6: The Florist [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon