=== A M A R A ===
Nasa Maynila kami ngayon dahil may business na kailangang gawin si Chael. Nasa mall ako ngayon at inaantay lang na matapos ang meeting nito.
I was shopping for some clothes dahil wala naman akong ibang magawa sa mall. Kapapasok ko sa isang shop nang mag-message si Chael na nasa parking na siya at pupuntahan na ako. I texted him the shop before starting to look around.
Paliko sana ako sa isang aisle nang may mabangga akong babae na may edad. TInulungan ko siyang tumayo at abot-abot ang pagpapasensiya ko.
"Sorry po. Nasaktan po ba kayo?"
Sasagot na sana ang babae nang rumehistro sa akin kung sino ang kaharap ko. Mukhang ganoon din ang babae dahil pumiksi ito mula sa pagkakahawak ko.
She scoffed and eyed me from head to toe. "Tignan mo nga naman. Iba na talaga ang galing abroad ano?"
Dumating din ang dalawa sa mga pinsan ko. I am looking at my mother's sister. Isa ito sa mga kamag-anak na tinalikuran namin matagal na panahon ang lumipas.
"Ayoko po ng gulo." Mababa kong sabi bago tumalikod para lumabas na roon.
Bago pa ako makadalawang hakbang ay hinila nito ang buhok ko. "Kasalanan mo kung bakit kami nabaon sa utang! Kayo ng nanay mo!"
I held my hair to lessen the pain somehow. I tried pulling myself but one of my cousins joined her mother and pulled my hair. Tila hindi naman alam ng isa kung paano kami aawatin.
Inipon ko ang lakas ko at inalis ang mga kamay nila. Buti na lang at nasa tagong parte kami ng shop at wala gaanong tao roon. It was also a weekday so there were less people around.
"Wala kaming kasalanan sa inyo, tita."
"Nakapag-abroad lang kayo, nakalimot na agad kayo!"
"Ano po bang naitulong niyo kay Mama, tita? Ni ayaw niyo kaming pahiramin ng pera noong kailangan namin. Tapos umutang kayo ng umutang dahil umaasa kayong si Mama ang magbabayad. Talaga po ba tita? Parang hindi niyo kapatid si Mama. Ginagatasan niyo lang siya-"
Akmang sasampalin ako nito nang pigilan ko ang kamay nito. "Ang kapal ng mukha mo! Kayo ng nanay mo! Eh hindi ba kaya lang naman kayo yumaman sa abroad eh dahil nagpaka-pokpok siya roon?"
I felt pain for my deceased mother. She is indeed in a better place. Away from these leeching relatives. This is the primary reason why she turned her back.
"Babe?"
It was Chael. His face instantly turned dark and furious upon seeing me. Agad akong dinaluhan nito.
"What happened to you?" Nag-aalalang sabi nito.
"Mukhang hindi lang ang nanay mo ang nagpaka-pokpok ah. Mukhang nakabingwit ka rin ng malaking isda."
Hindi ko na nasagot si Chael. I faced my aunt.
"Nagtrabaho siya ng marangal. Nagbanat ng buto. Hindi namin kasalanan kung pinagkatiwalaan siya ng pamilyang kumupkop sa kanya. At least iyong pamilyang iyon, pamilya ang turing sa kanya. Sa amin. Hindi tulad niyo po na saka lang nagiging pamilya kapag may pera kami." I stepped forward and she started stepping back. "Hindi ba at binayaran ni Mama ang isang milyong pagkakautang ng pamilya mo dahil sa pagsusugal niyong mag-asawa? Nakalimutan niyo ba iyon tita? Ang pinapadala ni Mama na mga gamit at pagkain dalawang beses sa isang taon dahil sa pagpapaawa niyo sa kanya?" It was my turn to scoff. "Nakalimutan niyo na ba iyon, tita? Ang bahay na tinitirhan niyo ngayon na hindi matapos-tapos dahil sa pagsusugal niyo na pinagawa na lang ni Mama? Ngayon sabihin niyo sa akin na hindi naging kapatid si Mama sa inyo."
"Ang yabang mo na ah!" Tila wala ng masabi ito sa akin.
"Oo mayabang na ako. Dahil lahat ng meron ako, pinag-hirapan ko. Hindi ako maramot sa mga nangangailangan. Hindi ako nakakalimot sa tumulong sa akin. At hindi po kayo isa roon. Hindi niyo ako mapapakinabangan tulad ng ginawa niyo kay Mama."
I stepped back until I got beside Chael. "Sana po ay magbago na kayo. Tumatanda na rin kayo. Hindi kayo magandang ehemplo sa mga anak ninyo."
Hinila ko na si Chael paalis ng shop na iyon.
"Remind me not to make you mad, baby. The memories of your slap is giving me chills."
Tinignan ko si Chael. Doon ko lang napansin na naka-business suit pa ito. Kaya pala panay ang tingin ng mga tao sa amin.
"Those people are a different breed, you know?"
Naglakad kami hanggang sa tumigil kami sa isang cafe.
"Are you sure you are okay?"
"Oo. Kaya ko ang sarili ko." Hinawakan ko ang mug ko. "I don't want you to see that side of my family. Its part of a past that I don't want to go back to."
"I want to know all about you. The good and bad. I am open to everything that you give me, Amara."
"Me and my Mom didn't come to Amsterdam just that easy. Marami siyang inutangan para makapunta roon at madala ako roon. And she remained friends with all those people. She has repaid all their help and we never forgot. Our family didn't help us at all. Okay lang naman iyon. Pero mas nilulunod nila si Mama sa pagkakalugmok niya noon.
Nang makapunta na kami sa Amsterdam, nagsimula ng umangat ang buhay namin ni Mama. Kasabay niyon ang paglubog ng sa kanila. Tinulungan sila ni Mama pero sa tuwing hindi siya nakakapag-bigay, lagi nilang sinasabi na nakalimot na kami. Na kumakabit siya sa mga matatanda para magka-pera noon.
My Mom is far from that, Chael. She's the most hardworking person I know. Kaya nang pwede ko na siyang tulungan, nag-trabaho rin ako. When she was ready to retire, she got sick and eventually, she passed away. I wish she was able to enjoy all her hardwork. Sabi niya sa akin bago siya namatay, masaya na siya na makita akong hindi na maghihirap pa. She wished I could be with someone. She doesn't want me to be alone."
I felt Chael's warm hand on mine. "You're not anymore."
"I never thought I'll settle down with someone. Akala ko tatanda rin akong mag-isa. Even though Willem proposed to me before, kahit na hindi kita nakilala, hindi ko tatanggapin iyon. Willem and I can continue to lean on each other without living under one roof. Nagawa naman namin iyon for the longest time. Nothing needs to change if we have to be there for each other."
"Let's have a happier family. A bigger one too."
"Ilang anak ba ang gusto mo?"
"Okay na ba ang anim sa iyo?"
Hinampas ko ito ng mahina. "Ang dami naman!"
Natawa kami. When our eyes met, we knew that we are happy that we eventually found each other no matter how it started.
CHAPTER 40 >>
BINABASA MO ANG
Versailles Series Book 6: The Florist [COMPLETED]
RomanceAmara Plants and flowers is her life She thought of staying forever in Netherlands until she receives an irresistible offer Chael makes her stay interesting...too interesting in fact Good looks and annoying attitude is the perfect combination to wea...