Third Person POV
9 pm na ng mapagod si Martina at inayos ang gamit niya at dumiretso sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan niya. Pinaandar niya ito at nagdrive pauwi. Nasa kalagitnaan na siya ng daan ng biglang may maramdaman siyang malakas ng impact sa likod ng kanyang sasakyan kaya hininto niya ang kanyang sasakyan. Bumaba siya at nakita ang isang pulang sports car na bumangga sa kotse niya.
"What the- Shit! " mura nito ng makita ang sira ng sasakyan
"hoy! Bumaba ka dyan! Bwisit! Sigaw niya sa tao na nasa loob ng pulang sports car. "Bababa ka ba dyan o babasagin ko tong bintana ng kotse mo! Sigaw niya mula at malakas ng kinatok ang bintana ng sasakyan. Hindi parin lumabas ang sakay ng pulang sasakyan kaya sinipa niya ang pintuan ng sasakyan.
Bumaba ang sakay ng kotse at lumabas ang matangkad at gwapong lalaki. Napatigil sa pagsipa si Martina at tinitigan ang lalaki. Ang lalaki ay matangkad na nasa 6 ft 1" ang height, maganda ang katawan at makikita sa suot niyang puting polo shirt na nakatupi hanggang siko ang 6 pack abs niya. Matangos ang ilong nito, may maganda syang mata at mapupulang labi.
"Tititigan mo na lang ba ako Miss?" tanong nito kay Martina
Kumurap-kurap si Martina at doon niya naalala ang nangyari sa likod ng sasakyan niya.
"Hoy mister! Tignan mo ginawa mo sa sasakyan ko! Sigaw niya
"so?"
"anong so, so ka dyan?" binangga mo ang sasakyan ko kaya ikaw ang magpapaayos niyan." sigaw ulit niya sabay turo sa likod ng kotse niya
"Miss kung hindi ka babagal-bagal magdrive hindi ko mababangga ang sasakyan mo. And if you want just give me your address at ipapadeliver ko na lang ang BAGO mong sasakyan sayo para wala ka naman masabing masama sakin" sagot nito
"Anong sabi mo? Matigas na tanong niya
"I'm sorry miss but I need to go. Just call me kung gusto mo ng BAGOng sasakyan kapalit ng bulok mong kotse" sabi niya sabay abot kay Martina ng calling card niya pero hindi ito pinansin ni Martina kaya nahulog ito sa semento imbes ay sinampal niya ito ng malakas.
"Kahit di mo na ipaayos ang KOTSE kong BULOK" at inapakan nito ang paa ng lalaki at umalis na.
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
RandomMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...