"Martina! Martina!" tawag ko rito pero hindi parin siya lumiligon. "Martina!" tawag ko ulit sa kaniya habang binubusinaan ko siya ng malakas ngunit hindi parin niya ako naririnig. Dahil sa tagal ng pagtawag ko rito at di parin niya ako naririnig ay napagdesisyonan kong bumaba na ng aking sasakyan kahit nababasa ako at lumapit sa kaniya.
"Martina."tawag ko rito at hinawakanito sa balikan
"Ay! Kabayo"tili nito habang nakawak ito sa dibdib niya. "Kayo po pala Mr. Clarkson. Basang-basa po kayo." baling niya sakin at pinupunasan ang aking damit
"Let's go." hila ko sa kaniya habang hawak ito sa kamay.
"A-a-ah wait lang po Mr. Clarkson kasi po-
"mamaya ka na dumaldal dyan o ano pa man kasi mas lalong lumalakas ang ulan" putol ko sa sasabihin pa niya. Pinagbuksan ko ito ng pintuan at pumasok na rin ako sa may driver seat.
"What were you thinking? Alam mo bang kanina pa kita tinatawag pero hindi ka lunilingon". I ask her with irritated voice
"Sorry sir" ang tanging nasagot niya sakin habang nakayuko.
"Mr. Clarkson, sa may Pasig po ang apartment ko. Mali po yata yung daan natin?"
"I know. Masyadong malakas ang ulan at baha na sa dadaanan natin kung ihahatid kita sa apartment mo. Dun na lang muna tayo sa condo ko mag-stay ngayong gabi."paliwanag ko
"Pero Mr. Clarkson k-kasi po-
"Martina."putol ko ibang sasabihin pa niya "How many times do I have to tell you to stop calling me Mr. Clarkson? Lawrence, just Lawrence. Understand? Mariin na utos ko
"Y-yes Mr. Cla- L-Lawrence."nauutal na sagot niya sakin
Tahimik at walang gustong magsalita ang sinuman samin habang ako ay nagdadrive. Ang maririnig mo lang ang patak ng ulan na tumatama sa sasakyan at busina ng mga sasakyan. Sa wakas nakarating na rin kami sa condo ko. Halos dalawang oras ang tinagal ng biyahe namin dahil sa sobrang traffic kahit malapit lang naman ang condo ko.
"Martina magshower ka na muna." utos ko sa kaniya pagdating namin dahil napansin ko na nabasa rin siya sa ulan
"Lawrence" mahinang tawag niya sa pangalan ko
"yes?"
"w-wala kasi akong damit na pamalit" sinasabi niya ito habang nakayuko
"Just wait me here"sagot ko at pumasok na ako sa kwarto ko at kumuha ng damit na maaari kong ipagamit sa kaniya pansamantala. Lumabas na ako ng kwarto ko at iniabot sa kaniya ang damit ko. "magshower ka na. Baka magkasakit ka pa. You can use the other room."
"salamat" mahinang sagot niya at pumasok na sa kwarto.
Kinaumagahan naggbabasa ako ng newspaper habang nagkakape ng lumabas si Martina.
"Good morning" bati ko
"Good morning Mr. Clark- Lawrence" ganting bati niya "Itatanong ko lang sana kung nasaan na yung damit ko kagabi?"
Tumingin ako sa kaniya pero napansin kong nakayuko na naman siya
"Pinalaundry ko pa. Kumain ka muna habang hinihintay mong dumating."
"salamat."
Ng maihatid ko si Martina sa apartment niya ay dumiretso na ako sa office dahil may ka-meeting ako. Mabilis natapos ang meeting ko w/ the financial department. Buwanan ang meeting na ginagawa ko with the finacial department at sa iba pang mga department ng kompanya. Nandito na ako sa office at binabasa ang ibang mga pinasa ng bawat department ng biglang sumagi sa isip ko si Martina. Napakaganda niya lalo na nung suot niya ang damit ko. Hibdi ko akalain na ganun pala kaganda at kasexy ang isang babae kapag suot ang damit ko. Yung mukha niya na hindi ko akalain na malakas ang dating. Hindi ko to napansin ng unang magkrus ang landas namin. Siguro dahil sa tapang niya at siya lang ang tanging babae na nanampal sakin. Kung ibang mga babae siguro yun sila pa ang hihingi ng tawad sakin. Ibang klaseng babae talaga siya. A smile form in my face when I remember her saying my name. She's like an angel while doing it.
Nagulat ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko.
" Lawrence! Pare what happen to you? Kanina pa kita tinatawag pero para kang baliw dyan na ngumingiti mag-isa." tanong ng kaibigan kong si Matthew habang prenteng nakaupo sa sofa na akala mo ay siya ang may-ari.
Hindi ko na lang siya pinansin at nagkunwaring nagbabasa ng mga documents na nasa kamay ko.
Tumayo ito at lumapit sakin. "Come on pare. Sinong iniisip mo kanina ng madatnan kita. She' like an angel when you think of her. Tapos nakangiti ka pa! Sino siya? Maganda ba?" sunud-sunod na tanong niya
"Nothing. What are you doing here? May tinatakasan ka na namang bang babae kaya ka nagpunta rito?" I ask him to divert the topic
"Don't change the topic pare. Kilala kita. NOW! Tell me who she is?" pangungulit parin niya.
Tumahimik na lang ako para tumigil na siya sa kakatanong.
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
RandomMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...