Chapter 7

5 0 0
                                    

Martina's POV

"Hey sweetheart. Faster! we need to be there before eight. Baka hindi natin maabutan si Mr. Clarkson sa party. Alam mo naman yun walang hilig sa mga party" sigaw sakin ni Troy mula sa sala.

Yeah, Tama kayo ng basa. Pupunta na naman kami sa party and pinilit ako ng bestfriend ko bilang kadate niya? At alam niyo ba na kinunsensya pa niya ako na kapag nag-cancel daw si Mr. Clarkson sa partnership nila ay ako raw ang may kasalanan! Akalain mo yun? Akala mo naman ako ang magiging reason kung bakit hindi matutuloy ang partnership nila. At hindi lang yan sinabi rin niya na hindi niya ako papansinin pag nangyari yun! Grabe talaga. Pasalamat siya mahal ko siya.

"Mart? We ne-"

"ok. Ok I'm coming" putol na sigaw ko sa sasabihin pa niya at kinuha ko ang purse ko at lumabas. "Let's go at ng maaga tayong makarating at maaga rin tayong makauwi" bungad ko sa kaniya

"ok beautiful" sabay kindat niya sakin.

Ilang minuto lang ang biyahe namin at nakarating narin kami sa hotel kung saan gaganapin ang party. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng kaibigan ko at ng kausap niya. Dahil sa tagal nila sa pag-uusap ay nagpaalam muna ako sa kaniya at pumunta sa powder room. Naglalakad na ako pabalik sa kinaroroonan ni Troy ng makita ko na may kausap ito. Isang lalaking matangkad at nakatalikod sa akin. Alam kong hindi sya yung kausap ni Troy kanina bago ako umalis.

Lumapit ako sa kanila ng makita ako ni Troy.

"Oh! She's here. Mr. Clarkson I want you to meet my executive officer in planning and designing Ms. Martina Tan. Mart this is Mr. Clarkson the owner and CEO of Clarkson INc." pagpapakilala nito sakin. Iaabot ko na sana ang kamay ko ng makita ko ang mukha niya. Dahil sa gulat ko ay napaatras ako ng kaunti. Hindi ko akalain na makikita ko pa siya ulit. Paano kung malaman niya ang ginawa ko sa sasakyan niya. Paano kung ipabayad niya sakin ito. Wala akong pambayad dun. Siguradong milyon ang halaga nun. Patay ako nito. Bumalik lang ako sa sarili ko ng tapikin ako ni Troy.

"Mart are you ok?" alalang tanong niya sakin.

"Yes. I'm sorry" mahina kong sagot

"Good evening Mr. Clarkson" bati ko rito at inilahad ang kamay ko kahit na pinagpapawisan at nangingig ito.

"Good evening Ms. Tan. Nice meeting you" balik na bati niy sakin at kinamayan ako.

Habang magkadaop ang aming mga palad ay naramdaman ko ang pagpisil niya rito kaya binawi ko ito agad.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko simula kaninang magkaharap kami ni Mr. Clarkson. Ang tagal na nilang magka-usap pero hindi parin sila tapos. Gustong-gusto ko ng umalis sa kinauupuan ko dahil nahihirapan na akong huminga. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero ng mapansin ko na matatagalan pa sila sa pag-uusap ay lumapit ako kay Troy.

"Troy" tawag ko sa pansin niya. "matagal pa ba kayo? Pwede na ba akong mauna?"tanong ko sa kaniya.

"Sandali na lang. Hintayin mo na ako at ihahatid kita" sagot niya sakin. Wala akong nagawa kundi tumango at maghintay.

Forgetting the Love we HAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon