Chapter 16

3 0 0
                                    

Martina's POV


Nakakainis tong lalaking kaharap ko. Wala man lang akong takas sa kaniya. Kaya nga ako hindi nagpapakita sa kaniya dahil sa nangyari nung nakaraang araw tapos siya pa talaga ang pumunta rito. Wala ba tong ginagawa sa kompanya niya at nandito ito? Kaya nga iniwan ko na lang yung folder sa secretary niya para hindi na kami magkita tapos siya pa talaga ang nagtungo rito at nang-asar pa!

"Babe baka naman matumba na ako bigla dahil sa tingin mo? Parang gusto mo na akong patayin dahil sa tingin mo eh." nagbawi ako ng tingin dahil sa hiya at naabutan niya akong nakatingin ng masama sa kaniya.


"Mr. Clarkson don't call me BABE. We are HERE to WORK." pinagdiinan ko talaga "work" para tumigil na siya.

"so. Kapag nasa labas na tayo pwede kitang BABE?"nakakalokong tanong niya sakin.

"NO!" sagot ko


"NO? Ayaw mo ng babe? How about honey? Sabagay babe is a common most especially in teens."


"Stop! Tapusin na natin ito at nang makaalis ka na sa harapan ko." gigil na sabi ko.


"Honey pinapaalis mo na ba ako?" may halong tampo sa boses niya pero alam ko na nag-iinarte lang ito.


"ewan ko sayo. Bahala ka sa buhay mo." tumayo na ako at iniwanan siya. Nakakaanis siya. Wala bang magandang gawin yung taong yun at inaasar ako. Lumabas na ako ng opisina ko. Uuwi na muna ako dahil nawalan na ako ng interes na magtrabaho.

Pagkauwi ko ay dumiretso ako sa kwarto ko at nahiga. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako na kumakalam na ang sikmura ko dahil sa gutom tumingin ako sa orasan at nakitang ala-singko na pala! Halos pitong oras pala ako natulog. Lumabas ako at nagtungo sa kusina. Binuksan ko ang ref para maghanap ng makakain pero wala na pala itong laman. Hindi pa pala ako nakakapag grosary. Magpapadeliver na lang ako ng pagkain ko. Pupunta na sana ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko ng may kumatok. "Sino naman kaya yung kumakatok? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon." Hinayaan ko muna yung kumakatok dahil nagugutom na talaga ako pero parang masisira na ang pinto ko dahil sa lakas ng pagkatok ng taong nasa labas. Dahil sa inis ko ay binuksan ko ito bigla.

"Ano ba! sisirain mo ba pintuan ko? Bakit hindi ka makapaghintay. Baka gusto mong sapakin kita lalo na't nagugutom na ako at- tumigil ako ng makitang si Lawrence ang nasa labas. Nakangiti ito sakin.



"What are you doing here Mr. Clarkson?"


"Nandito ako para humingi ng sorry dahil sa pang-aasar at pang-iinis ko sayo kaninang umaga" sagot niya.
"Ang sarap mo lang kasing asarin kaya ko ginawa yun." aba! Talagang sinusubukan ako nitong lalaking to ah.

"Ok na yun Mr. Clarkson. Makakaalis ka na at mag-oorder pa ako ng makakain dahil kumukulo na ang tiyan ko sa gutom" sagot ko sa kaniya.


"Tamang-tama may dala akong pagkain." sagot niya at inangat ang hawak niya paper bag. Natakam ako sa amoy na nanggaling doon.



"pumasok na tayo at yung tiyan mo nagrarambulan  na sa gutom." hila niya sakin sa loob. Aba't talagang. Ahhh... Naiinis na naman ako pero hayaan ko na lang at nagugutom na talaga ako. Siya na ang nag-ayos ng mga pagkain. Tahimik kaming kumain. Nang matapos kami ay naglakad-lakad kami s labas dahil medyo maaga pa naman. Paulit-ulit rin itong nag-sorry dahil sa pang-aasar niya sakin. Pinatawad ko naman na siya dahil kasalanan ko rin naman.



Apat na buwan na ang nakalipas simula ng gabing iyon. Naging maayos na kami ulit. Malapit na ring matapos ang ginagawa kong trabaho sa kompanya niya. Tinatawag parin niya akong honey pero hindi ko na lang pinapansin dahil nasanay na rin ako.

Forgetting the Love we HAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon