Chapter 17

5 0 0
                                    

Lawrence POV


Nandito kaming tatlong magkakaibigan sa bar na laging pinupuntahan namin. Tahimik lang akong umiinom habang ang dalawa kong kasama ay busy sa mga kasama nila.


"Pare yan lang gagawin mo rito?" tanong ni Zach sakin. Kaibigan ko at matinik din pagdating sa mga babae. Ewan ko nga kung ano nakikita ng mga babae sa kaniya. Hindi biro lang. Gwapo naman talaga siya at malakas rin ang dating.


"wala ako sa mood" ang tanging sinagot ko at uminom sa hawak kong beer

"Come on Pare. Ikaw?" may halong pagtataka sa mukha niya. "Si Mr. Lawrence Clarkson ang tinaguriang matinik sa babae wala sa mood?"


"Zach. Pare wag mo ng istorbohin yan kasi iniisip na naman niya yung babaeng nagREPAINT ng kotse niya" pang-aasar rin ni Matthew sakin at diniinan pa talaga ang pagbanggit sa REPAINT.

"Kaya naman pala. Pare baka inlove ka na run?" tanong niya sakin na may pilyong ngiti sa mukha.

"Patay tayo dyan pare." sabay tapik nito sa balikat ko.

"Eh pare kung inlove ka dun sa babaeng painter ng kotse mo eh sino yung kasama mo nung isang araw? Don't tell me?" natitigilang tanong ni Zach.


"Wait. Wait. Wait. Sinong babae? Bakit hindi ko alam yan?" singit naman ni Matthew.

"Ewan ko sa inyo. Uminom na nga lang kayo o di naman asikasuhin niyo yang mga kasama niyong babae" balik ko sakanilang dalawa.


"Pare walang ganyan. Sino yung kasama mong babae na sinasabi ni Zach?"

"Wala. Miss" baling ko sa babaeng kayakap nila.
"Ilayo niyo na nga yang dalawa sakin."

"Woah... Pare dalawang babae. Ikaw na talaga." Zach.

"Mga pare lasing na yata kayo. Ang dami niyo ng sinasabi eh" baling ko sa kanila.

"Pare ok lang naman yun. Malay mo may gusto rin sayo yun kaya nagpapapansin. Kaya lang pano yung isa. Kung ayaw mo na sa kaniya sakin na lang. Maganda at sexy pa naman. Magaling ba yun sa-"

"STOP! Don't ever DARE to continue." pigil ko sa kaniya. Hinigpitan ko na lang ang hawak sa bote na nasa kamay ko.

"Pare. Chill lang." pigil ni Matthew sakin. " Nagbibiro lang siya."

"Inlove ka nga pare." baling ulit sakin ni Zach. "Ngayon lang kita nakita na ganun para sa babae."

nakangiti ito ng nakakaloko.

"At dahil dyan! CHEERS!" sigaw ni Matthew. Itinaas nito ang bote na hawak.


Forgetting the Love we HAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon