Pagpasensyahan niyo na po yung mga wrong grammars ko. First time ko po kasi magsulat. Salamat pala sa mga nagbabasa :-)
---------------------------------------------
Maagang nakarating si Martina sa company na pagmamay-ari ni Mr. Clarkson pero hindi ito agad pumasok. Ikinondisyon muna niya ang kayang sarili at ilang beses na nagpakawala ng malalamin na buntong hininga. Nang alam na niya na sapat na ang lakas ng loob na naipon niya at kaya na niyang humarap kay Mr. Clarkson ay pumasok siya at nagtanong sa reception. Itinuro ng receptionist ang elevator at sinabi kung anong floor ang opisina ni Mr. Clarkson kaya sumakay na sya sa elevator. Parang napakabilis ng oras dahil napansin niya na huminto na pala ang elevator na may lulan sa kanya. Dumiretso siya sa isang table sa floor na ito at nagpakilala. Sinamahan siya ni Ms. Aluison, ang secretary ni Mr. Clarkson sa malaking pintuan.Kumatok muna ito bago binuksan ang pintuan. Bago pumasok si Martina ay nagpakawala ulit ito ng malalim na buntong hininga.
Pagpasok niya sa loob ay namangha siya sa ganda ng loob ng opisina ni Mr. Clarkson. Agad mapapansin ang mga painting na nakapaskil sa wall. Halata sa mga paintings na ito na ang pagkaelegante ng may-ari ng opisina. Makikita mo ang napaka-manly ng kanyang opisina dahil sa kulay gray at black na painting ng wall na dinernuhan ng mga mamahaling sala set, ang glass table nito at upuan na halatang mamahalin. Ang buong opisina nito ay halos triple o higit pa ang laki sa opisina niya. Maaari na nga itong tawaging bahay dahil sa laki nito! Meron rin itong malaking flat screen tv!
Busy pa siya sa pagtingin sa opisina ng magsalita si Mr. Clarkson mula sa likod niya. "You like what you see Ms. Tan?" kuha nito sa atensyon niya.
Nagulat ito ng mapansin na nasa likuran na pala niya ito"A-Ah... G-Good morning Mr. Clarkson" bati niya
At agad na dumistansya rito. "Mr. Clarkson, I'm here as a-
"I know" putol nito sa sasabihin ko. "You can take your seat Ms. Tan. Or should I call you Martina?" tanong nito kay Martina. "It's too formal to call you Ms. Tan and beside we are-
"I-I think it's not proper Mr. Clarkson. ." putol niya sa ibang sasabihin pa nito.
"Why?. Mas ok siguro yun tutal tayo lang naman ang mag-uusap lagi. And besides- pambibitin nito sa iba pa niyang sasabihin. Halos magkaedad lang naman tayo. Call me Lawrence and I call you Martina. Ok?."
"But Mr. Clark-" napatigil siya ng tinitigan siya nito." Ok. Ok. L-Lawrence. Yes. Lawrence. I'm sorry it's just that-
"Can you repeat my name again?" utos nito kay Martina. "What?" gulat na tanong niya sa kaharap.
"Just say my name"
Naguguluhan man ay ginawa parin niya ito.
Ilang oras ng nagsimula ang pag-uusap nila ng biglang
"That's it for today. Oh! It's already luch time. Martina why don't you come with me."aya niya
"Mr. Clarks- A-ahm Lawrence i'm sorry but maybe next time. Kailangan ko na kasing makabalik sa office." pagpapaliwanag niya
"No...no I insist at saka baka may nakalimutan pa tayong idis-
"Lawrence next time na lang talaga." singit niya at kinuha ang gamit. Palabas na siya ng magsalita ulit ito.
"I don't take NO Martina at saka late na. Baka malipasan ka ng gutom. so... Let's go." at pinagbuksan siya nito ng pinto.
Habang papasok sina Martina at Lawrence sa loob ng canteen ng Kompanya na pagmamay-ari ni Mr. Clarkson ay mapapansin mo ang mg mata na sumasabay sa kanila. May tingin na naiinggit, nagtatanong, nanghuhigsa at marami pa. May mga naririnig rin na mga bulung-bulungan. May lumapit sa kanilang lalaki at sinamahan sila sa isang mesa. Kakaupo palang nila ng mga dumating na mga babaeng nakauniform at may dala-dalang mga piggan na naglalaman ng mga pagkain. Naguguluhang tumingin si Martina kay Mr. Clarkson. "Mr. Clarkson? tanong nito.
Hindi siya sinagot ni Mr. Clarkson sa tanong niya "Let's eat. Marami pa tayong gagawin." baling nito sa kaniya at nagsimula ng kumain. Ng mapansin nito na hindi parin ito sumusubo ay nagsalita na naman ito. "You're not hungry? Come on. Eat" utos nito sa kaniya at nilagyan ng pagkain ang pinggan niya.
Wala itong nagawa kundi kumain ng tahimik.
Matapos silang kumain ay dumiretso na agad sila sa loob ng opisina nito at ipinagpatuloy ang pagtatrabaho hanggang sa dumating ang ala-sais.
Inayos na ni Martina ang gamit niya at nagpaalam na kay Mr. Clarkson. Kakalabas ng niya ng bumuhos ang malakas na ulan.
"ahhh.... Nakakainis naman. Kung kelan pauwi na saka pa bumuhos ang ulan." biulong nito sa sarili sabay padyak ng kaniyang paa. "Bakit ba kasi di mo dinala kotse mo?"Paninisi ng utak ko sakin. "Gusto mo bang mabuking ka?huh?" sagot ko sa isang parte ng utak ko. "sabagay. At saka wala akong perang pambayad."
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
De TodoMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...