Lawrence POV
Matapos ang sunud-sunod kong meeting ay dire-diretso akong lumabas at nagpunta sa sasakyan ko. Pagkasakay ko ay binuhay ko na ito at nagmamadaling pinatakbo ito. Malapit na ako sa condo ko ng bigla kong maalala si Martina. Dali-dali akong nag U-turn papunta sa apartment niya. Dumaan na rin ako sa restaurant na nakita ko at bumili ng pagkain. Pagkapark ko palang ng kotse ko ay bumaba na ako agad. Ilang beses na akong kumakatok pero walang sumasagot. Tumingin ako sa relo na suot ko. Maaga pa naman para matulog ito agad. Kumatok ulit ako pero wala paring nagbubukas. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng slacks ko at tinawagan ito. Ring lang ng ring ang cellphone niya pero wala sumasagot. Kinabahan ako at baka may nangyaring masama sa kaniya. Naalala ko ang pag-uusap namin kaninang umaga ng tawagan ko ito. Napamura ako at malalakas na kinatok muli ang pintuan.
"Martina! Martina! Are you in there? Open this door. Martina?" wala pa rin akong tigil sa pagkatok at pagtawag sa pangalan niya. Ng wala paring sumasagot ay huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Bumalik ako sa kotse ko at naghintay.
"Nothing bad happen to her." kausap ko sa aking sarili.
"Yeah. She's ok." sabi ko ulit.
"Baka may pinuntahan lang" pangungumbinsi ko ulit sa sarili ko.
Ilang oras na akong naghintay sa kaniya. Nang biglang may humintong sasakyan sa tapat mismo ng apartment ni Martina. Tinitigan kong mabuti ito nang bumaba roon si Martina na nakangiti. Maya-maya ay may bumaba rin na isang lalaki rito. Pinagmasdan kong mabuti ang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod ito sakin. Bababa na sana ako ng bigla nitong halikan si Martina sa pisngi at niyakap ito ng mahigpit. Biglang akong nakaramdam ng bigat sa akong dibdib. Hindi ko alam kung bakit pero ng makita ko sila na masaya habang nag-uusap at nang halikan niya si Martina ay bigla ko itong naramdaman. Nakaalis na ang lalaking naghatid kay Martina kaya bumaba na ako ng aking sasakyan at nilapitan siya.
"Hi" bati ko sa kaniya. Nagulat ito ng makita niya ako."Hi. Kanina ka pa ba?" tanong niya sakin.
"Hindi kararating ko lang. What are you doing here outside?"
"A--Ah... Kauuwi ko lang." sagot niya.
"I see. Kumain ka na ba? May dala akong food. May dinaanan kasi akong restaurant sa malapit."
"Oo eh. Pero kanina pa yun at medyo nagugutom ulit ako." sagot niya
"Halika sa loob."
Sumunod ako sa kaniya sa loob. Nakita ko na inaayos na niya yung pagkaing dala ko. Nang matapos na niyang ayusin ang pagkain ay tinawag na niya ako. Masaya kaming kumain. Pagkatapos naming kumain at niligpit ang mga pinagkainan namin ay dumiretso kami sa sala at nagkwentuhan pa. Panakaw kong tinitignan ang mukha niya kapag hindi ito tumitingin sa akin. Naramdaman niya siguro ang panakaw na tingin ko sa kaniya ng bigla itong magtanong.
"May problema ba?"
Hindi ko siya sinagot at mas lalong tinitigan ang maamo niyang mukha. Napakaganda niya. Yung mga mata niya, kapag tumingin ka rito ay mahuhulog ka. Yung matangos na ilong niya at ang mapula niyang labi. Ang sarap siguro nitong halikan. Dahil sa mga iniisip ko ay unti- unti kong nilapit ang mukha ko. Unti-unti hanggang sa maglapat ang labi ko sa kaniya. Napapikit ako. Ginalaw ko ng bahagya ang mga labi ko. Ilang segundong ang nakalipas ng himiwalay ako sa kaniya. Nakita ko siya nakatigtig sakin.
"I---I'm sorry. I... I didn't meant to-" Fuck hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "I'm sorry Martina hindi ko- SHIT! I am really sorry. I have to go." nagmamadali akong lumabas ng apartment niya. Sumakay ako ng kotse ko. Napamura ako ng ilang beses. Ano bang nangyari sakin. FUCK! Gusto kong bumalik sa loob at magpaliwanag pero wala akong maisip na sabihin sa kaniya. SHIT! SHIT! SHIT!
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
RandomMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...