Martina's POV
Dahil sa nangyari ng nakaraang araw ay mas lalong lumayo si Martina kay Lawrence. Kapag nakikita niya ito ay umiiwas na lang siya. Kung may kailangan man ito itanong tungkol sa trabaho ay sa secretary na lang niya ito sinasabi at ang secretary na lang nito ang magpapaalam sa mga concerns niya.
Katulad na lang ngayon at may kailangan siyang idiscuss rito. Dumiretso sya sa table kung saan naroon ang secretarya ni Lawrence.
"Good morning Aluison." nakangiting bati niya sa babaeng nakaupo at busy sa pagtitipa ng laptop sa harapan niya.
Nag-angat ito ng ulo. "Good morning Ma'am Martina. May kailangan po ba kayo?" magalang na tanong nito sakin.
"Ah... Marami ka pa bang ginagawa?"
"Hindi naman po. May ipagagawa po ba kayo?"
"May gusto sana akong idiscuss kay Mr. Clarkson kaya lang... Ahm... nagmamadali kasi ako. May pupuntahan pa kasi ako. Pwede bang ibigay ko na lang itong folder at pakibigay na lang sa kaniya. Nandyan naman na lahat ng gusto kong idiscuss sa kaniya."
"ok ma'am. Yun lang naman po pala. Meron pa po ba?" dagdag na tanong niya sakin.
"Wala na. Salamat" inabot ko na sa kaniya ang folder at nagpaalam. Nakailang hakbang na ako ng may maalala ako. "Aluison" tawag ko ulit sa pansin niya.
"Ma'am?"
"Kung tanungin niya kung sino nagpaabot sabihin mo na lang yung empleyado ng TRV."
Napansin ko naguluhan siya sakin pero di ko na lang pinansin. Ayokong isipin ni Lawrence na iniiwasan ko na naman siya.
-----------------------------------------
Lawrence POV
Abala ako sa pagbabasa ng mga reports na nasa harapan ko ng kumatok ang secretary ko.
Pinapasok ko ito at pinagpatuloy parin ang pagbabasa.
"Good morning sir. May folder po galing sa TRV." nang marinig ko ang TRV ay nag-angat ako ng tingin.
Inabot ko ang folder at binasa. Nang mabasa ko na galing sa department ni Martina.
"Sinong nagdala ng folder dito?"
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
OverigMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...