Martina's POV
Kasalukuyan akong nakaupo sa balkoni ng apartment ko. Kakauwi ko lang galing ng Mall. May ngiti sa aking mukha ng maalala ko ang nangyari bago ako makauwi.
Naglalakad ako papunta sa sasakyan ko ng may masagi ang paningin. Isang sasakyan na kulay pula at bumaba rito ang isang lalaki.
"wait! Sya yung bumangga ng kotse ko ah!" Pigil ko sa sarili ko. Hinintay kong umalis ang lalaki saka ko nilapitan ang sasakyan niya.
"hmmm... Bagong-bago, ang kintab at wala kang makikitang kahit isang gasgas." tumingi ako sa may harapan ng sasakyan. "wala na yung tupi sa harap! Grabe! Tapos ang sasakyan ko hanggang ngayon nasa talyer pa! Buti na lang talaga pinahiram ni Troy ang sasakyan niya sakin" nakakainis talagang may ari ng sasakyan na ito.
"Ano kaya kung lagyan ko ng design. Siguradong magiging maganda to" kinuha ko ang spray paint sa loob ng shopping bag ko na kabibili ko lang. Sinimulan ko ang pag i-spray ng paint sa hawakan ng pinto, sunod ay sa salamin hanggang sa maubos ang laman ng bote."Ayan! Maganda na. Pwedeng-pwede nang pangdisplay." nakangiting kong sabi sa sarili ko
Now we are even Mr. Arrogant rich man. Akala ng walang modong lalaking yun na hindi ako makakaganti sa kaniya? Anong akala niya ganun-ganun lang yun? Sinuwerte sya. Ako pa talaga kinalaban niya.
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
RandomMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...