Martina's POV
Friday ngayon kaya naghahanda ako para sa pagpunta namin sa night out raw. Hindi sana ako pupunta dahil wala akong hilig sa ganito pero mapilit ang mga kasama ko sa department. Ayaw ko namang masabihan ng KJ kaya umoo nalang ako. Papalabas na ako ng apartment ko ng tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Lawrence sa screen kaya sinagot ko.
"Good evening Mr. Clarkson" mapang-asar na bungad ko sa kaniya. Ayaw na ayaw kasi niyang tinatawag ko siyang Mr. Clarkson.
"Stop calling me that!" pigil niya sakin.
"Bakit ka napatawag? May problema ka ba?" tanong ko.
"wala akong problema. I just want to ask if pwede ka ngayong gabi? Invite sana kitang magdinner."
"Dinner? Anong meron?"
"wala. Gusto lang kitang kasamang magdinner. Are you free tonight?" tanong ulit niya sakin.
"Ows... I'm sorry. May lakad ako ngayon eh. Actually paalis na ako ng tumawag ka."
"Ah ok. Take care. Bye" parang may lungkot sa boses niya. Dahil ba hindi ako makakasama sa kaniya? Hindi naman siguro baka nagiilusyon lang ako.
Nandito na kami sa bar. Tahimik lang akong nakaupo sa dulo at ang mga kasama ko ay nasa dance floor na at sumasayaw ng may biglang lumapit sakin.
"Hi miss!" bati sakin ng isang lalaking matangkad. Tumingin ako sa kaniya. Gwapo siya at maamo ang mukha.
"Hi!"
"I'm Eric." pakilala niya sakin.
"Martina." sagot ko.
Nagtatawanan kami habang nagkukuwentuhan ng biglang matumba ito. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Lawrence na madilim ang mukha. Hindi ko sana ito papasinin at tutulungan si Eric ng biglang hawakan ni Lawrence ang kamay ko at hilain ako sa labas.
"Hey! Bitawan mo ako! Kailangan ko siyang tulungan." natatarantang sigaw ko sa kaniya. Kailangan kong balikan si Eric. Hindi niya ako pinakinggan at tuloy-tuloy lang sa paghila sakin.
Nang nasa labas na kami ng bar ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
"Why did you punch him? Bakit ba nagagalit ka? Wala namang ginagawang masama sayo yung tao ah." galit na sigaw ko sa kaniya."Ano? Hindi ka magsasalita huh!? Bakit ba ang init ng ulo mo lagi? Lawrence!"
"Nothing! Let's go!" paangil na sagot niya.
"NO! Hindi ako sasama sayo hangga't hindi mo sinasabi sakin kung anong problema!" ganting sigaw ko.
"DAMN IT!" mura niya habang sinasabunutan ang buhok niya. "JUST COME WITH ME! Ihahatid na kita." mariin niyang sabi.
"Hindi! Hindi ako sasama sayo. Kaya kong umuwi mag-isa" tinalikuran ko na siya.
Bago pa man ako makahakbang ay may kamay na humawak sa akin ng mahigpit.
"LET GO OF ME!" pagpupumiglas ko.
"SASAMA KA SAKIN SA AYAW AT SA GUSTO MO!"
"Hindi! Ano ba?bitawan mo nga ako! Hindi ako sasama sayo hangga't di mo sinasabi sakin kung anong problema mo?" hindi ko mapigilang mas lalong sumigaw. Ano bang karapatan niyang basta-basta na lang manuntok.
"FINE! You want me to tell you what's my problem?" mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa braso ko.
" You are my problem! Hindi ko alam kung manhid ka lang ba talaga o tanga ka!"
"ANO?" naguguluhang tanong ko.
"I.. I- SHIT!" mura niya at binitawan na ako.
"Lawrence-
"I LIKE YOU. I FUCKIN' LIKE YOU MARTINA. Kaya ako ganun. Kaya ayaw kong may lumapit sayong iba. NAINTINDIHAN mo? I. LIKE. YOU. Ngayon alam mo na. Umuwi na tayo."
"sandali. Panong- hindi ko alam. Naguguluhan ako. Kelan?" di ako makapaniwala sa inamin niya.
"tsk. Just forget what i have said. Halika na ihahatid na kita." bawi niya sa mga sinabi niya kani-kanina lang.Ano yun? Pagkatapos niya sabihin na gusto niya ako ay sasabihin niya kalimutan na lang? Ganun lang yun? Pagkatapos niya pabilisin ang tibok ng puso ko ay babawiin niya.
"Hindi ako sasama sayo. Uuwi ako mag-isa." galit na sagot ko. Iniwan ko na siya at pumara ng taxi. Nakakainis siya. Paamin-amin pa tapos sasabihin din namang kalimutan na lang?
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
AléatoireMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...