Martina's POV
Nagising ako ng magaan ang pakiramdam kaya nag-ayos na ako at kumain bago pumasok sa trabaho. Pagdating ko sa trabaho nadatnan ko ang Secretary ni Troy na busing-busy.
"Good morning Cel" bati ko
"Good morning din Ms. Martina" masayang bati rin nito sakin
"Nandyan na ba si Troy?" tanong ko
"wala pa Ms. Martina." sagot niya
"pakisabihan ako kung dumating na siya" bilin ko sa kaniya.
"sige po"
Pumasok na ako sa upisina ko. Makikita mo sa loob ang katamtamang laki ng mesa kung saan nakapatong ang mga dapat kong gawin, isang upuan para sakin at dalawa para sa bisita. May isang coffee table na pinalibutan ng sofa na pangtatluhan at isang pang-isahan na makikita mo sa kanan pagpasok mo at sa kaliwa naman ay bintana na makikita ang ganda ng Manila pag sumilip ka. Ang kulay na makikita mo sa opisina ko ay light blue na napakapresko sa paningin.
Sinimulan ko ng basahin ang mga nasa table ko na papel at napansin ko ang file na naglalaman ng mga contract sa Clarkson's Company.
Babasahin ko na sana ang mga ito ng may kumatok.
"Come in" sigaw ko
Pumasok si Cel na parang natataranta at hinihingal
"anong problema Cel?" tanong ko
"Ms. Martina" kinakabahan nitong sagot. "Nandyan po yung PA ni Mr. Clarkson at hinahanap po si Sir Troy pero wala pa po kasi siya" mahabang paliwanag niya.
"sabihin mo hintayin niya sandali si Troy" utos ko
"Ms. Martina ang sabi po kasi niya hindi na raw po matutuloy yung deal na pinag-usap ni Mr. Clarkson at sir Troy"
"ok" sagot ko lang pero ng maproseso ko sa utak ko ang sinabi niya ay bigla akong napatayo. "Ano? Bakit daw? Malaks na tanong ko
"Yun daw po ang pag-uusapan sana nila ni sir Troy"
"nakontak mo na ba si Troy? Umiling lang ito. "ah sige ako na bahalang tumawag sa kaniya."
Ilang minuto ko ng tibatawagan si Troy pero di parin ito sumasagot
Ilang beses na ako paikot-ikot sa opisina ko pero hindi ko parin makontak si Troy.
"Ms. Martina"pukaw ng atensyon sakin ni Cel. "Umalis na po yung PA ni Mr. Clarkson. Hindi na raw po niya mahihintay ito kasi kailangan na-
"Bakit di mo pinigilan?" pagalit na tanong ko sa kaniya. Bumaba ako at hinanap ang PA na sinasabi ni Cel pero hindi ko na ito naabutan. Bumalik na ako sa opisina ko at umupo ng walang kabuhay-buhay ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Troy ang tumawag at sinabing may emergency lang daw siyang ginawa at di niya maiwan. Kung di ko lang siya kilala maniniwala ako pero siguradong ibang emergency ang sinani niya. Hay... Mga lalaki talaga.
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
AcakMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...