Martina's POV
Isang buwan na ang nakalipas simula ng natulog ako sa condo ni Lawrence. Simula noon ay naging close na kaming dalawa. Naging komportable na ako kapag kausap ko siya. Hindi na katulad ng dati na nauutal pa ako kapag kinakausap ko siya lalo na kapag tinatawag ko siya sa pangalan niya. Lagi rin kaming magkasama mapatrabaho man o hindi. Siya rin ang naging kaibigan ko simula ng umalis si Troy papuntang Paris. Ewan ko ba sa bestfriend kong yun. Simula ng umalis siya ay minsan na lang ito kung magtext o tumawag at kapag ako naman ang tumatawag sa kaniya ay lagi siyang busy! At hindi lang busy talagang hindi ko pa makontak! Naiinis na nga ako sa kaniya. Parang nagbago siya. Ewan! Kahit sila tita bihira rin daw makausap ito. Ay! Ewan. Saka ko lang siya tatanungin at gigisahin baka marami lang siya ginagawa. Pero miss ko na talaga yung gagong yun. Kainis lang kasi...parang hindi naman ako namiss. Si Troy lang kasi ang taong malapit sakin. Siya ang pamilya ko at ang bestfriend ko. Simula ng maging magkaibigan kami nung high school ay siya na ang naging takbuhan ko tuwing may problema ako. Siya ang naging sandalan ko ng maulila ako. Hindi niya ako iniwan at lagi niyang pinapaalala sakin na hindi ako nag-iisa. Na nadyan siya at ang parents niya para sakin. Kahit na mahirap lang ako ay hindi niya pinaramdam yun. Kaklase ko siya nung high school. Isang school lang kami nag-aral. Hindi dahil sa mayaman ako kaya ako nakapasok sa pribadong school kundi dahil sa scholarship. Muntik pa ng itong matanggal ng mamatay ang parents ko. Lagi kasi akong absent. Buti na lang nandun si Troy at sila tita. Sila ang tumulong sakin. Nahihiya pa ako noon at ayaw kong tanggapin ang tulong nila pero mapilit sila tita. Simula noong araw na yun ay sila na ang karamay ko lagi. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa pamilya ni Troy lalo na sa kaniya.
Bumalik lang ako sa aking sarili ng may kumatok sa pinto ng opisina ko. Bumukas ito at inuluwa si Lawrence na nakangiti.
"Hi!" bati niya. Nginitian ko rin siya. At napansin ang hawak niya paper bag.
"Ano yan?" tanong ko.
"Food. Let's eat. Alam kong di ka pa naglalunch kaya dinalhan kita ng pagkain." inilabas na niya ang mga laman ng paper bag. Inayos niya ito sa mesa sa harapan ko.
"Lawrence. You don't need to do that always. Kaya ko nama-
"oh! Shut up. Let's eat. I'm hungry." putol niya sa iba pang sasabihin ko at nilagyan ng kanin at ulam ang pinggan ko.
Dinampot ko na lang ang kutsara at tinidor saka sinimulang kumain.
"Lawrence. Stop putting food on my plate!" reklamo ko. Pano ba naman kanina pa niya pinupuno ng ulam at kanin ang pinggan ko.
"You need to eat a Lot. Look at you. Your too thin." ang sabi niya habang tinitignan ako.
"Baka pag lumabas ka at humangin matagay ka bigla." biro niya
"Hey! That's not true!" kontra ko
"I'm just SEXY. You know." Biro ko rin. Tinaasan na lang niya ako ng kilay at kumain na ulit.
Pagkatapos naming kumain ay umalis na rin si Lawrence. May meeting kasi ito. Ako naman ay itinuloy na ang hindi ko natapos kaninang umaga. Masakit na ang batok ko dahil sa pagtutok sa laptop ko. Minasahe ko ito at napatingin sa orasan. Mag-aala sais na pala. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Lumabas ako ng office. Wala na akong nakitang empleyado sa kaya dire-diretso ako sa elevator. Pinindot ko ang floor kung nasaan ang parking lot. Ng tumunog ang elevator ay lumabas na ako. Nagtaka ako dahil wala ang sasakyan ko kung saan ko ito pinark. Hinanap ko ito ng paulit-ulit pero hindi ko talaga ito makita. Maluha-luha akong napaupo. Nasaan na yung sasakyan ko? Nakakainis naman e. Sino kumuha nun? Kahit luma na yun mahal ko yung sasakyan ko. Pinag-ipunan ko ang perang pinambili ko run. Nakakaasar! Hindi ko na mapagilan ang luhang gusto kumawala sa mata ko. Umiyak na lang ako dahil sa panghihinayang. Ano na gagamitin ko pagpasok? Magkocomute na naman ba ako?
"Kahit kailan talaga iyakin ka." anang boses sa harapan ko. Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Troy.
Napatayo ako agad at niyakap siya ng mahigpit
"Troy! Namiss kita"
Gumanti siya ng yakap sakin. "I miss you too sweetheart. Your crying again! Ano na naman ang problema mo?" Tanong niya habang magkayakap parin kami.
"Eh kasi..." hindi ko mapigilan na hindi umiyak ng maalala ko na naman ang kotse ko.
"kasi?" tanong niya ulit
"Yung kotse ko nawawala" sumbong ko
"Hayaan mo na yun. Luma naman na. Palitan mo na lang."
"TROY!" sigaw ko at saka bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya.
"I'm just joking. Alam ko naman na mahal na mahal mo yung kotse mo eh. Kaya mo atang ipagpalit yun sakin eh." may halong pagtatampo sa boses niya
"THAT'S NOT TRUE!" kontra ko.
"Totoo. Hindi ka nga umiyak ng umalis ako eh. Pero sa kotse mo umiyak ka."
"Anong- hoy! Mr. Troy Villafuerte. Ikaw kaya dyan. Hindi ka man lang tumawag sakin. Kung ako naman ang tatawag lagi kang busy o di kaya ay hindi ka makontak. May pinagkakaabalahan ka dun no?" tanong ko
"Wala. Balik tayo sa kotse mo. Saan mo ba pinark?"pag-iiba niya sa usapan
"dito lang" turo ko
"Halika na. Hayaan mo na muna kotse mo." yaya niya sakin at inakay ako sa sasakyan niya.
"WAIT. WAIT. WAIT. Bakit ganyan ka makangiti?" puna ko sa kaniya
"nothing. Let's go." sagot niya pero nandun parin yung ngiti sa mukha niya. Lumakad na ito saka nagsalita ulit."Sumunod ka na sakin"
"TROY!" sigaw ko. Hinabol ko siya saka kinurot sa may tagiliran. "Sinasabi ko na nga ba eh. Nakakainis ka alam mo ba yun? Sumbat ko. "Pinakaba at pinaiyak mo ako." patuloy ko parin siya kinukurot.
"Sorry. Halika ka nga dito. Ang sarap mo talagang asarin." niyakap niya ulit ako.
"Wag mo na ulit gagawin yun ah?
"Yes sweetheart. Promise." itinaas niya ang kaniyang kamay.
"Naman eh. Bakit kaliwa?"
Ngiti lang ang sagot niya sakin at binukasan ang pintuan ng sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Forgetting the Love we HAVE
De TodoMartina Tan maganda, matapang pero mabait at nagtatrabaho sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang kaibigan na si Troy Villafuerte Lawrence Clarkson mayaman, gwapo, malakas ang dating, seryoso at walang pakialam sa damdamin ng iba. Ano ang mangyayari...