Chapter 19

4 0 0
                                    

Martina

Kumunot ang noo ko ng makita ko si Lawrence na papalapit sakin. " Lawrence? Ano na namang pakulo to?" tanong ko sa kanya ng makalapit na ito sakin.

Hinalikan niya ako bigla sa pisngi saka ako binati "Good morning hon. You like it?" nakangiting tanong niya sakin. Sinimangutan ko siya at hinila sa loob ng opisina ko.

"Lawrence ilang beses ko bang sasabihin sayo na itigil mo na yang ginagawa mo! Ang sikip na ng office ko dahil sa mga bulaklak na pinapadala mo lagi at saka ano na lang sasabihin ng mga katrabaho ko."

"Hon. Bakit ba ang sungit at taray mo ngayon? Are you MP-sing o tinatago mo lang ang kilig mo?"

Inirapan ko siya. " tumigil ka nga. Anong kilig-kilig yang sinasabi mo. Bumalik ka na nga sa opisina mo at magtrabaho. Baka pag bumagsak tong kumpanya mo ako pa sisihin ng mga investors at empleyado mo!." pagalit na sabi ko sa kaniya. Tinalikuran ko siya at hahakbang na sana papunta sa mesa ko ng biglang yakapin niya ako.

"you know what... Mas gumaganda ka pag nagagalit ka. Lalo na kung namumula yung pisngi mo." turan nito habang nakayakap parin sakin sa likod. Kinikilig ako pero ayokong ipakita sa kaniya. Baka mas lalong lumaki ulo nito.

"Lawrence ano ba! Baka may makakita satin." Tinatanggal ko ang kamay niya na nakayakap sakin. "Lawrence! Bitaw na! Kailangan ko ng magtrabaho."

"Just stay still. Gusto lang kitang yakapin." bulong niya sa may tainga ko. Nakikiliti ako dahil sa pagtama ng hininga niya sa balat ko. Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. Pinabayaan ko na lang siya dahil gusto ko rin naman ang feeling na nakayakap siya sakin. Parang ayaw niya akong bitawan.

"Mart ready na ba yung ipepresent sa-

Bigla akong lumayo kay Lawrence at humarap sa taong dumating.

"Troy! May kailangan ka ba?" nahihiya kong tanong kay Troy. Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil sa nag-iinit ang pisngi ko. Alam kong namumula na ito ng sobra.

"Oo sana. Kaya lang may bisita ka pala. Babalik na lang ako mamaya." nakangiti ito ng nakakaloka habang tinitignan ako. Tumaas pa ang kilay niya na tumingin sakin at kay Lawrence. " Good morning Mr. Clarkson" bati niya sa katabi ko. Tumingin ako sa katabi ko pero nakangiti pa at parang hindi man lang nahihiya! Grabe! Naabutan kami sa ganung tagpo pero wala lang sa kaniya?

Tumalikod na si Troy pero tumingin ulit sya sakin. "Mr. Clarkson wag mo akong kalimutang imbitahin sa engagement party niyo ah." at kumindat siya sakin.

"Yes! Don't worry. Ako pa mismo ang mag-aabot sayo ng invitation" -mabilis na sagot niya.

"TROY! Anong-

"Thank you Mr. Clarkson. Bye Mart!" kumaway pa siya bago sinara ang pintuan.

Naiinis kong hinarap ang katabi ko. "Hoy! Anong engagement party huh!? Nababaliw ka na ba? Baka maniwala si Troy s mga pinagsasasabi mo! Ano na lang iisipin niya. Na boyfriend kita? Na nakikipagligawan ako sa office at hindi nagtatrabaho ng maayos!" -sigaw ko dahil sa hiya at inis.

"Hon relax. What's wrong kung isipin niya na boyfriend mo ako. Mas maganda ng yun para wag na siyang dumikit-dikit sayo masyado."

Naguguluhan ako. Bakit parang gusto niya na isipin ni Troy na boyfriend ko siya? Ibig bang sabihin mahal niya ako? Na hindi lang simpleng LIKE yung nararamdaman niya sakin? Pero imposible. Parang hindi naman.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nothing. I need to go. Bye."  humalik siya sa pisngi ko. Sandali... Hinalikan niya ako! Tatarayan ko na sana siya pero wala na siya sa harapan ko.

Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko ng hinalikan niya ako? Mahal ko na ba siya? Oo... Mahal k na nga siya! Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi to pwede. Nakakainis! Bakit ganito! Haayyyy!!!!!

"Mart wag mo namang ipahalata na kinikilig ka dyan." Troy

"Troy! Kanina ka pa dyan?"

"Yes! Hindi mo lang ako napansin dahil kinakausap mo yang sarili mo. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko nang halikan niya ako? Mahal k na ba siya? Oo mahal ko na nga siya--

"Hey! Stop! Wala akong sinabing ganyan!"

"Wala daw. Eh anong masasabi mo dito." may pinindot-pindot muna siya sa cellphone niya saka ko narinig ang boses ko

Nahihiya man ako dahil sa narinig pero hindi ko to pinahalata "TROY! Burahin mo yan! Bakit mo nirecord?" nakikipag-agawan ako sa kaniya sa cellphone na hawak-hawak niya pero tinaas lang niya ito.

"No can do. Alam kong itatangngi mo kaya yan. O di wala ka ng kawala."

"Troy naman! Please delete it. Lahat gagawin ko burahin mo lang yan. Pleaseeee.... Pleaseee...." pagmamakaawa ko.

"Are you sure about that? Lahat? As in everything? Kahit anong ipagawa ko?" di makapaniwalang tanong niya sakin.

"Yes. Please."

"ok"

"Really! O di sabihin mo na sakin yung kapalit para mabura mo na."

"Not now sweetheart. In right time"

"Pero-

"just give me the files that I ask you a while ago. Ok? Bye for now sweetheart"


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgetting the Love we HAVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon