Prologue

1.1K 9 0
                                    

Prologue

"Sol, bilisan mong tumakbo. Mauubusan na naman tayo fishball niyan eh!" singhal ni Vincent sa akin at umirap pa. Kung malapit lang siya sa akin ay kanina ko pa siya binatukan pasalamat siya malayo ako sa kaniya.

Umirap 'din ako sa kaniya at kinuha na ang mga gamit ko. "Pipingutin talaga kita kapag hindi ka pa nagbago sa pagkakupad mong bata ka!" na parang tatay kung manermon sa akin.

"Eto na nga oh!" tugon ko naman at binilisan na ang pag aayos nang aking gamit dahil mag lulunch na.

Excited na ako dahil kakain na naman kami, naiisip ko pa tuloy kung paano ko kakainin lahat ng fishball sa lalagyan habang hindi alam ni Manong Obet na marami akong kinuha.

Matagal ko nang ginagawa 'yun at hindi pa 'rin ako nahuhuli, pasalamat nalang talaga sa guardian angel ko.

"Iniimagine mo na naman kumuha ng fishball na kulang sa binabayaran mo, hayup ka talaga," si Vincent at sinimangutan ko habang ang ang kamay ay mapapalo na sana sa kaniyang balikat pero sinangi niya ito.

"Hoy! Sanay na ako sayo ha! Dinaig pa ng kamay mo ang kamay ng kargador. Sana naman 'wag na pati boses, rinding rindi na ako," sura niya at hindi ko na lang siya pinansin at inirapan ko na naman siya. Buwisit na 'to.

"Pati ba naman pati boses ko pakikialaman mo! Hayup ka talaga!" balik na sabi ko sa kaniya at kunwari ay nagflip pa siya ng buhok kahit ang igsi naman nito.

Humagalpak ako sa tawa ng ginawa niya 'yon at halata namang napikon ko na at hindi ako tumigil kakabwusit sa kaniya at ewan ko ba kung bakit ayaw niya talaga sa boses ko dahil boses pangkargador daw.

"Sexy naman ang boses ko ah!" tanggol ko pa sa aking sarili habang patuloy naming tinatahak papuntang hh building, para sunduin si Leslie dahil sasabay 'daw siyang kumain.

Yayariin niya 'raw muna 'yung pinagawa ng leader niya sa part ng rrl.

''Ang tagal," reklamo ni Vincent at sinilip namin ang pwesto ni Leslie pero busy pa 'rin siya, gago talaga paghihintayin pa kami.

Pwede naman kaming kumain kahit 'wag na siyang kasabay. Nang mayari na sila Leslie ay pumunta na siya sa gawi namin pero si Vincent naman ay nakatingin lang sa loob ng room na parang may sinisilayan yata.

"Grabe, ang dami palang pogi dito sa room niyo. Kung alam ko lang sana nag STEM na lang ako, puta," reklamo niya. Natawa si Leslie dahil sa sinabi ni Vincent at humalakhak pa.

"Oo nga maraming pogi rito. Ang papangit naman ng prof namin!" singhal ni Leslie.

"Ah basta! Ayos lang sakin basta merong mga chupapi rito. Gaganahan talaga kami kahit late kapang lumabas," walang prenong sabi niya. Kahit ako hindi na siya napipigilan sa mga sinasabi niya at inilingan ko na lang.

Ang landi talaga.

"Ang landi," reklamo ko at sinapak ako hindi ko na siya napatulan dahil inawat na kami ni Leslie dahil magsasapakan nalang talaga kami rito buong araw.

"Ikaw kasi walang pumapatol sayo," biro niya at hindi ko talaga pinalampas 'yon.

"Ayos lang, maghihintay na lang ako ng pogi at mabango!" segunda ko sa kaniya.

"As if naman makakahanap ka, eh kahit nga mga tambay sa kanto 'di ka type eh!" pangbabara niya.

Sasagot pa sana ako nang umawat na si Leslie sa amin dahil sa sagutan namin, pero nasaktan naman ako sa sinabi niyang walang papatol sa akin.

Ay sige, tatandaan ko 'yan. Mag aasawa talaga ako ng mayaman kahit hindi ako mahal, basta mayaman! na pogi!

"Tama na nga 'yan! Wala na nga tayong time kumain mag aaway pa kayo!" suway niya sa amin at hindi niya talaga ako tinigilan at nagsalita kami nang masasakit na salita at lumalaban pa 'rin talaga siya.

Pero lahat ng bangayan namin hindi naman kami naapektuhan at parang daily routine na namin 'to kahit sa chat talaga panay ang away sa akin.

Tumusok ako ng kikiam at fishball at kinain lahat 'yon, bahala na nga. Meron naman akong nahingi kay Tatay na pera pangkain.

Kakasweldo niya lang sa pagiging driver, hays buti na lang talaga at meron na akong nabaon na pera. Dahil kung wala panay ang palibre sa akin ni Vincent kahit sinasabihan niya akong ang tapang ng hiya ko.

Aba't syempre naman, sinong yayaman kung palaging nahihiya! Sinasanay ko na 'rin ang sarili ko para pag manghihingi ako kay Vincent ay hindi na ako naiilang dahil normal na talaga sa amin.

"Puta ka Sol. Ang dami na niyan ah! Huwag kana namang magpapalibre sa akin!" singhal niya.

Kahit na puno ang bibig ko ay hindi ko siya sinagot at kumain lang nang kumain at uminom ng panulak pagkatapos. Mahal ang kanin kaya ito nalang, nakakabusog 'din naman.

"Hindi na, nakakahiya naman sayo!" singhal ko 'rin at napapalakpak silang dalawa sa sinabi kong 'yon dahil ngayon ko lang 'yon sinabi.

"Character development na ni Sol. Buti nalang nagkaroon na ng hiya ," biro ni Leslie at nilakasan pa ang palakpak na kahit maraming tao sa paligid ay dinedeadma lang namin.

May natatawa pa samin dahil sa klase ng aming pagbibiro kahit normal naman na sa amin

"Trenta sayo, pate. Bilang ko lahat ng tinusok mo," puna niya at napakamot ulo ako. Akala ko hindi niya binibilang at nahahalata na siya sa mga tinutusok ko.

"Hala, bakit naman ganun," reklamo ko habang nag aabot ng bayad, ubos na naman agad ang fifthy pesos ko.

For the first time lang naka experience ng fifthy pesos na baon nawala ng parang bula.

Dati kasi ang ibinabaon ko lang ay bente hindi pa ako makapagmirienda dahil wala na akong pamasahe nahihiya naman ako kay Nanay humingin ng pera. Sigurado akong uusok na naman ang ilong 'non.

Nang makaalis na kami 'ron ay napahalakhak si Vincent sa akin at pinuna na naman ako.

"Ang kapal ng mukha mong hayop ka!" nang iinis na sabi nila at sinimangutan ko ito pero binubwusit pa 'rin nila ako.

Nakakahiya tuloy sa mga nadadaanan namin. Kaagad kong kinabog ang likod niya para tumigil na pero hindi pa 'rin siya natinag. Nang makahinga na ay may nadaanan pa kaming nag speech sa gitna ng gymnasium.

Panay nakatog ang audience malamang graduate na mga ibang strand samantalang kami tatlong buwan pa. Ang tagal pa!

"Ang pogi naman 'non," singit ni Vincent habang naka stop kami sa gilid ng corridor at pinapanood siya habang nag eespeech.

"Ang pogi, crush ko na yata siya," amin ko. Kaagad akong hindi maka imik dahil hindi pa 'rin naaalis ang tingin ko rito.

Agaw pansin ang kaniyang mukha, may katamtamang mata at matangos ang ilong ang kaniyang labi ay mapula at hindi masyadong malaki ngunit hindi 'rin masyadong maliit.

Gumuhit ang kaniyang dimples habang ngumingiti siya. Parang si Cha Eun Woo ang bias ko sa astro! Ang pogi pogi! At ang kaniyang suot ay pormal na attire, naka american suit siya pero... ang kaniyang muscles ay malaki!

"Oh ang laway," biro ni Vincent habang nakasalo sa aking tapat ng baba.

"Hala! May crush na 'ko!" kinikilig na saad ko habang nandidiri si Vincent sa akin.

"Hay, hala! Kami ang nauna diyan. Malandi!" singhal ni Vincent. "Lahat naman tayo may crush diyan!"

Ah, kahit na lahat pa ng babae sa buong mundo. Wala namang mali kung magkakagusto ako, basta 'yung mayaman na nga at gwapo pero di ko pa alam kung mabait o masungit.

"Lawyer 'yan. Anak ni Governor Feliciano at ni Mayor Atheena," kwento ni Leslie habang ang mata ko ay natutop pa 'rin sa nagsasalita.

Hindi ko talaga alam! Bahala na nga, crush ko na siya at hindi na magbabago 'yon.

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon