Kierra
"Hi!" bati ng mga kaibigan ni Sir Augustus.
Nakadress ako ngayon na pula, above the knee kaya medyo lumitaw ang pagkaputi ko. Ang sabi ni Sir ay mas maganda raw ito sa akin kaya ito na ang binili niya. Hindi ako nagrereklamo dahil siya naman ang gagastos.
"Hi Tita Grazela," sabay beso. "Where's Khari?" tanong nito.
"Uhm, nandoon pa sa lobby Augustus. I'm sure pupunta rin siya kapag ayos na ang lahat ng guests," saad ni Tita Grazela sa kaniya.
Hindi naman ako nainform na si Sir Khari pala ang may birthday, gusto ko na lang umuwi dahil baka barahin na naman ako non.
Lumipat ang tingin ni Tita Grazela sa akin at ngumiti ako.
"Ow, who is she?" namamanghang tanong niya.
"Girlfriend ko po, Tita. Soon to be wife," sagot niya. Kaagad ko siyang siniko dahil sa mga pinagsasabi niyang 'soon to be wife'.
"Wala pang dalawang taon, pinalitan mo na kaagad ang anak ko."
Kaagad akong naestatwa sa sinabi niya, bakit ko nga ba nakalimutan na kapatid ni Sir Khari si Maam Kierra. Hinawakan naman ni Sir Augustus ang aking kamay at ngumiti sa kaniya.
"Tita, ayoko pong maging matandang binata." Lokong sabi niya at natawa nalang si Tita Grazela rito. Ni hindi ko magawang tumingin dahil sa hiya. Eto ang magulang ng ex ni Sir Augustus.
"Mom!" tawag ng isa pang babae. Kaagad naagaw ng tingin ko iyon, ang ganda ganda niya. Balingkinita ang katawan at may magandang kutis din. Siguro ay hindi nalalayo ang mukha niya kay Maam Kierra. Sayang lang at hindi ko na siya naabutan.
"Astrid, come here. May ipapakilala ako sayo," aya niya ro'n sa babaeng sexy. Tumungo si Astrid sa tabi ni Tita Grazela at nakita niya ako. Kumunot ang noo ni Astrid dahil sa nakita niyang hawak hawak ni Sir Augustus ang aking kamay.
Piniga ni Sir Augustus 'yon at pinagsiklop.
"Oh! Hi babe!" tawag niya.
Kaagad akong nagulat dahil sa pagtawag niya ng babe kay Sir Augustus. Bakit ganon ang tawag niya sa baby ko.
"Astrid, I want you to meet my girlfriend." maligayang saad niya.
"Wow, ang akala ko ako na." Mahinang bulong niya na tama lang para marinig ko, nakita ko ang pagsiko ni Tita Grazela sa kaniya. At umirap lang. Pati ako ay inirapan din. Problema nito? Siguro ay crush niya rin ang baby ko.
"Astrid, can you shut your fucking mouth." Singit ng nasa likuran. Hindi ko ito kilala dahil mga bagong mukha ang mga nakikita ko ngayon. Pamilyang Garcia.
"And you to Dexter!" inis na singhal niya.
Nang makalapit na siya sa amin ay naglahad siya ng kamay.
"Hi! Woman, I'm Dexter Garcia!" pakilala niya. Inabot ko ang aking kamay at ngumiti.
"Ako naman si Hera Solidad Rodriguez," saad ko.
Tumango siya sa akin at kumunot ang aking noo dahil ayaw pakawalan ni Dexter ang kamay ko, nararamdaman ko ang pagtitig ni Sir Augustus at siya na ang naghiwalay non.
"Tita Grazela, punta na po kami sa groundfloor," paalam niya.
"Yeah, sure!" saad nito.
Ngumiti pa muna ako sa kanila at nagpaalam. Tumingin ako sa paligid at hindi ko na nakita ang iba pang mga kaibigan ni Sir Augustus. Si Khari lang ang alam kong nandito.
![](https://img.wattpad.com/cover/336264168-288-k396602.jpg)
BINABASA MO ANG
The Culprit (De Viola #1)
RomanceHe's the ruthless, he's too heartless and and I don't mind, my mind is clever to think that he's dangerous man. A man that have no heart. I'm into him, so I will be. Note: I don't claim the photo, credits to the owner❤️