Warning: Spg
Car
Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko dahil nakita rin nila ang paghalik sa akin ni Augustus sa akin kahapon, ang iba ay hindi makapaniwala at ang iba naman ay naiinis sa akin. Hindi ko alam bakit naiinis sila, siguro ay naiinggit dahil siya ang asawa ko.
"Absent si Ismael tyaka si Colin, walanghiya finals na ngayon eh." Bulong ni Amanda sa akin at hindi ko parin makalimutan ang nangyari noon.
"Wala ka bang ibang alam bakit umabsent silang dalawa?" tanong ni Amanda sa akin at umiling lang ako, nakakailang kasi kung sasabihin ko pa sa kaniya. "Okay ka lang ba? Ilang araw ka ng tahimik ah.... nag-away ba kayo ng asawa mo?" tanong nito.
Sinenyasan ko siya na tumahimik dahil baka marinig nila.
"Hera, totoo ba 'yung chismis na asawa mo talaga si Attorney?" hindi makapaniwalang tanong ni Irish sa akin.
"Oo, nagkiss pa nga sila nuon hindi niyo ba nakita?" tanong naman ni Amanda. Nakita ko ang pag-irap ni Paula at sarkastikong tumawa.
"Sus, hindi ako maniniwala sa inyo." Sambit pa nito, edi huwag!
Umirap lamang ako at tinuloy na ang sinusulat kong notes para magreview sa next subject. Mamaya ay sa library naman kami kaya mas madali akong makakapagconcentrate.
"Baka nag-aassume lang, kilala ko ang lalaking 'yon. Masungit at mapili sa babae, tapos papatulan niya lang ang late bloomer?" tanong naman ng isang kaklase kong babae na may halong pagpaparinig.
"Sus, naiinggit lang sila, Hera. Hindi kasi napatulan eh," bulong naman ni Amanda.
"Huwag mo ng patulan, Amanda. Paki ko diyan," inis na sabi ko. Kahit patuloy ang pagpaparinig nila sa akin ay hindi ko na 'yon dinamdam. Busy ako ngayon dahil finals na namin bukas at baka masingko pa grades ko.
"Todas na naman tayo sa accounting niyan," sambit nito at iiling iling pa. Natawa nalang ako at pinagbutihan ang pagrereview.
"Kaya nga magreview ka na!" turan ko rito at sumimangot lamang siya at pilit na binubuksan ang librong puro numbers.
"Ewan ko ba, bakit ako natira sa elimination ng accountancy eh, malakas yata guardian angel ko." Sambit nito.
Pinilit kong magconcentrate pero dinadaldal talaga ako ni Amanda kaya napasintido nalang ako, tuloy ay isinarado ko ang aking libro at sinamaan siya ng tingin pero nagngiting aso lamang siya.
"Charot lang, sige na mag-aral ka na. Pero sinasabi ko nga sa'yo, mahirap mag-aral ng mabuti. Nakakabaliw," biro niya pa at napailing na lang ako.
"Ewan ko sayo," inis na sabi ko.
Pumunta sa gawi ko si Paula at tinapunan ako ng tingin, kaagad akong sumigaw ng maramdaman ang pagdampi ng malamig na tubig sa aking balat. Natapunan pa ng iced coffee ang uniform ko, wala tuloy akong pamalit.
Dalawang oras pa bago maglunch. Hindi na ako nakapagtimpi at tumayo.
"Paula, sinasadya mo ito!" inis na sabi ko. "Hindi na kita pinapansin, bakit ba parang ang init init ng ulo mo sa akin?!" sigaw na tanong ko.
Pati ang librong binabasa ko sa accounting ay natapunan din ng iced coffee, tumawa naman ito at hindi pa yata hihingi ng sorry sa akin.
"Hoy! Huwag mong tawan tawanan ang kaibigan ko ha!" singit ni Amanda. Kinuha niya rin ang kaniyang iced coffee at tinungga iyon sa damit ni Paula, mas malala pa yata ang tapon ng kaniya kumpara sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at natawa dahil sa tapang niya, hindi niya alam malapit na kaming gumraduate eh.
"What the fuck!" nandidiring sambit nito at meron din natapunan ang kaniyang mukha, natawa pa nga ako dahil hindi maganda ang reaksyon niya. Oh, pwes tie na kami.
BINABASA MO ANG
The Culprit (De Viola #1)
Любовные романыHe's the ruthless, he's too heartless and and I don't mind, my mind is clever to think that he's dangerous man. A man that have no heart. I'm into him, so I will be. Note: I don't claim the photo, credits to the owner❤️