Care
Namilipit pa ako sa sakit bago ako ibinaba ni Sir Augustus sa kama. Si Yuziel at Jerald naman ay sumaglit muna sa baryo para bumili ng napkin. Gusto kong sumigaw sa hiya dahil si Sir Augustus ay baka nalagyan ng dugo. Ayoko nang ganon.
"Uhm, wait. I need a hot compress," mahinahong saad niya sa akin.
Hindi naman na ako sumagot at tumingala sa kisame, bakit kasi ang sakit sakit ng cramps ko ngayon, hindi ko man lang nahalata na magkakaroon ako kasi minsan magpaparamdam ang regla ko kapag sumasakit na 'yung bandang dalawang suso ko. Kahit wala naman ako 'non.
Naramdaman ko ang bukas ng pinto at nakitang si Sir Augustus 'yon. Hindi ako makagalaw dahil sa sakit ng puson ko.
"Here, put it on your tummy," utos niya. Hindi ba siya naiilang? Ako kasi naiilang na ako sa kaniya kanina pa na baka nandidiri na siya sa dugo ko.
"S-sir, ayos na ako. Umalis na kayo," pagtataboy ko sa kaniya. Sumimangot naman siya sa aking sinabi at hindi naka imik kaagad.
"Babantayan kita hanggang sa gumaling ka," sinserong sambit niya. Guminhawa ang puson ko nang madikit na nga ang hot compress sa aking puson, naiinis ako na naiiyak. Dapat nagtatampo ako sa kaniya dahil hindi niya sinasagot.
"Bumili na rin pala sila ng panty mo at tatlong pares ng damit," dagdag niya pa. Nag init ang aking pisngi dahil sa kaniyang sinabi. Grabe namang bunganga 'yan Sir! Hindi na ako nagsalita at itinikom na ang bibig ko, dinadama ko ang init ng hot compress na ibinigay sa akin ni Sir Augustus ngayon.
"Matutulog na ako, Sir. Bahala ka na po dyan," sabay higa. Ngumiwi pa ako nung una pero hindi ko na pinansin 'yon.
"Maligo ka muna," utos niya.
Ay oo nga pala, baka naman mamatay na ako sa amoy ko kapag hindi pa ako naligo. Tatayo na sana ako nang hinawakan ni Sir Archer ang aking braso para alalayan.
"Alalayan na kita," presinta niya. Ngumuso lamang ako at hindi na siya pinansin hanggang sa makapunta na kami sa bathroom niya. Grabe naman, hiwalay pa pala ang banyo nila sa bathroom kami kasi two in one.
Nagsimula na akong maligo kahit masakit ang puson ko, iniinda ko parin hanggang ngayon, habang tumatagal ay nawawala ang sakit ngunit sa balakang ko naman pumapalit. Putang inang cramps 'to, dinaig pa may UTI. Parang pinapatay ako buwan buwan.
Amoy Sir Augustus na ulit ako, hindi ko alam kung paano ako babalik don habang si Sir Augustus ay nakatingin sa akin, nagtatampo parin ako. Kaagad kong tinangga ang tapang na namumutawi sa akin. Narinig ko ang pagkatok ni Sir Augustus at binukas ko 'yon.
Iniabot niya sa akin ang sanitary napkin at ikinabit na. Maaliwalas na ulit ang pakiramdam ko at hindi na ako nasasakal sa init. Nang makalabas ako sa bathroom ay kaagad akong dinungaw ni SIr Augustus.
"Okay ka na?" tanong niya kaagad. Hawak hawak ko pa ang balakang ko at sinusuntok 'yon. Naiiyak na talaga ako sa sakit at gusto kong bumaluktot sa kama na hihigaan ko.
Naramdaman ko ang pag alalay sa akin ni Sir Augustus at hindi na ako tumanggi.
Dahan dahan niya akong inalalayan hanggang sa makarating na ako sa kama at nakikita kong sumunod ang tingin niya sa akin. Dumapa ako sa kama dahil nangangawit naman ang aking balakang. Hindi na ako mapakali kung saan ko ibabaling.
Naramdaman ko ang paglundo ng kama at hinawakan ang balakang ko, kaagad akong napasinghap ng hangin dahil sa kaniyang ginawa. Hindi ko alam ang kaniyang susunod na gagawin sa akin at minasahe 'yon. Sinusuntok ang aking balakang pero magaan naman kaya nawawala na 'yung sakit.
Hindi ko alam ang gagawin ko dahil si Sir Augustus ay seryosong nagmamasahe.
"Salamat po, Sir."
Hindi ko narin namalayan na nakatulog na ako dahil natanggal na ang sakit sa aking balakang, dapat magtatampo ako kay Sir Augustus pero sa simpleng ganon lang nakukuha niya na agad ang loob ko. Hindi ako naiinis sa kaniya, sa sarili ko mismo ako naiinis.
BINABASA MO ANG
The Culprit (De Viola #1)
RomansaHe's the ruthless, he's too heartless and and I don't mind, my mind is clever to think that he's dangerous man. A man that have no heart. I'm into him, so I will be. Note: I don't claim the photo, credits to the owner❤️