Chapter 9

251 4 0
                                    

Game



Nang mahabol ko siya ay kumapit ako sa kanyang damit, para akong grade one sa kaniyang tangkad. Kahit ginalaw galaw ko na 'yong damit niya ay hindi niya parin ako pinapansin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Iniisip ko pa nga kung ano ba talaga ang nagawa ko para hindi niya na naman ako pansinin.


"Sorry po Sir Archer," paghingi ko nang tawad. "Eh wala naman talaga akong ginagawang masama ah," protesta ko pa. Humarap siya sa akin at pinantayan ako, nagulat ako sa kaniyang pagpantay sa akin at kaagad na hinawakan ang aking balikat.


"Ako ang may mali, sige na. Sumakay ka na," utos niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya at umikot siya habang kinukuha ang susi sa bulsa at pumasok na 'rin.


Naiinis ako, bakit hindi niya sabihin kung anong mali ang ginawa niya? 'Yong pag tingin niya ba sa akin kanina? O 'yung panglilibre niya? Para sa akin okay lang naman ang ganong bagay. Kinikilig pa nga ako pag tinititigan niya ako nang ganon.


"Anong mali ang ginawa mo sa akin, Sir?" tanong ko at pinaandar niya na ang kotse niya. "Wala ka namang ginawang mali, 'yun bang pag titig mo sa akin?" tanong ko.


"Oo," sambit niya.


"Ay hindi mali 'yon, blessing 'yon," hirit ko. Ay talaga namang kikiligin ako kapag tinititigan niya ako nang ganon na parang matutunaw ako. Hindi na siya umimik at pinagpatuloy na ang pagdadrive. Kinuha ko ang kamay ni Sir Archer at tiningnan kung anong oras na. Hindi ko naman mabasa ang oras dahil puro guhit lang. Ito ang kahinaan ko kapag tumitingin ako ng oras.


"B-bakit?" naiilang na tanong niya. Binawi niya ang kaniyang kamay, napansin kong mahahaba ang daliri ni Sir Archer at maugat 'din grabe naman!


"Titignan ko lang po sana kung anong oras na," tugon ko. Pero hindi sa orasan napukaw ang atensyon ko, doon sa kamay niya. "Ang ganda po pala ng kamay mo, ang haba ng daliri tapos maugat 'din. Iyong sa akin naman ang liliit," sabay pakita sa aking mga kamay.


"11:00 am na," iyon lang ang kaniyang sinabi sa akin. "And please..... just shut up. Hindi ako makapagconcentrate sa pagdadrive ko," pakiusap niya. Halata namang naiinis na siya at itinikom ko na nga ang aking bibig. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating na kami. Sinuot ni Sir Archer ang jacket niya sa akin dahil naramdaman niyang kanina pa ako nilalamig. Ang lakas kasi ng hangin at tapos na ang summer.


Nang makababa kami ay nakita ko agad si Jerald na naghihintay sa akin, tumaas ang sulok ng kaniyang labi dahil nakita niya na ako. Napalunok ako dahil hindi ko inaasahang nandito siya, akala ko nandoon sa field eh.


"Namiss kita," sabay lapit sa akin at niyakap ako. Ginantihan ko siya at ngumiti 'rin. "Gusto ko na talagang umuwi dito 'non. Ang boring sa manila," dagdag niya.


"Namiss din kita, ang laki na nan pinagbago mo! Hindi ka pa gumraduate pero mukha ka ng engineer," biro ko. Tumingin ako kay Sir Archer at madilim ang awra nito, nakataas ang kaniyang kilay at nakatitig lamang sa amin. Bumuntong hininga lamang siya at hindi na nagsalita at nag iwas pa ng tingin.

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon