Chapter 38

248 3 0
                                    

Leion



Five years later

Kinasal ako kay Augustus at nagkaroon kami ng isang anak na lalaki. Hindi rin madali sa akin ang lahat, dahil sa pagkamatay ng isang anak kong panganay na babae. Paminsan minsan ay umiiyak nalang ako at inaalo ako ni Augustus.

Hindi ko kasalanan, walang may kasalanan sa amin.

"Girls, saan tayo maglulunch?" tanong ni Amanda.

"Tara magsamgyup!" aya naman ni Colin.

"Hoy, ikaw sama ka?" tanong ni Colin sa akin.

"Hindi na muna, may nag-aantay kasi sa akin sa labas...." sambit ko sabay ngiti.

"Para ka namang kulong sa bahay niyan, minsan lang naman mag-aya si Amanda eh!" asik nito at natawa nalang si Ismael sa sinabi nito.

"Huwag mong sabihing, may anak ka. Hindi ka naman mukhang Nanay," laban naman ni Amanda.

Hindi pa pala nila alam na kasal na ako at may may anak na panganay kay Augustus. Fourth year college sa Accountancy ang tinake ko ngayon dahil mas duon ko hiyang ang mga numbers. Gusto kong maging accountant paglaki ko at mukhang natutupad ko naman na 'yon.

Sa tulong ng asawa ko, Hera Solidad De Viola. Nagtataka ang iba dahil parang pamilyar daw ang aking last name pero hindi ko na iyon ipapaliwanag. Baka mamaya sabunutan nila ako dahil certified fan pa naman 'yon kay Attorney ko.

Minsan naiiwan kay Eula ang anak kong si Leion. Makulit na bata at mukhang nagmana pa yata sa akin dahil maligalig ito, kung saan saan pa pumupunta.

"Ayaw mo ba talaga? Minsan lang naman eh," pagpupumilit pa nito at napanguso na lang ako, kaagad namang pinitik ni Ismael ang aking noo. Masama ko lang siyang tinignan.

"Minsan lang naman, Hera."

"Oo na nga. Pero magpapaalam muna ako," nahihiyang sambit ko.

Siguro nahihiwagaan na sila dahil sa aking sinasabi, oo mahiwagaan kayo! Dahil ang asawa ko lang naman ay ang ultimate crush ng bayan. Buti nga pumayag siya na dito nalang ako mag-aral sa cabanatuan at sundo-sundoin ako.

"Sino ba kasi 'yan? Boyfriend mo ba? Wala ka namang kinukwento sa aming boyfriend mo." Giit naman ni Ismael.

Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, bakit ba napakarami niyang tanong? Oo, umamin na 'to sa akin nuong first college palang pero tinanggihan ko 'yon dahil nakatali na ako sa iba at may anak pa ako.

Hindi ko lang masabi dahil baka mabigla sila at hindi ako paniwalaan, at mas lalong hindi ko naman kinakahiya na nag-asawa ako at nagbunga ang pagmamahalan naming dalawa.

Nang makalabas ay nakita ko na si Augustus na nakaabang sa gate, nakasandal sa may pintuan ng kotse at patingin tingin sa relo ng mamahalin. Ang gagong 'to. Kahit ganoon lang ang gawin, ang pogi pogi parin.

Tuloy ang mga teachers na dumadaan ay nakatingin sa kaniya at ninanakawan ng tingin. Pero sa klase ng tingin nila ay medyo ayoko. Dapat ako lang titingin ng ganoon. Kahit bata palang ako para sa kaniya, tinutuon ko minsan ang sarili ko sa pag-aaral kung paano maging mabuting asawa sa kaniya.

Lalo pa't kasal na kami at mas matured sa mag-isip kaysa sa akin.

Akma akong pupunta sa pwesto ni Augustus ng muntikan akong mapatid at hawakan ang aking braso ni Ismael, nag-aalala itong tumingin sa akin.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Oo, hoy huwag na!" sabay tapik ng kaniyang balikat pero lumuhod ito para ikabit ang sintas ng sapatos ko.

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon