Chapter 16

237 2 0
                                    

Kain


Makalipas ang isang buwan nang paghihintay ko. Naging mabuti ang pakikitungo ni Aling Krising kay Nanay pero hindi ko parin masisi ang sarili ko kung hindi ko siya pinapansin ngayon. Pero in a good terms naman kami ni Vincent. Hindi lang siya gaanong nagsasalita tungkol sa aming dalawa ng Nanay niya.

"Sa isang araw na ba kayo aalis ni Augustus?" tanong ni Nanay sa akin habang nagtutupi ako ng damit.

"Opo Nanay, ayos lang po ba kayo rito kahit mga ilang araw po ako mawawala?" tanong ko sa kaniya. Alam kong tiwala siya kay Sir Augustus at papayagan niya ako. Sa ngayon ay may inaayos lang daw muna si Sir at baka raw magkita nalang kami kapag sinundo niya na ako.

Naging busy din kasi sa trabaho ang isang 'yon pero okay lang sa akin dahil trabaho niya 'yon at hindi ako magiging hadlang sa gusto niya.

"Ayos lang naman sa akin," sagot niya.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti, si Tatay naman ay walang problema sa pagsama ko pero hindi niya pa alam ang tungkol sa amin ni Sir Augustus. Minabuti ko munang huwag sabihin ni Sir Augustus sa lahat. At tyaka nalang kapag ready na.

Hindi pa muna sa ngayon at may magkakaroon ng violent reaction. Alam kong naging madali ang pangliligaw niya sa akin kahit ako naman ay nagtataka kung bakit ang bilis niya nangligaw, pati mga marites na kapit bahay namin nagtataka bakit daw palaging nagpupunta si Sir Augustus dito sa bahay.

Hindi na ako magtataka kung naiinis na sila sa akin pero wala naman akong magagawa sa kanila. Ako ang gusto ni Sir Augustus kaya ako ang niligawan niya at sinagot ko agad. Sabihin na nating easy to get ako sa tingin nila pero ako naman ang unang nangligaw kay Sir Augustus kahit panay ang taboy niya sa akin 'non.

Nang maayos ko na ang aking damit ay inilagay ko na 'yon sa malaking bag nakasya isang tao 'yon. Ibinigay ni Nanay sa akin 'to dahil hindi naman na siya aalis simula 'nong dalaga ay malimit na siyang magbakasyon sa ibang lugar.

"Nanay, may panty't bra na po riyan?" tanong ko.

Tinignan niya ang bag at umiling. "Wala anak, pero teka lang...." sabay kuha sa cabinet. Kumunot ang noo ko dahil sa nilabas niya. "Eto, binili ko 'yan para sayo. Malamang may itatagal ito dahil original naman. Awang awa na ako sa bra at panty mo eh."

"Sige po Nay, salamat po."

Inilagay niya na 'yon sa bag. Nang matapos ang pagsasalansan ng mga damit ko ay nagpaalam muna akong bibili muna ako ng favorite kong pabango. Strawberry scent na palaging naaamoy sa akin, paubos narin kasi sa akin at dahil ayoko nang mawalan ay bumili na kaagad ako.

"Iyong strawberry scent po," saad ko.

Kumuha siya ng strawberry scent at iniabot sa akin. "105 na 'yan, nagtaas na kasi ngayon."

"Ha?! Akala ko 85 lang, babalik na lang po ako. Wait lang po," sabay talikod ngunit pinigilan niya akong bumalik.

"Hindi na, okay na 'yan. Oh eto," sabay abot sa akin.

"Wow! May sakit po ba kayo Aling Tes," biro ko at iniwave ang kaniyang kamay.

"Ayos lang sa akin 'yan kung sasabihin mo ang pangalan ng lalaking bumibisita sa inyo mukhang mayaman ah. Irereto ko lang sana ang anak ko," sambit niya.

"Ay hindi po pwede 'yon," tanggi ko.

Maganda at sexy ang anak niya, hindi ako pwedeng magkamaling kapag ipinakilala ni Aling Tes ang kaniyang anak ay pagaling bubuntutan si Sir Augustus. Ayoko 'non, dahil ako lang ang dapat gumawa 'non sa kaniya.

"Eh bakit naman? Alam kong boto ka sa anak ko kung itutulak mo siya sa lalaking 'yon. Bayaan mo kapag pinatulan naman palagi ka niyang bibigyan ng balato," pangungulit pa niya.

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon