Chapter 10

274 2 0
                                    

Augustus



Nang makaligo ako ay ikinusot ko 'rin ang twalya sa aking buhok, ang bango bango ng panglalaking sabon ni Sir Archer pati na 'rin 'yung shampoo niya. Kaamoy niya narin tuloy ako at 'yung strawberry na cologne ko ay hindi na kumapit sa akin. Nang makalabas na ako ay nakita kong nanonood si Sir Archer ng palabas.

Nahiya naman ako sa aking suot dahil ang laki laki, pero okay lang dahil kay Sir Archer naman 'to. Para naman hindi ako mailang ay pumunta ako sa tabi niya at tinignan ang kaniyang pinapanood. Korean drama 'yon at sa wakas may kasama narin akong may hilig nito.

"Ano 'yan, Sir?" tanong ko.

"Weak hero class one," sagot niya. Nakita kong tinignan niya ako at binaba ang tingin sa aking katawan at tumikhim kasabay nang kaniyang paglunok, kumunot naman ang noo ko dahil 'don. Ayaw niya bang suotin ko ang damit niya?

"Ay paborito ko 'yan, Sir! Si Jihoon pa nga paborito ko diyan eh. Tapos na comma 'yung isang kaibigan niya," inirapan niya ako at pinagpatuloy niya na ang panonood. "Tapos tutusukin ng ballpen 'yung bully, oh diba Sir! Sabi sa'yo eh!" sabay palakpak.

"Ikwento mo na lang kaya," bulong niya sabay irap sa akin pero doon parin ako nakatingin, ang aking mata ay natutop parin 'don.

"Anong episode na 'to, Sir?" tanong ko.

"One palang, pero alam ko na ang mangyayari sa huli," mukhang ako pa yata ang sinisisi. Naging crush ko rin si Jihoon dito buti nalang at nakinood ako kila Vincent sa netflix niya. Tumingin ulit ako sa picture frame kung saan nakalagay 'yon pero nagtaka ako dahil nawala na. Nagulat pa nga ako dahil nahulog sa aking balikat ang t shirt niyang maluwang. Nakita tuloy ang strap ng bra ko.

Kaagad nakita ni Sir Archer 'yon kaya ibinalik ko 'rin pero nahulog na naman. Nakita kong hinawakan ni Sir Archer ang damit ko at dahan dahang itinaas ulit at tumaas naman na. Nag iwas siya ng tingin sa akin at itinuon na ang paningin sa tv. Inaantok narin ako kaya napagpasiyahan kong matulog na lang.

"Saan po pala ako matutulog?" tanong ko.

"Diyan sa kama, ako na lang dito sa sofa," tugon niya. Ay akala ko tabi kami na parang mag asawa ganon.

"Eh bakit naman Sir? Pwede ka naman dito tumabi sa akin ah," laban ko. Nagkunwari pa siyang inaantok at humiga na habang hindi niya na pinakikinggan ang sinasabi ko. Ngumuso na lang ako at humiga na, iniisip ko kung kailan ako makakatulog. Si Sir Archer naman ay nakahiga sa sofa pero nakasindi naman ang tv naiisip ko tuloy kung natutulog na siya o hindi pa.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nagsimula na akong makatulog pero hindi parin talaga, kaya napagpasyahan kong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Hindi ko naman kabisado ang kusina at itatanong ko sana kung saan pero nakatulog na si Sir Archer. Pinagmasdan ko siyang mabuti at napangiti dahil ang pogi pogi niya parin kahit natutulog na.

"Grabe namang mukha 'to, ang pogi pogi," bulong ko habang nakalapit ako sa kaniyang mukha. Alam ko namang tulog na siya kaya pinaglandas ko ang aking daliri sa noo niya pababa sa kaniyang labi. Napalunok ako ng laway dahil ang pula pula 'non. Ang sarap siguro halikan pag ganito. "Ang swerte ni Maam Kierra sa'yo, iniisip ko pa lang kung paano ka mag alaga ay parang hindi ko na kakayanin. Nagseselos ako Sir Archer, nagseselos ako sa lahat ng babaeng nakakausap mo, ang mga ngiti mo na dapat sa akin lang. Huwag na sa iba," mahinang bulong ko.

"Pero isang sabi mo lang na lalayo ako ay lalayo ako. Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sayo, pero kung patuloy mo 'tong ginagawa at binibigyan ng pag asa ay handa akong maubos, Sir," sambit ko habang mapayapa lang siyang natutulog.

Kumunot pa nga kilay niya at biglang umalis ang kaluluwa ko sa katawan ko nang ibukas niya ang mga mata niya at nakatingin parin siya sa akin.

"S-sir!" gulat na sigaw ko. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at hindi inaalis ang tingin sa akin. "Kanina pa po kayo gising?!" tanong ko. Umayos siya at bumangon at umupo sa tapat ko habang ako ay hindi makapaniwalang narinig niya nga lahat 'yon.

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon