Chapter 35

250 4 0
                                    

Bihag



"Dito ka lang, babalik din ako," paalam niya habang nakahawak ako ng mahigpit sa kaniyang kamay at umiiyak na ngayon.

"Hindi pwede! Hindi! Baka mamaya may mangyaring masama sayo," alalang sabi ko habang pinupunasan niya ang aking mukha.

"Baby, hindi lang naman ako ang pupunta ron. Hindi matatapos 'to kung hindi ko na 'to tutuldukan, matagal na akong nagtitimpi sa kanila," sambit niya. Tuloy tuloy parin ang agos ng luha ko mula sa aking mata.

Mahigpit akong kumapit at hindi siya binitawan.

"I'll be back, I'll promise." Pangako niya at hinalikan ako sa aking labi, unti unting lumuwag ang pagkakapit ko sa kaniyang braso at hindi ako makapagsalita dahil tanging hikbi lang ang nasasagot ko. Lumabi siya at pinat ang ulo ko. "Baby, babalik naman ako, pangako."

"B-bumalik ka talaga, kapag hindi ka bumalik puputulin ko 'yang ulo mo." Babala ko at kaagad naman itong natawa.

"Aray naman, masakit 'yon ha."

Nang makabawi ay may kinuha siya sa ilalim ng kaniyang kama at may mga baril duon, may pribado siyang nilalagyan ng mga baril na hindi ko talaga alam na meron ganon. Kinasa niya 'yon at naglagay ng bala sa kaniyang katawan at bulsa.

Nakatitig lang ako sa kaniya at nakikita kong magaling nga siyang makipaglaban, pero sa oras na may mangyaring masama sa kaniya hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Ngumiti siya sa akin at nagpaalam na.

"Dito ka lang, huwag kang lalabas," turo niya at tumango ako.

"Mag-ingat ka," sambit ko at ngumiti ng mapait. Tumango siya at hinalikan ulit ang aking noo at labi, nang makalabas siya ay hindi na ako mapakali kakaisip. Pumasok si Eula sa kwarto at nakita kong may dala siyang pagkain.

"Maam, binilin po kayo sa akin ni Sir na huwag kang lalabas, meron po pala akong hinandang pagkain sa'yo," aniya. Inilagay niya 'yon sa counter table at hindi ako makakibo. "Maam," tawag nito.

"P-paano kung may mangyaring masama kay Augustus?" wala sa sariling tanong ko habang nakahawak na sa braso niya.

"Huwag po kayong mag-alala Maam, magaling pong makipaglaban si Sir Augustus." Pag-aalo niya, alam ko namang sinabi niya lang 'yon para pagaanin ang loob ko pero siyempre hindi ko parin mapipigilang mag-alala.

"P-paano ang mga bisita mamaya? Baka mamaya madamay sila rito," bulong ko.

"Pincancel ni Sir Augustus, ganon kalakas ang pangalan nila," sambit naman niya. "Huwag po kayong mag-isip ng kung ano ano, hindi na patatakasin sa batas ni Sir Augustus ang mga nasa likod ng sindikatong 'yon."

Hindi ako nakaimik at nagulat ng yakapin niya ako, napatigalgal ako at hindi makapagsalita at dinaan nalang sa iyak. Mahigpit ang yakap ni Eula sa akin na para bang kahit ganoon man lang ay mapapagaan ang loob ko.

"Eula, nag-aalala ako sa kaniya. Gusto ko dito lang siya," hinanaing ko pa. Tinapik tapik niya ang likod ko habang nakayakap sa kaniya.

Alam kong wala ng magagawa ang pag-iyak ko, pero eto nalang ang daan para matakasan ko ang aking pangamba.

"Magiging okay din ang lahat, Maam. Huwag po kayong mag-alala."

"Sana nga, Eula."

Makalipas ang isang oras, ay hindi ko parin nagagalaw ang pagkain. Hindi ko yata malulunok ang aking kinakain kung ganon naman ang mga nasa isip ko. Nag ooverthink na ako ngayon at hindi ko alam kung paano ko kakayanin kung may masama pang mangyayari.

Nagulat ako nang pumasok din si Marco sa kwarto at hindi man lang kumatok, napasigaw pa si Eula sa gulat.

"M-marco!?" gulantang na tanong ko. Binakuran ako ni Eula dahil hindi niya naman kilala ang lalaking nandito sa harapan ko. "Bakit?"

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon