Marco
"Hera, bakit hindi mo sinabing siya ang...." hindi ko na siya pinatuloy nang magsalita ako.
"Okay na po Tita. Salamat po," mahinang anas ko. Tatayo na sana ako nang alalayan ako ni Augustus at buhatin. Aangal pa nga sana ako pero hindi niya na ako pinagsalita.
"Bahala ka na rito, patayin mo kung sinong gusto mong patayin," saad ni Augustus. Kaagad kong hinigpitan ang kapit ko at pumantay sa titig niya.
"Huwag mong gagawin 'yon, please. Sila nalang din ang natitira sa akin, bakit papatayin mo rin sila??" hagulgol na tanong ko.
"Hera...." tawag niya.
"Hinding hindi kita patatawarin," mahinang sabi ko.
Nang maibaba na ako sa kotse ay pinaharurot niya ito at tahimik lang kami. Habang si Augustus ay tahimik na nagdadrive ng kotse. Ang itim na pulseras na binigay ko ay nakasuot parin sa kaniya pero wala akong pakialam duon.
Ang mahalaga makatakas ulit ako sa kaniya.
"Sinasaktan ka ba nila?" tanong niya.
"Wala kang pakialam duon."
"I'm just worried."
"Hindi mo kailangang mag alala sa akin," inis na sabi ko. Pumikit na ako at sinubukan niya pang magsalita pero natulog nalang ako.
Nang magising ako ay kaagad akong nakaramdam ng pananakit ng katawan, tumingin ako sa kabuoan at nakita ko ang portrait na black sa kwarto. Halata naman na kay Augustus 'to. Mahilig kasi sa itim ang lalaking 'yon.
Bumaba na ako at nag inat inat, at pumunta sa sala. Tinignan ko pa muna ang sarili ko at nakita ko ang pamumutla ng bibig ko.
Medyo masama ang pakiramdam ko ngayon, ewan ko ba. Wala naman akong sakit. Sinigurado kong malaking t-shirt ang isusuot ko dahil baka mamaya ay mahalata ni Augustus ang paglaki nito. Tatakas na muna ako bago pa mangyari 'yon.
"Gising ka na pala," singit ni Augustus. "Let's eat breakfast," aya niya.
"Hindi na," sagot ko.
"Hindi ka pa kumakain simula kahapon, pumapayat ka na."
"Ayoko nga sabi." Mahinang anas ko. Sumimangot lamang siya sa akin at nakita ko ang paghubad ng kaniyang apron, ito ang nakikita ko nuon.
Nuong baliw pa ako sa kaniya.
Umirap lang ako sa kaniya at umalis na sa sala pero hinawakan niya ang aking braso. Kaagad akong napaaray sa sakit.
"Aalis na ako, salamat."
"Hindi ka aalis hanggang hindi ka kumakain." Saad nito sa akin, inirapan ko siya at kinuha ang kaniyang kamay at padarag na ibinaba 'yon. Wala siyang karapatan sa akin, hindi ko rin karapatan na pumayag sa lahat ng gusto niya.
"Sinong tinatakot mo?"
"Hindi kita tinatakot, nag aalala lang ako sayo."
Hindi ko na siya sinagot pa at umalis na sa kaniyang harapan pero ganuon nalang ang gulat ko ng buhatin niya ako at ilagay sa may sink in. Duon niya ako kinorner.
"You're so beautiful, Hera." Habang nakatingin sa akin. "Bagay sa'yo 'yang buhok mo," puri niya. "Ang ganda ganda mo."
"Paki ko." Sabay irap.
Natawa siya at nakita ko ang paggalaw ng kaniyang panga. Hindi ko alam ba't ganito parin siya sa akin, tapos naman na ang relasyon namin, may fiance na siya pero bakit sinusundan niya parin ako hanggang ngayon?

BINABASA MO ANG
The Culprit (De Viola #1)
RomansaHe's the ruthless, he's too heartless and and I don't mind, my mind is clever to think that he's dangerous man. A man that have no heart. I'm into him, so I will be. Note: I don't claim the photo, credits to the owner❤️